Sinalubong namin ang unang araw ng kapistahan sa simbahan. I'm wearing floral dress and three inch heels. Magkakatabi kaming pamilya sa unahan na upuan. Pero sa kanan ko ay si Leo at ang pamilya niya. Nandoon din ang pamilya ni Trixie at Angel at ilan pang mga family friends namin. Hindi nakatakas ang nakakalokong ngiti ng mga kaibigan ko dahil katabi ko si Leo. Naging malapit na ang pamilya namin. Mababait sila at wala kaming nakikitang mali para hindi sila kaibiganin ng pamilya namin. Dahil hindi naman mahalaga samin ang social status.
Magkahawak ang kamay namin ni Leo sa isang dasal-awit. Nararamdaman ko ang pangangatal ng kamay niya. Hindi ko maiwasang tumingin sa kanya at nagbaba lang diya ng tingin tila nahihiya.
Nang matapos ang misa ay nagtungo kami sa covered court para sa salubong ng mga musiko. Magaganda ang pinakita ng mga ito. May mga bumabati sa pamilya namin kaya napahiwalay na kami kina Leo. Dahil sa dami ng tao ay hinawakan ni Kuya ang kamay ko para hindi ako mahiwalay.
Malapit lang ang simbahan sa bahay namin kaya hindi na kami gumamit ng sasakyan papunta doon. Hindi na namin tinapos ang palabas ng musiko dahil sa mansyon sila didiretso para kumain. Inasikaso naman agad ng mga kasambahay iyon. Malawak ang balkonahe namin kaya doon na lang hinain ang handa. Pagkadating ng mga musiko ay maayos silang pumila para kumuha ng pagkain.
"Hi, Zayn!" bati sakin ng mga kaibigan ni Kuya. Hindi ko napansin ang pagdating nila.
"Long time no see, Zayn!" si Zyrus.
"Hello, it's been a long time." nagagalak akong nakita silang muli. Ilang buwan din ang lumipas nang huli kaming nagkita-kita. Abala sila sa career life. Lima silang magkakaibigan simula bata pa. Nakakasama ko din sila noon pa kaya lubos na din kaming magkakakilala. Lahat sila ang may kanya kanya ding business na inaalagaan. Kilala din ang mga pamilya nila dahil mayaman at may magagandang proyekto sa lalawigan namin.
Hindi man kami palaging nagkakasama, hindi naman kami nahuhuli sa balita. Si Zyrus at Ismael ay may pamilya na. Si Jemuel naman ay ikakasal palang. Si Renz at Kuya ay wala pang natitipuhang maging asawa balang araw. Dahil bali-balita din noon ang pagkagusto sakin ni Renz Villa Predez.
Binati din ako ng mga asawa at anak nina Zyrus. Pumasok kami sa loob at inasikaso sila. Abala si Kuya sa labas kaya binilin niya sakin ang mga kaibigan.
"You don't get married?" Jemuel asked.
Naupo ako sa tabi nila. Dahil ayaw pa nila kumain ay nagkwentuhan muna kami.
Umiling ako. "After a years of relationship with Deniel, we end it up."
"Akala pa naman namin magkakatuluyan kayong dalawa ngunit hindi pala!" si Ismael.
"How are you now?" si Renz. Katabi ko siya. Hindi naman kami nagkakailangan. He's more gentle than Deniel. He is husband material. Hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako nagkaroon ng feelings sa kanya.
"Ofcourse, I'm fine." sagot ko.
Nagpatuloy ang kwentuhan at hindi namin namalayan ang oras. Napansin na lang namin na wala ng tao sa labas. Nag-umpisa na maglinis ang mga kasambahay. Kinamusta naman sila nina Mommy. Tuwang-tuwa naman si Kuya dahil maaga silang pumunta at mamayang gabi pa sila uuwi. Paniguradong mag-iinuman pa sila.
Naiwan kami ni Renz sa salas.
"Hindi ka pa kakain?" tanong ko.
"Iniintay kita."
Bahagya akong natawa. "Okay. Let's eat."
Sumabay na ako sa kanila. Panigurado kasing hindi kakain si Renz kapag hindi pa ako kumain. I'm used to it. Close naman kami at walang nabago doon kahit na umamin siya sakin noon.
YOU ARE READING
A Love to Lasts
Novela JuvenilLove is not about who promised, it's about who stays.