BLAIRE
Nagising ako dahil sa ingay. Puro sigawan, malalakas na yapak, at magugulong ingay ang naririnig ko.
Kinuha ko ang salamin ko sa mata at sinuot. Agad akong bumangon at tumingin sa labas ng bintana ng kwarto ko. Ano'ng nangyayari? May riot ba? Bakit puro sigawan? Sobrang ingay ng paligid. Sobrang gulo.
Napakunot ang noo ko nang may makita akong maraming mahahabang pila ng mga tao. Ang iba ay nakapan-tulog pa, ang ibang mga kalalakihan ay naka-boxer shorts lang, pero parang wala lang sakanila na gano'n ang suot nila. May mga matatanda, may teenagers, at may mga bata.
Naglalakad sila na para bang mga sundalo. Walang natitinag, walang naiiba. Lahat sila ay diretsong naglalakad lang papunta sa hindi ko alam kung saan.
Mas lalo ako nagtaka nang makita ang mga armadong lalaking mga naka-itim. May mga hawak silang baril, riffles. Para bang binabantayan nila ang bawat isang naglalakad.
I took one step back dahil sa nakita ko. Bakit parang may mali? Anong nangyayari?
Pero nagulat ako sa nahagilap ng mata ko. Nilapit ko pa ang mukha ko sa bintana para makasigurado o guni-guni lang ba ang nakita ko.
Nakita ko sina Mama at Papa na kasama sa isang pila. 'Yung suot nila kagabi bago kami matulog, 'yun pa'rin ang suot nila. Kinilabutan ako nang makita ang ibang mga kaklase ko, kaibigan, at kakilala na nasa pila rin. Para bang wala silang naririnig at ibang iniisip. Walang emosyon sa mukha. Para silang mga robot na kinokontrol.
"Check niyo ang bawat kwarto."
Hindi ko mapaliwanag kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko nang may marinig akong malalim na boses ng lalaki. Pinasok kami. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sa sobrang kaba ko, agad na nagtago ako sa ilalim ng kama ko. Hindi ko na alam saan pa pwede magtago sa kwarto ko. Masama ang kutob ko rito. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang huwag ako makita ng kung sino ma'ng pumasok sa bahay namin.
Dug dug. Dug dug. Dug dug.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam ang nangyayari sa labas. Wala akong kahit na anong ideya sa nangyayari ngayon. Wala ako nabalitaang may gulong nangyayari sa lugar namin. Ano ba'ng nangyayari?
Napatakip ako sa bibig ko nang marinig na bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Isang pares ng paa papasok ang nakita ko. Naka-kulay itim na boots ito, animo'y pang-militar.
Bawat hakbang niya ay siyang dahilan ng pagbilis lalo ng tibok ng puso ko.
Nagsimula siyang mag-ikot sa kwarto ko nang dahan-dahan. Binuksan niya pa ang mga aparador na animo'y may hinahanap.
Huwag kang titingin sa ilalim ng kama, please.
"Hindi pa ako tapos," narinig kong biglang sabi ng lalaki. May kausap yata siya sa kabilang linya. Ang lamig ng boses, ang lalim. Nakakatakot.
Halos mangiyak-ngiyak ako nang bigla siyang lumuhod sa isang tuhod niya. Sisilip ba siya dito? Paano 'pag nakita niya ako? Anong gagawin niya sa'kin? Huhulihin niya ba ako? Papatayin?
Hindi ko alam kung bakit ko ba naiisip ang mga ganitong makamundong bagay. Sadyang masama lang ang kutob ko sa mga nangyayari ngayon.
Nangingilid na ang mga luha ko nang naramdaman kong sisilipin niya na ang ilalim ng kama kung nasa'n ako.
"34."
Naramdaman kong napatigil ang lalaki nang may marinig kaming isa pang boses. Isang pares ng paa na naman ang nakita ko sa may pintuan ng kwarto ko.
"Pinapatawag ka ni Madam," tugon ng bagong dating. Malamig rin ang boses niya katulad ng isa. Nakakatakot.
Tila ba nabunutan ako ng napakalaking tinik nang tumayo siya mula sa pagkakaluhod. Kung hindi ako nagkakamali, tinawag siyang 34 ng bagong dating na lalaki.
Ilang segundo pa matapos ng mahinang diskusyon na hindi ko naman maintindihan ay sabay silang umalis ng kwarto ko.
Natulala ako. Natatakot ako. Hindi ko alam ang nangyayari. Ang daming tanong na bumabagabag sa isipan ko ngayon. Sino sila? Paano sila nakapasok sa bahay namin? Anong nangyayari sa labas? Bakit nando'n sina Mama?
Hindi ko mabilang kung ilang minuto o oras ako nanatili sa ilalim ng kama. Ayoko lumabas. Para bang sa oras na lumabas ako sa ilalim ng kamang 'to ay buhay ko ang nakataya. Hindi ako makagalaw. Ang tanging nasa isipan ko lang ay ang mga tanong na hindi ko alam ang mga kasagutan.
Maya maya ay tumahimik na ang paligid. Walang yapak, walang sigawan, walang kahit na ano. Sa sobrang katahimikan ay nabibingi na ako.
Kahit nababalot ng takot ay dahan-dahan akong lumabas mula sa ilalim ng kama ko. Pinapakiramdaman ang paligid. Nag-iingat na huwag gumawa ng kahit anong ingay o tunog.
Muli akong sumilip sa bintana. Wala akong ibang nakita kun'di ang mga nagliliparang dahon, ibon, basura o kalat, at kalikasan. Walang kahit na sinong tao akong nakita.
Hindi ko maintindihan ang kabang nararamdaman ko. Sobrang laki ng mali. May hindi tama sa nangyayari ngayon. Hindi ko maintindihan, gulong-gulo ako. Natulog ako kagabi na maayos ang lahat, walang kahit na anong balita na konektado sa ganitong sitwasyon, pero bakit ganito ang inabutan ko pagmulat ko ng mata?
Kahit natatakot man, may kung anong bumubulong sa isipan ko na lumabas at alamin ang nangyayari. Hindi ko maintindihan.
Pero handa na akong alamin kung ano man 'yon.
DEVIANTS:
The Last Of All
- DEVIANTS TRILOGY #1 -
Written by Kelsie CabreraUPDATES ARE EVERY FRIDAY.
BINABASA MO ANG
DEVIANTS: The Last Of All
FantasíaBlaire Fortalejo suddenly wakes up because of the deafening noises, blaring footsteps, and strident voices she was hearing. Little did she know that the moment she opened her eyes was already the beginning of a long journey that will unravel surreal...