CHAPTER 4

25 3 0
                                    

Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng katok sa pinto ng kwarto ko

Nakapikit na kinapa ko yung gilid ko para hanapin yung phone ko para makita kung anong oras na.

When I opened it, nakita kong mag a-alas dose na ng tanghali. 



Napalingon ako sa pinto ng may kumatok muli rito


"Mica bumangon ka na! Tanghali na pero nakahilata ka parin dyan.ikaw talagang bata ka!" rinig na rinig ko ang boses ni mama na nasa labas.

"opo!" sigaw ko pabalik. Hindi na sya muling nagsalita at narinig ko nalang ang mga yapak niya paalis


Takte! Inaantok pa talaga ako


Kahit gusto ko pang matulog ay pinili ko paring tumayo dahil kapag hindi pa ako lalabas ay mag iingay na naman si mama

Hindi na ako nag abalang mag ayos dahil balak ko pang matulog ulit mamaya. I just tied my hair in a messy bun then walked out on my room para makababa na


Nang makababa ako ay pumunta ako sa dining area at nakita kong may mga plato at rice na sa mesa pero wala pang kumakain. Tanging si ate cherry lang ang nakita doon. 

Sya yung isa pa naming katulong rito sa bahay dahil hindi naman kakayanin ni manang ang lahat ng gawain rito. 

Nakita kong naglalagay siya ng mga baso sa mesa kaya tinanong ko sya kung nasaan si mama.

She told me na nasa kusina raw ito so i just nodded at her then dumiretso na sa kusina

There, I saw my mom na naghahain ng sa tingin ko ay ulam namin. Si manag naman ay nagtitimpla ng juice


"buti naman at naisipan mo pang bumangon" bungad niya sakin

Napa simangot ako

Siya kaya itong naka isip na pabangonin ako.

"hindi pa nga sana ako babangon eh" mahina kong sabi pero sa tingin ko ay narinig niya dahil tinataasan na niya ako ng kilay


Shemay! Tatahimik na ako dahil mag iingay na naman to

I went closer to her

"good morning ma.." sabi ko na may magandang ngiti sa labi para hindi na niya ako pagsabihan pa


But I failed.


"Tigilan mo ko mica ah" hinawi ni ako ng marahan kasi muntik ng mahulog yung kawan sa stove "hindi na morning ngayon! Subukan mo kayang tumingin sa labas at ng malaman mong tirik na tirik na ang araw!" 

Napasimangot ako. Shet nakalimutan kong tanghali na nga pala


"hehe.. Sorry na ma" i told her

"yan kasi! San kana naman ba galing kagabi ah?!" 


"ah.. Dyan lang" sagot ko sakanya pero inirapan lang ako nito saka kinuha yung medium size na tupperware at ibinigay niya sakin




"para san po to?" i asked her

Kung hindi kang sunday ngayon ay iisipin ko ng pinapabaon niya ito saakin

"ihatid mo yan sa tita michelle mo" saad niya

Ahh... kay tita michelle pala..

Kinuha ko na yung tupperware at naglakad na palabas ng bahay. Magkaharap lang naman ang bahay namin at ang bahay nina tita michelle kaya malapit lang talaga

RING OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon