Prologue

5 0 0
                                    


Isang hindi magandang umaga ang bumungad sa akin. Bukod sa hindi matutuloy ang pag-alis ko, nakipagtalo na agad ang boyfriend ko.

"Do you love me right?" he asked.

"Yes."

"Then, let's make love!"

Nasapo ko ang aking noo.

He sighed. "Look, Zayn, I don't want to lost you that's why I want you to get pregnant. Hindi kita tatakbuhan. Pananagutan ko iyan."

Paulit-ulit na kaming nag-usap tungkol dito at paulit-ulit na kaming nagtalo. Mahal ko ang boyfriend ko pero hindi ko ibibigay ang gusto nya dahil wala pa kami sa tamang panahon.

Umiling ako.

"If you truly love me, you won't force me to do that. Don't question my feelings to you just because I don't want to have a child with you right now. But, because I have many responsibilities here in Batangas. Besides, wala pa tayo sa tamang panahon para gawin iyan."

"If you don't want, let's break up."

Hindi na ako nagulat sa sinabe niya. Palagi syang ganito sa tuwing naiisingit nya ang bagay na 'yun. Umalis nang walang paalam ang boyfriend ko. I mean, ex-boyfriend.

"Okay? What's new? Hahaha! I told you sis. Wala siyang pinagbago. Tuluyan mo ng hiwalayan iyan at huwag ng balikan. Kung tunay na mahal ka ni Deniel, hihingin nya muna ang kamay mo sa mga magulang mo at magpapakasal kayo. Pero hindi iyon ang ginawa niya. Enough reason para hiwalayan siya!"

"Itigil mo na ang pakikipag-relasyon mo kay Deniel. Matagal ko nang hindi gusto ang lalake na iyon para sayo Zayn. Nakikita ko lang na mahal mo siya kaya ako pumayag noon. Alam nating lahat dito na mainit ang dugo ni Daddy mo sa batang iyon simula palang."

Pinagsasabihan ako ngayon ng pinsan ko at ni Mommy. Hindi ako umiimik dahil tama sila. Maraming beses na ito nangyare, at ngayon ititigil ko na. Hindi ko na hahayaang makabalik pa si Deniel sa buhay ko.

Mabuti na lang wala si Daddy at si Kuya ngayon. Abala sila sa Mart, ang aming grocery market. Ngunit hindi na ako magtataka na mamaya kakausapin nila ako. Lalo na si Kuya.

Deniel was my long-term boyfriend. We've been shared our happiness and love for almost 3 years. Even my father don't actually like Deniel for me, he always there for us and supporting our relationship. But Deniel is such a trash. He just wasted my father's trust.

I look at the wall clock. It's already 3:30 in the afternoon. Napag-desisyunan ko na bumisita sa Mart dahil ilang linggo na din ang lumipas nung huli akong pumunta doon. At para malibang ko na din ang sarili ko. Ayaw ko na masayang ang oras ko sa pagkukulong sa kwarto dahil hiniwalayan ako ni Deniel. I have a lot of things to do.

Nang dumating ako napansin ko na madaming namimili. Palagi namang ganoon dahil ito lamang ang malaking grocery market sa bayan namin. And I am very proud to say that we have a franchise of Mart. Ako ang namamahala nung pangalawa.

"Good afternoon, Miss Icaro!"

Bati sakin ng mga empleyado.

Sinuklian ko ng ngiti ang mga bati nila. Dahil sa pagtataka ng ilang mamimili ay tumitingin sila sakin.

"Anak siya ng may ari nito." rinig kong sinabe ng isang kahera.

Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at pumunta sa office room. Tumigil ako nang mapansing bukas ang staff room gayong may ilang nagbibihis doon.

"Naku, sorry Ma'am hindi ko po naisarado bago lumabas." si Nel, pawisang humarap sakin. "Kakatapos lang po tumanggap ng delivery kaya po pawisan. Pasensya na po."

I nodded. Nagpaalam na ako sa kanya at umalis na sa staff room.

The office room is open. Mula sa labas ay pakinig na may tao sa loob. Hindi na ako magtataka na nandito si Daddy at Kuya Zion. Hindi pa ako nakakalapit sa pinto ay nakita na ako ni Kuya. Tumaas ang kilay nito at ngumisi nang nakakaloko.

"Let me guess, nandito ka para sabihin samin ni Dad na wala na naman kayo ng boyfriend mo?" pauna nya.

I rolled my eyes at nilampasan lang siya. Dumiretso ako sa loob para umupo. "Hindi na ako mag-aaksaya ng panahon para diyan."

Humalagapak ang tawa ni Kuya. "Sabi ko naman sayo e! Hindi ka mahal ni Deniel. Lalake ako kaya alam ko iyan."

"At anong alam mo?! Ni hindi ka pa nga nagkaka-girlfriend e." angal ko.

"Tama si Zion, Zayn. From the start, I don't like that guy for you. Kalimutan mo na siya. You don't deserve him, okay?"

"Pwedeng-pwede ko nga siya kasuhan dahil sa pagpilit niya sayo e!"

Nilingon ni Daddy si Kuya. "It's a waste of time." bumaling naman sakin. "Promise me, Zayn, you will not going to be a prisoner of what happened to you and Deniel. It is part of your past now. He is a lesson to your life."

Tumango ako at hindi na umimik. Tama naman sila kaya walang rason para magmatigas pa ako sa kanila. For now, I'm going to make my self busy para maiwasang isipin si Deniel. Pero wala na ba talaga? Baka nadala lang siya ng emosyon niya kaya nasabe niya iyon.

Umiling ako sa sariling iniisip. Hindi pwede maging marupok. Tama na yung ilang pagkakataon na binigay ko sa kanya para magbago pero patuloy niyang binibigo.

Kinabukasan ay agad akong nagtungo sa Mart para asikasuhin ang mga mag-aapply. 9 AM ako nakarating dahil sa traffic at tulad ng inaasahan ko, mahaba ang pila ng gustong magpasa.

"Incomplete. Where is the cedula?" i asked the guy who's willing to apply to our Mart.

"Ahm, p-pwede po ba na follow up? Kinulang po kasi ako sa pera kanina. Malayo po ang munusipyo sa amin Ma'am. Wala na din po akong matitira para sa nanay ko kaya hindi po agad ako nakakuha."

Hmm? "Okay, sige. Follow mo na lang."

Ngumiti ito at nagpasalamat. Nang makaalis ay tiningnan ko ang resume niya para makita ang address.

"You're going to send him some needs?"

"Yes, Kuya."

He nodded. "Okay. I'll go with you."

I'll leave this with our secretary. Meron pa kasing natitirang magpapasa ng requirements para makapasok sa trabaho.

Nag-grocery kami ni Kuya para dun sa nag-apply kanina. But we won't tell. Gawain na namin ito sa tuwing may ganoong eksena sa hiring. Nang matapos kami sa pamimili ay pinuntahan na namin ang bahay nila.

"Naku. Maraming salamat po Ma'am, Sir. Hindi nyo naman po kailangan gawin ito pero salamat po talaga."

Tuwang-tuwa ang ina ng aming magiging empleyado. Her smile is priceless. I look around. Maliit lamang ang tahanan nila. Kung susukatin ay kwarto ko lamang ito. Hindi kagandahan pero malinis naman. Kasya naman sila ng pamilya niya dito. Nakita ko mula sa likod ng bahay nila ay pumasok ang asawa nito. Pawisan at mukhang pagod. May katandaan na din ang itsura.

"Maraming salamat po dito. Naway marami pa po kayo matulungan." ang asawang lalake.

"Asahan niyo po ang maayos na trabaho ng anak ninyo samin. Maraming salamat din po." nagpaalam na kami at umalis na.

Hindi maipinta ang saya sa mag-asawa. Lalo na sa batang tuwang-tuwa sa gatas na kasama sa ibinigay namin. Nang makauwi naman ay natuwa din sina Mommy sa ginawa namin. Lahat ng sobrang trabahador sa Mart ay ililipit sa second branch ng Mart.

I opened my facebook account and something got my attention.

Leo Baltazar sent you a friend request.

A Love to LastsWhere stories live. Discover now