CHAPTER 1

3.6K 37 36
                                    

TAKE NOTE: (this is the first installment of gorqyieds series, however you can read this series as STAND ALONE, hope you enjoy it!)

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

CHAPTER 1

"Aksana!" malakas kong sigaw habang nagwawalis sa harap ng bahay.

Alas-sais na ng umaga at ilang beses na 'kong sigaw nang sigaw dahil papasok na siya sa school nito.

"Fria, lalabas na nga ako, 'di ba?"

Tinabi ko sa gilid ang walis tingting at pinuntahan siya. Nakatayo ito sa bukana ng pintuan at nakabusangot sa akin. Umi-squat ako para magkapantay kami at nilingon si Stephanie na nasa likod ni Aksana. Kaibigan ko.

Hinawakan ko ang balabal sa kanyang ulo at tinanggal 'yon. "Ano ba naman 'to? Tanggalin natin 'yang balabal na nakapandong sa 'yo. Ang ganda kaya ng buhok mo."

Humaba ang nguso nito sa 'kin. "Aasarin na naman nila ako, Fria!" maktol nito. "Palibhasa wala ka sa school."

Parang may kung anong kumirot sa aking dibdib dahil sa sinabi niya. Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Hindi ba nga ang sabi ko sa 'yo—"

"Huwag silang pansinin at hayaan na lang," pag-putol niya sa aking sinabi, umirap pa ito.

Mahina akong natawa at hinalikan ang kanyang noo. Tuluyan ko nang tinanggal ang nakatakip sa kanyang ulo at doon lumantad ang kanyang mahaba, makapal, at kulot na buhok.

"Tignan mo, ang ganda kaya ng buhok mo," pag-puri ko sa kanya.

Sumimangot siya at niyakap nang mahigpit ang kanyang doll na si Merida. Ang main character sa 'Brave'. Pareho kasi sila ng kulay ng buhok at kung bibihisan ko si Aksana ng damit na kagaya kay Merida pagkakamalan talaga na siya 'yon.

Lalo pang humaba ang kanyang nguso. "Sinabi mo lang 'yan sa akin kasi magkapareho tayo ng kulay ng buhok."

Inangat ko ang aking tingin at tinanguan si Stephanie. Tumawa siya at pinuntahan si Aksana.

"Tara na, Axe. Mala-late kana sa school," wika ni Stephanie.

Dahan-dahang tumango si Aksana at nilingon ako.

"Yakapin mo 'ko, Fria. Para gumaan naman ang pakiramdam ko," pabulong nitong saad.

Lumuhod ako at niyakap siya nang mahigpit. May kinuha akong clip sa bulsa ng short ko at inipit sa kanyang buhok. Hinalikan ko ulit ang noo niya at sinuklay ang kanyang buhok bago bumitaw.

"Bagay sa 'yo ang nabili kong ipit, Axe. Lalo kang gumanda," ani ko sa masayang tono.

Natuwa naman ako at sumilay sa kanyang labi ang ngiti. Grabe, buo na naman ang araw ko.

"Salamat! Huwag kang mag-alala, Fria! Pag-uwi ko may star na ako. Abot hanggang dito." Tinuro niya ang kanyang kamay paakyat sa kanyang braso.

Mahina akong natawa at tumango na lang.

"Sige na, Fria. Ihahatid ko na muna 'tong si Axe nang matulungan kita sa paglilinis ng bahay," pag-papaalam ni Stephanie.

"Okay, mag-iingat kayo." Nakangiti kong wika.

"Bye, ate!" sigaw ni Axe.

Kumaway ako sa kanya hanggang sa tuluyan na silang mawala sa aking paningin. Pumasok ako sa loob ng bahay at niligpit ang pinagkainan nila. Si Stephanie ang kasama ko simula nang mapunta ako rito sa kanilang baryo. Walong taon na ang nakalilipas at nami-miss ko na rin ang kaibigan ko na si Cattalina.

Bad Romance (Gorqyieds Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon