"Prologue"

20 2 6
                                    

Hi! Ako nga pala si Alexandra Hudson alex for short isang NERD, oo nerd pano ba naman mukha akong manang tapos may brace at may salamin kase malabo ang mata ko.May kapatid akong lalake at siya si Dylan,ang kuya ko.Lagi kaming nag-aasaran ng kuya ko sa bahay pero kabaliktaran pag nandun na kami sa paaralan kase lage niyang kasama ang barkada niya, ang badoy nga ng pangalan ng grupo nila biroin mo BREDIN at saang lupalop nila nakuha ang ganyang pangalan? Sa mars? Mukhang ayaw nga niya akong pansinin pag nagkikita kami sa paaralan pero naintindihan ko naman siya kase sino ba naman ang gustong makapatid ako e mukhang hindi ako na inform sa teknolohiya nayan at sa fashion, e pake ba nila katawan ko naman to.

Gusto ko ngang lumipat sa ibang paaralan kase maraming suplada at suplado dito, pero ayaw ng mga magulang ko kase nandito daw ang kuya ko at ayaw ko rin iwanan ang dalawa kung kaibigan no dahil baka magalit pa sila sa akin.

'hoy alex, nakikinig kaba?' tanong ni mia na nakapabalik ng diwa ko.

'haa? Oo naman, ako paba?' pagsisinongaling ko sakanya.

'kami ba niloloko mo alex?' ani ni hailey

'hindi ah' ang sinongaling ko na talaga.

'kung nakikinig ka, ano ang pinagsasabi namin dito ni mia?' maotoridad na tanong ni hailey.

'haa? Ahmm, tungkol sa makeup! Oo! tama! Tungkol sa makeup.'

'nakikinig ka nga.' sarkastikong sabi ni mia.

'edi sorry! Pabalang kong sabi.

'Pinapatawad kana namin.' ani ni Mia

'Teka, ano or kung sino ba ang topic niyo kanina?' tanong ko dahil na cu-curious din ako.

'Si maxine kase may binully na naman at isa yung transferee na lalake ha' sabi ni mia, at inilibot ko ang paningin ko para mahanap si maxine at hindi naman ako nabigo dahil andun siya sa grupo ng kuya ko. Nandito kase kami sa cafeteria kumakain kase kaka-break lang namin tapos nagugutom narin.

'pasalamat nga siya at hindi siya pinatolan nong lalake, kung ako yung lalake, inopakan ko na yang malanding maxine nayan' ani ni hailey. Natawa kami dun ni mia kase mukhang ang lake ng galit niya kay maxine.

'hayaan niyo na nga lang si maxine baka madamay pa tayo niyan' sabi ko dahil baka mapa-away pa kami e nandito yung kapatid ko.

At hindi naman ako marunong makipag-away talaga, ganon lang ako sa mga ka close ko dahil komportable naman na ako sa kanila.

'mabuti pa ay pumunta nalang tayo sa kanya-kanya nating room kase hindi tayo magkaklase sa susunod na subject natin.' sabi ni mia.

'sige na nga lang!' ani ni hailey at umismid pa na ikinatawa namin

'mag kita nalang tayo sa parking area sa uwian.' sabi ni mia

'sige babye na baka ma late pa tayo sa susunod nating subject' ani ko

'Sige' pagpaalam nila

Pumunta na ako sa next subject ko dahil baka pagma-lelate ako e pagalitan pa ako.

Mabuti at pagkapasok ko sa classroom eh wala pa yung teacher namin sa science. Parami na ng parami ang pumapasok sa room na classmate ko pero ang pinagtataka ko eh kung bakit wala pa ang teacher namin. Pero may pumasok na kaklase ko yata at may inanounce sa buong klase na absent daw si Ms. Orcales at wala siyang ibinigay na homework at wala rin siyang pinasulat basta mag ready daw sa paparating na oral. Yung sobrang ingay ng room niyo dahil sa sigawan ng kaklase mo dahil sa walang guro na dumating. Hindi ko na ma tiis ang ingay at pumunta ako sa president namin sa room at sinabi kung pwede bang umuwi nalang ako total wala naman na akong susunod na klase kaya pinayagan niya ako.

Pumunta ako sa favourite place ko sa school dun sa roof top kase maraming puno na nakapaligid tapos payapa pa lugar na ito kung saan mga huni lang ng ibon at ungol ng babae ang maririnig mo, teka UNGOL?! Ngayon ko lang yun narinig! Tumayo ako dahil nagulat ako at dala narin ng kuryosidad ay sinondan ko yung ungol at may nakita akong hindi dapat makita, dahil naghahalikan ang babae at lalake sa harap ko at wala ng pang itaas ang babae kaya dali-dali akong tumakbo at pumunta sa pinto na naghahalong imosyon.

Dumiretso ako sa parking lot kase sabay kaming uuwi nila Mia at Hailey, magpapahatid lang naman kami ni mia kay hailey kase siya lang ang may sasakyan sa amin.

'BULAGA!'

'ay palakang roof top! Ano kaba hailey! Bakit ka ng gugulat!?' taranta kong sabi dahil nasabi ko yung roof top

'wag ka ngang magalit parang ginulat lang naman kita ah' ani ni hailey

'Sorry, ang rami ko kasing iniisip ngayon eh, sorry talaga' pagsusumamo ko sa kanya kase baka hindi ako pasakayin sa kotse niya.

'apology accepted, sige na pumasok na tayo baka gabihin tayo sa daan napaka traffic pa naman ngayon.' hailey

At pumasok na nga kami at nag kwentuhan ng kung ano-ano hanggang sa...

'alex, bakit ang aga mo sa parking lot kanina? Diba palagi ka namang late pag pupunta rito?' Mia said.

'ah wala kase si ms. Orcales kanina kaya maaga akong pumunta dito.' bakit pa kase e nopen up to ni mia ang topic na ito?

'diba pag ganon nandun ka sa usual spot mo? Dun sa roof top?' sabi pa ni mia 'oo nga' na ginatongan pa ni Hailey.

'pumunta ako dun kaya lang merong nauna na hindi ko kilala kaya umalis nalang ako at dumeritso sa parking area.' palusot ko ng kunti kase baka maboking pa tayo noh mahirap na.

'Nandito na tayo sa bahay niyo,alex.' Ani ni hailey

'Sige, salamat. Mag-iingat kayo goodbye' pagkatapos kung magpa-alam sa kanila ay dumiretso ako sa kwarto ko dahil wala naman sila mom and dad para mabati ko tapos hindi ko pa nakita ang yaya namin dito. Nag bihis ako kaagad ng pang bahay para makababa na at kumain ng meryenda.

Pagkababa ko ay nakita ko si kuya dylan at ang kanyang barkada.

'Alex? Nakita mo ba sila mom and dad?' tanong ni kuya dylan

'Hindi ko sila nakita kuya kase pagkarating ko ay wala sila.' pag explain ko sakanya na sinagutan lang ako nag ahh.

'mag memeryenda lang ako kuya' pagpaalam ko

'nandun sa kitchen ang meryenda bunso' Sabi ni kuya at umalis na ako para makakuha lang ng meryenda.

Pagkapasok ko ay napahinto ako kase yung nakita kung lalake sa roof top at ang kaharap ko ay iisa kaya dali-dali akong kumuha ng meryenda pero sa kasamaang palad ay nakita niya ako.

'a-ah e-excuse me pwede paki daan ku-kuha lan-g ako nung me-meryenda' utal-utal kong sabi at tumabi naman siya kaya lang.

'Ano yung nakita mo kanina sa roof top?' tanong nung lalake

'haaah? *Ehem* W-wala kaya akong nakita sa roof top.' pagsisinongaling ko

'Alam kung meron kaya humanda ka sa akin' bakit naman ako maghahanda aber? Sinong tinatakot mo yung lelang mong panot? Sabi ko sa saluobin ko.

Kumuha na ako ng meryenda ko, mukhang wala na yung lalakeng yun kaya dahan-dahan akong tumalikod at mabilis na nag lakad patungong second floor, sa kwarto ko at kumain na dahil gusto ko nang matulog dahil stress na stress na ako lalo na sa nakita ko.

Pagkahiga ko pa lang ay dahan-dahan nang bumaba ang talokap ng mata ko and everything went black.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sorry kase panget yung story pero susubokan kong maging maganda at magsisipag ako sa pag update ng story. Please support my story, Thank you.

The Gangster's LoveWhere stories live. Discover now