Agnes' POV
Bub, pasensya kana kung kailangan kitang iwan. Hindi ko kayang humarap sayo ngayon, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Diko kayang makita kang umiiyak kaya di na ko nagpakita sa huling pamamaalam ko sayo. Pag umayon sakin ang panahon, babalik ako ha? Babalikan kita. Mahal na mahal kita, Agnes.
Diko alam kung kakayanin kong mawala sa piling mo, pero susubukan ko. Kaya pakiusap ko sayo, kayanin mo din ha? Babalik pa ako. Sa pagpatak ng luha mo, bahagya mong punasan ito. Kayanin ang buhay ng wala ako, dahil babalik ako, pangako. Wag mong pababayaan ang sarili mo, ganun din ako. Maaaring ito na muna ang huli sa ngayon, pero sa susunod na panahon magkikita padin tayo.
Mahal na mahal kita, Agnes.
Patricia
Eto yung huling liham na natanggap ko mula sayo, bago ka umalis. Hindi ka man lang personal na nagpaalam, hindi ka manlang yumakap. Paano na ako?
Ilang taon na ang lumipas mula noong umalis ka. Ganun ba kadali na para bang wala kang naiwan? Pilit kong iniisip kung saan ako nagkulang. O di kaya'y sumobra ba? Sumobra ba yung pagmamahal na naiparamdam ko at dumating sa puntong ayaw mo na? Na nagsawa ka na? Ilang taon na mula noong iwan mo ako sa pangako mong "babalikan kita"
Babalik ka pa ba? O pangako mo'y limot mo na? Taon-taon akong nag-aantay ng kasagutan, pero ni anino mo wala akong nakita. Maghihintay pa ba ako? Hanggang kailan kita mahihintay?
Ayokong dumating sa point na mapagod nakong antayin ka. Antayin ka ng walang kasiguraduhan. Lagi nalang ganto, nahihirapan na ako. Gusto ko nalang itigil ang kamay ng orasan, para kahit gaano kita katagal antayin parang wala lang.
Nagbabanda parin naman ako, kasi eto nalang kasiyahan ko e. Eto nalang yung nakakapagpawala ng lungkot ko, pero eto rin yung nagpapaalala sakin na minsa'y minahal ko ang isang miyembro nito. Pero diko magawang iwan ang banda, mahal natin to diba? Babalikan mo pa 'to, Pat. Miss kana rin nila Migs, Pao, Poch, Keif, Andrew, Toni at Jam.
Namimiss ko na yung mga yakap mo, lahat lahat sayo. Yung mga halik mo sa noo ko tuwing nalulungkot ako. Miss na kita, bub.
BINABASA MO ANG
Paper Planes
RandomLosing someone makes it hard for us to wake up everyday. It seems like we always doubt ourselves, did we do something wrong? Until when are you going to wait if the future seems uncertain?