Sigarilyo

16 1 0
                                    


-*- 

"Sigarilyong 'di maubos, alak na nakakalunod,ano ang mangyayari sa'yo?" 

Freddie Aguilar 

-*-

Bang. 

Isang pagsisisi. Isang pagkakamali. 

Natuon ang aking mga mata sa pulang umaagos sa iyong dibdib. Maya-maya'y nagtama angating mga paningin. Sa isang iglap, nakita ko ang iyong pangamba, takot, at panghihinayang. 

Isang huling sulyap sa iyong pag-aagaw dilim — isa kang apoy na lumiyab, sumayaw, atbiglang naglaho. Nanumbalik ang lahat at tumatak sa aking isip. 'Di makakalimutan ngpuso't isipan at dadalhin habang buhay. 

Hindi ko inaasahang ganito pala ang pagiging isang sundalo.

-*-

"... James... James!" 

 ko ng aking pangalan, bumalik ang aking isip sa kasalukuyan. Nawala sa akingisipan ang alaalang tungkol sa putok ng isang baril, at napalitan ng isang lalaking nakatayosa'king harapan. Isang kurap ng aking mga mata at sabay ngiti, binati ko ang binata sa akingunahan. 

"Hm? Bakit Roy?" Iniwasan ko ang tingin ng kanyang mga mata — sa takot na mapansinniya ang aking mga iniisip. Inayos ko na lang ang aking opisina nang nakita ko ang 'dikaaya-ayang itsura nito, "Nasaan na yung mga papeles?" 

"Yung hinihingi mo?" Pumunta si Roy sa silyang katapat ng aking mesa habang nakatitig saakin, "Hindi ako nandito para sa mga papeles na 'yon." 

Kumuha siya ng isang sigarilyo sa aking lamesa at kanyang sinindihan. "Kakamustahin langsana kita tungkol sa nangyari noong isang linggo."

Napatigil ako sa pag-aayos ng aking papeles. Isang pikit, baril na ang nasa aking palad. Isanghinga, amoy ng rumaragasang dugo.

 "... James?" 

Hindi ko kayang ikubli ang aking panginginig — sa lamig ba ito? Hindi maaari. Sa hindi kopagkilos, hindi maiwasan ang pagkabahala ng aking kaibigan. Lumapit si Roy sa aking tabi,"James? Okay ka lang ba?" 

Umilag ako sa kanyang hawak. Ang kanyang mga palad ay para bang apoy na dumikit saaking balat. Lumaki ang kanyang mga mata sa bigla kong pag-iwas sabay ngiti atnagpawalang bahala. "Bakit mo naman 'yan naitanong?" at pabiro kong sinabing, "Nanay bakita?" 

"Kasi natatakot na ako para sa'yo!" 

"Okay lang naman ako—" 

"Anong klaseng kalokohan 'yan?!" Malakas na hinampas ni Roy ang lamesa. "Halatang walaka sa sarili mo simula pa noong isang linggo!" 

Napatingin na lamang ako sa sahig, "... Hindi ko naman din ginusto 'to, Roy." 

"Hindi mo 'to ginusto?" Malakas na tumawa si Roy, "Ano ka ba, James? Hamon 'to ng atingtrabaho." 

Sumigaw si Roy sa kanyang pagkagalit, "Huwag ka maawa sa isang kriminal, pulis na tayo!" 

Katahimikan.

Sa isang buntong-hininga, nilapag ni Roy ang upos ng sigarilyo at pinatay ang apoy nito.Ilang segundo ang lumipas at siya'y muling nagsimula, "May isang app..." 

Nang makita ni Roy ang aking pagkalito, itinuloy niya nalang ang kanyang sasabihin. 

"— Messenger app para sa mga taong namomroblema. Alam ko, na ang nangyari noongisang linggo ay malaking pagbabago sa iyong buhay... Baka lang makatulong 'to parasa'yo." Tumayo ang aking kaibigan at naghanda nang umalis. 

SigarilyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon