CHAPTER ONE

53 3 9
                                    

BLAIRE

Isang linggo.

Isang linggo na ang nakalilipas mula nang mangyari ang araw na 'yon. Mula no'n, wala na akong nahagilap ni isang anino. I survived with the food and shelter na nahanap ko sa iba't ibang bahay kung saan man ako dumaan. Kapag gabi, kung ano ang makita kong bahay, do'n ako magpapalipas. Maingat pa'rin ako sa bawat galaw ko. Mukha na nga akong daga na tinataguan ang amo sa ginagawa ko.

Ang hirap ng ganito. Sinubukan kong humingi ng tulong via phone pero walang signal kahit saan ako magpunta. Wala ding lumalabas sa tv o radyo na kahit ano kun'di black screen lang. Hindi ko alam paano ako hihingi ng tulong. Ito nalang ang naiisip kong paraan, ang mismong maglakad ng ilang kilometro para makahanap ng tulong.

Kanina pa ako palakad-lakad. Hindi ko rin alam kung saan ba talaga ako papunta. Para bang may hinahanap ako pero hindi ko naman alam kung ano nga ba ang hinahanap ko.

Masyadong tahimik ang kapaligiran. Wala akong ibang marinig kun'di huni ng mga ibon, paghampas ng dahon sa mga puno, at sarili kong hiningang hinihingal.

Napapagod na ako pero ayokong tumigil. Tagatak na ang pawis ko pero gusto pa'rin magpatuloy ng mga paa kong maglakad. Hindi ko alam ano'ng gagawin ko. Sobrang layo ko na mula sa bahay namin. Umaasa pa'rin akong may makikita akong tao o kahit na sino. Pero kanina pa ako naglalakad, wala pa'ring senyales ng kahit na sino.

Ayoko namang maniwala na lahat ng tao ay kasama sa pilang nakita ko noong nakaraan. Napaka-imposible mangyari ng gano'n. Masyadong imposible. Sa mga pelikula at libro lang pwedeng mangyari ang gano'n. Ano, ako lang ang natira? Bakit hindi ako kasama doon sa pila? Bakit nga ba biglang naging ganito?

Heto na naman ako. Puro katanungan ang laman ng isip. Sa sobrang pagkabahala ko, hindi ko na maramdaman ang gutom ko. Sino ba naman ang hindi mababahala na paggising mo isang umaga, biglang nagbago ang lahat?

Napabuntong hininga nalang ako sa sobrang frustration na nararamdaman.

Muli akong napalingon sa paligid ko. Nasa bayan na ako. Mataas ang sikat ng araw. Puro matataas na gusali, nakaprenong mga sasakyan, nakakalat na gamit at basura ang nakikita ko. Wala ni isang tao. Animo'y may zombie apocalypse na nagaganap dahil sa tahimik at lungkot ng paligid.

Nasaan nga ba sila? Hindi ko na napansin noong nakaraan kung saan ba talaga sila patungo dahil sa sobrang takot na bumalot sa akin. Alam kong napaka-imposible, pero parang kinokontrol sila. Sa pagbabantay ng mga armadong lalaki palang ay halata na.

Napatigil ako nang may marinig akong mahihinang boses. Nabuhayan ako ng loob. May mga tao dito? Baka pwede ako makahingi ng tulong. Baka sila ang makakapagpaliwanag sa akin ng mga nangyayari ngayon.

Sinundan ko ang mahihinang boses. Dahil na rin siguro sa katahimikan ay madali ko lang itong narinig at nasundan kahit gaano pa ito kahina. Ilang segundo pa ay natunton ko na rin ang pinanggalingan nito.

Alam kong kanina ko pa gustong gusto makakita ng tao, pero hindi ito ang inaasahan ko.

Tatlong lalaking nag-uusap usap ang nadatnan ko. Magkakaparehas sila ng suot: Itim na military tight suit, bullet vest na may nakalagay na numbers, itim na boots, at riffles. Mukha silang mga militar. May nakasulat din na LCCD sa dibdib na bahagi ng suot nila.

Imbes na matuwa ay muling bumalik ang takot na naramdaman ko noong pinasok kami sa bahay. Dahan-dahan na sana akong aalis palayo sa lugar na 'yon nang makuha ng atensyon ko ang pinaguusapan nila.

"Kailangan simutin ang lahat," matigas na sambit ng isa sa kanila. Napansin kong may malalim peklat siya sa kanang sentido niya. Siya lang ang walang nakasulat na number sa suot. "Walang matitira."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DEVIANTS: The Last Of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon