Dahil sa nangyare kanina ay hindi agad ako nakaimik. Nakatingin lang ako sa kanya. Tumikhim ito at bumalik na ako sa reyalidad.
"Naabala ko po ba kayo Ma'am Zayn?" umiling ako sa tanong niya. "Mabuti po at pumasok kayo. May pinadala po kasi ulit si mama sa inyo e. Heto po."
Nilapag niya sa desk ko ang dala niyang topperwear. "Special pansit po ni mama." kinuha ko iyon at ngumiti sa kanya.
"Salamat. Pasabe na din sa mama mo. Nag-abala pa siya."
"Wala po iyon Ma'am. Sige po. Babalik na po ako sa trabaho." nagpaalam na siya at umalis.
Naiwan ang tingin ko sa binigay niya. Binuksan ko ito. Mukhang masarap nga. Itinabi ko muna para mamaya ko kakainin. Hindi niya siguro alam na kami ang nagbigay ng pang-puhunan sa mama niya dahil hindi na namin pinaalam pa. Nag-ayos ako at pumasok na sa loob.
Binagalan ko ang lakad ko nung nakapasok na sa loob para makita kung ayos ba ang mga produkto at kung anong nangyayare ngayon dito. Binabati ako ng mga workers at bumabati din naman ako. May ilan akong kakilala na namimili ngunit hindi nila ako napapansin dahil nakasuot ako ng face mask.
Napadpad ako sa sanitary sections. Doon ay nakita ko may isang matandang lalake na tila hirap sa pagpili ng napkin. Nilapitan ko siya.
"Good afternoon, Sir." bati ko palang sa kanya ay alam niya na makakatulong ako sa kanya.
"Magandang hapon din, Ija. Kanina pa akong namimili dito sa mga ito ngunit hindi ko alam kung ano ba dapat ang bilhin ko." dahil may katandaan na siya ay medyo mabagal ito magsalita.
"May naiwan po ba sa inyo na listahan?"
"Ah, oo. Teka kunin ko lang." ngayon niya lang naalala na may listahan naman siya. Bakit hindi ito nilalapitan ng trabahador ko?
"May kasama po ba kayo?"
"Wala, Ija. Diyan lang naman ako sa malapit. Naiwan sa loob ng banyo ang aking apo wala ang kanyang kapatid kaya ako ang napilitang bumili ng kailangan niya."
"Ihahatid ko na po kayo pagkatapos niya diyan." si Leo.
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Leo at nagpresenta siya na maghatid kay Lolo. Tutal malapit lang naman ay pumayag ako. Binigay niya sakin ang papel. Pinaupo ko si Lolo at ako na ang nag-asikaso ng kaniyang bibilhin. Binabantayan at kinakausap siya ni Leo. Dinala ko sa kahera at ako na din ang nagbayad.
Nasa labas na kami ngayon at binigay ko kay Leo ang pinamili ni Lolo.
"Ija, ito ang bayad ko." dahan dahan niya inabot ang pera niyang dala na sana ay gagamitin niya sa pagbili.
Umiling ako. "It's okay Lolo. Take it." sabe ko at ngumiti sa kanya.
"Maraming salamat, Ija." ngumiti siya sakin at lumingon kay Leo. "Salamat din sayo."
Nagpaalam na si Lolo. Pinapanood ko sila habang tumatawid ng kalsada. Hindi muna ako umalis. Hihintayin ko si Leo.
Habang hinihintay ko si Leo ay biglang dumating si Deniel. Bumaba siya ng kotse at lumapit sakin. Ano na namang ginagawa niya dito?
"Ma'am Zayn!" mabuti na lang dumating na si Leo. Nilingunan ko siya at hindi pinansin ang pagdating ni Deniel. Lumapit ito sakin.
"Naihatid ko po siya ng ayos." si Leo.
I nodded. Magsasalita sana ako nang biglang sumingit si Leo.
"All this years, I never thought you like your employees. How cheap you are, my Zayn?"
YOU ARE READING
A Love to Lasts
Novela JuvenilLove is not about who promised, it's about who stays.