~IF YOU'RE NOT HERE~
Theo's POV
"Bianca huwag namang ganito, pwede pa namang mapag usapan to diba? Please naman, hindi ko kaya. Mahal na mahal kita." sabi ko kay Bianca kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.
Siya si Bianca. Mahal na mahal ko yan kaya di ko na alam ang mangyayari sa buhay ko kung mawawala sya. Pakiramdam ko lahat ng meron ako ay mawawala pag iniwan nya ko. Baka nga hindi ko na din magawang kumanta.
Oo, singer ako. May rock band ako at ako ang vocalist. Syempre sikat yung banda namin kaya ayan sa dinami dami ng pinagdaanan naming problema ni Bianca etong problema ata na to ang sisira sa amin.
Peste kasi, kung sino mang nagpakalat nung picture na may kahalikan akong babae humanda sya. Photoshop lang yun eh! Ewan ko ba dito kay Bianca kung bakit napaniwala sya dun.
"Theo ayoko na! Ilang beses nang naulit to at hindi ko na alam kung ano ang totoo! Hindi ko na alam kung maniniwala pa ko, sobra na kasi Theo." katulad ko umiiyak din sya ngayon.
Hindi ko hahayaan na walang katotohanan ang sisira samin ni Bianca. Oo ilang beses nang naulit to pero lahat yun wala namang katotohanan. Di ko alam kung sinong halang ang sikmura na gumagawa nun para sirain kaming dalawa.
"Mahal mo ko diba? Please naman maniwala ka sakin, hindi totoo yan!"
Inalis nya ang singsing na kapareha ng akin. Ang engagement ring namin. Hindi pupwede to!! We got engaged 2 years ago.
"Mahal kita Theo pero ayoko na masaktan. Tapusin na natin to." sabi nya pagkaabot nya ng singsing sakin at saka tumakbo palabas ng condo ko.
Hindi agad ako nakatakbo o nakasigaw man lang para pigilan sya. Ayaw pa kasing magsink in sa utak ko na hiwalay na kami ng fiance ko. Ibig sabihin hindi ko na sya pagmamay-ari. ANG SAKIT. ANG SAKIT SAKIT.
*RIIIIIING*
*RIIIIIING*
Umasa akong si Bianca ang tumatawag sakin para sabihing joke lang lahat to. Pero pagtingin ko, ang manager ko pala.
"Hello Theo? Bukas ang general rehearsal nyo ng band para sa mall show nyo sa Cebu the next day okay? Just to remind you all para makapagpahinga kayo ngayon."
Oo nga pala may mall show kami sa SM Cebu at sa susunod na bukas na yun. Muntik ko na makalimutan. Hays!
"O-okay. Thanks."
"Are you okay?"
Im not.
"Uh yes. Sige na bye." then I hung up.
Im Theodore Cruz known as Theo Cruz, 22 years old, the vocalist of New Generation Rock Band na umiiyak ngayon dahil sa pinakamamahal kong babae na si Bianca Reyes. Parang kahapon lang ang saya saya namin, ang sweet sweet namin. Tapos ngayon biglang ganito dahil lang sa kumalat na pesteng picture yun. What a life!
I think I need to get some sleep. Sana lang makatulog ako.
Bianca's POV
"Sis! Ang sakit! Hindi ko alam kung paano ko syang nagawang tiisin kanina. Pero muntik na kong bumigay kaya tumakbo na agad ako" Im currently talking to my bestfriend.
Kinukwento ko sa kanya yung mga nangyari kanina samin ni Theo and I can't stop myself from crying.
"Waaaaahhhh affected ako sainyo sis! Sayaaaaang! Sayang yung 6 years dahil dyan sa pesteng sakit mo! Huhuhuhuhu" sabi nya with matching iyak iyakan pa para may karamay ako. Baliw talaga.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories~
Teen FictionOne Shot Stories ni StoryTeller026. Naglalaman ng mga walang kwenta kong imahinasyon. Pwedeng love story or about sa friendship or family, etc. at pwedeng happy ending at pwede din namang hindi, depende siguro sa mood ko XD Kaya salamat sa magttiyag...