Abby's POV
Kasalukuyang nanlaki ang mata ko.
Si Aerome Sarmiento? Ang kababata ko na naging puppy love ko rin nung NKP hanggang 2nd year highschool?
Nabitawan ko ang kutsaritang hawak-hawak ko. "AEROME PANGET SARMIENTO?" Sigaw ko.
"Tungunu. Maka panget ka naman. Tch. Sakit mo magsalita. Sa gwapo kong 'to? Nililigawan kaya ako ng mga babae di mo ba al-AWW!"
-_-
Hinampas ko nga. Wala pa rin syang pinagbago. Napaka yabang. I remember now. Pumunta nga pala si dito sa Seoul, Korea.
"Tinatanong ko ba Aerome Panget? Psh. Napaka yabang mo talaga. Pero na miss kita." Sabi ko habang naka ngiti sa kanya ng sobrang lapad. Niyakap ko sya. Nagka hiwalay na kasi kami nung 2nd year HS.
"Tch. Tigilan mo nga ako Abby. Di ako makahinga." Sabi nya habang yakap yakap ko sya. Psh. Bwisit. Kumalas na ako at hinampas sya ng pouch ko. Kahit mag ingay kami dito, di kami maiintindihan. Psh.
"ARAY! Tch. Hampas ka ng hampas. Gigil na gigil ka sa'ken. Pero alam mo, may nagbago sa'yo." Sabi nya.
Naningkit ang mata ko. "Ano yun?" Tanong ko.
"..hindi kana flatscreen."
Nanlaki ang mata ko. Hinampas ko sya ng pouch ko. Sunod sunod. "Bastos!" Sinabi ko.
"Hahahahahaha. Joke lang. Ang sakit naman. Tch. Ano ba yang kinakain mo?" Tanong nya.
-_-
"Malamang pagkain! Psh." Sabi ko.
"Pilosopong babae. Penge nga."
Nanlaki ang mata ko. Inurong ko paatras ang tray ng pagkain ko.
"No, no, no!" Sigaw ko.
"Tch. Damot. Makapag order nga." Sabi nya.
"Sige! I-order mo na rin ako ng malaking burger."
-___- Aerome
"Putungunu. Napaka galing mo manghingi. Napaka galing mo rin mamigay. Bigyan kaya kita ng flatscreen chest eh este flatscreen TV. Tch."
-_-
Napaka bastos talaga.
"Tigilan mo ako Aerome Panget Sarmiento." Sabi ko.
"Tch. Tigilan mo rin ako Angelika Damot Abinion."
-_-
"Heh. Ewan! Um-order ka na lang. Daldal mo." Sabi ko. He showed me his pokerface at lumapit na sa counter.
Well, I guess. Kaibigan na nga lang ang turing ko sa kanya. I'm really comfortable with him, really.
-
Tapos na kami kumain ni Aerome. Nagbabalak kami pumunta sa Arcade kaso pahinga muna kami dito sa bench sa mall. May bench eh.
"So, kamusta na ang buhay mo Abby?" Naka ngiting tanong ni Aerome.
Ang gwapo nya talaga. Shems. "Okay lang naman. Eto walang lovelife. Haha! Pagkain na lang muna tsaka si God. Eh ikaw?" Tanong ko.
"Ah, okay lang. Lovelife? Umm. Meron? Haha. Actually, hinahanap ko kasi yung babaeng nagpapatibok ng puso ko noon. Then, nakita ko na sya ngayon." Makahulugang sabi nya.
"Corny mo Aerome! Haha. Kadiri ka. Hahahaha! Joke lang." Sabi ko.
"Tch. Abby talaga.." Sabi nya tas kamot sa ulo nya.