Chapter 2: Necklace

14 0 0
                                    

[Lucas POV]

Gabi na at hindi parin nakaka uwi si Luna. Tinitingnan ko palagi yung cellphone ko. Hinihintay ko yung reply at tawag niya.

Nakailang tawag na ako sa kanya at hindi niya ito sinasagot.

Sana okay lang yung anak ko.

Maghahanda nalang ako ng hapunan para pagdating ni Luna kakain nalang kami. Lulutuan ko siya ng paborito niyang adobong manok at japchae.

Kinuha ko yung mga gulay sa ref at manok para i-slice.

Siguradong magugustuhan ito ni Luna. At siguradong matutuwa yun.

Habang sina-slice ko yung gulay

" aray!"

Aksidente kong nasugutan yung daliri ko. Mabuti at maliit lang yung sugat. Dali dali kong hinugasan yung kamay ko. At kumuha ng band- aid sa drawer.

At bumalik na ako sa pag slice ng gulay. Pero hindi maalis sa isipan ko si Luna. Mag na 9 pm na hindi pa rin siya nakaka uwi.

Pagkatapos kung hiwain yung gulay. Kumuha ako ng plato at hinugasan para lagyan ng na slice kung gulay.

Nakalimutan ko, bowl pa pala para ma marinate ko yung manok.

Kumuha ako ng bowl sa cabinet at hinugasan. At habang hinuhugasan ko biglang dumaplis sa kamay ko yung bowl at nabasag.

Bigla akong kinabahan.

" Luna"

Kumuha ako ng gloves at dali dali kong lininis yung nabasag na bowl at itinapon ito sa basurahan.

Kinakabahan na ako baka ano nang nangyari sa anak ko. Linagay ko muna sa ref yung mga na slice kong gulay at manok.

Dali dali kong kinuha yung coat ko sa kwarto. At lumabas ng bahay.

Nang nasa labas nako tina-try kong tawagan si Luna. Pero hindi niya ito sinasagot.

" san ba nagpunta yung batang ito at hindi niya sinasagot yung mga tawag ko."

Nagpara ako ng taxi para hanapin yung anak ko.

[Unknown POV]

" daega dwieotda, deudieo, machimnae" ( it's time, finally, finally)

" it looks like the necklace found its new owner. naega maj-jyo?"( am i right?)

" nae, majayo" ( yes, that's right)

[Luna POV]

Huminto ako at napapikit dahil sa sobrang liwanag ng ilaw. Mamamatay naba ako?

" Aigoo! jugule?" ( geez! do you wanna die)

Minulat ko yung mga mata ko ng makarinig ng sigaw.

Nakatayo siya sa labas ng sasakyan niya.

Wow ha! siya pa yung galit siya na nga muntikang makabangga sakin.

Tinignan ko naman yung crossing light at naka walk sign pa.

" ahjussi! jeo gae bwayo" ( mister, look at that thing (-over there))

Itinuro ko yung crossing light na naka walk sign. At tinignan din niya ito.

" mianhae" ( i'm sorry)

" gwaenchanayo, unjeon josimhaseyo ahjussi" ( it's okay, drive carefully mister)

" nae" ( yes)

Love in AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon