CHAPTER 2

29 3 0
                                    

Chapter 2

Siya yun!

Yung naka-share namin ng table weeks ago sa isang cafe.

"Oh, hey Shan, it's you," sabi pa niya, di alintana ang basang damit.

"Ah ikaw yung sa cafe?"

"Di mo na ako maalala? That's sad," mas lalo tuloy akong nahiya dahil hindi siya galit, at naalala ko pang sinungitan ko pa siya noon, "It's JD."

"Sorry talaga," tanging sabi ko.

"I said it's okay."

"I can replace your polo. I'll just buy, wait here, " dali dali kong lakad palabas para maka bili. Pero bago pa ako makalabas ay hinila niya ang braso ko.

"Bakit?" tanong ko, nagtataka.

"I'll come with you. Your shirt is wet too," oh right!

Wala kaming imik na naglakad at pumasok sa Men's section para maka bili ng bago niyang polo. Siya ang pumili dahil di ko naman alam ang sukat niya.

Pumunta naman ako sa may mga men's shirt at naghanap ng para sa'kin. Mas gusto ko ang mga oversized na damit na panlalake kaya walang problema sa'kin dito.

Pagdating namin sa counter ay nakipagtalo pa siya, siya na daw ang magbabayad.

"Ako na,"

"Ako ang naka tapon, ako ang magbabayad," giit ko sa kanya.

"Sabi ko diba, okay lang."

"Ako na nga sabi. Look, bilisan na natin nang makapag bihis na ako ng damit ko. I'm still wet, you know." at dahil d'on, bumaba ang tingin n'ya sa damit ko, napangisi s'ya.

Tiningnan ko naman at shit! Kitang kita yung dibdib at bra ko! Nakasuot lang kasi ako ng oversized white shirt na naka tuck in sa maong kong shorts at may Gucci belt.

"Bastos!" sigaw ko sabay hampas sa kanya, wala na 'kong pakialam sa mga tumitingin. Tawa naman ng tawa ang gago.

Wala na siyang nagawa at ako na ang nagbayad.

Dali-dali akong pumunta sa restroom at nagbihis. Di naman ako maarte pagdating sa mukha kaya yung buhok ko nalang ang inayos ko ng pagkaka-bun.

Paglabas ko ng restroom ay nakita ko si JD na nag-aabang sa labas, "oh akala ko umalis ka na."

Tumingin naman siya sakin bago pinasadahan ng tingin ang suot ko. I'm wearing an oversized black Celine shirt.

"Alam mo, kanina pa talaga kita napapansin. Bastos ka rin eh no."

"What?" di makapaniwalang aniya. "I'm just amazed by the way you dress up. You see, not all girls likes oversized shirts and all those boyish outfit."

Ngayon lang ba siya nakakita ng ganito? "Ano naman?"

"I have a sister, you see, and have encountered lots of women but most of them wears skirts, revealing tops and all." dada niya habang naglalakad kami ng walang direksiyon sa mall. Sino ba kasi ang may sabi na samahan pa niya ako?

"Well, nagsusuot din naman ako ng mga ganoon pero dipende sa mood ko. I wear t-shirts because it's comfortable."

"Yeah, and I like the shirt you chose. It suits you. Simple," 'di ko nalang siya pinansin at nag lakad na lang. 'Di naman kasi kami close no, at di ko rin siya kilala, only his name.

"Let's buy drinks, I'll replace your shake earlier." wow feeling na talaga niya close kami para yayain ako. Pero sige, di ko na tatanggihan, libre eh.

Pumasok kami ulit sa pinagbilhan ko ng shake kanina. Siya na ang nag order, aba, siya ang nagprisintang manlibre.

Umupo nalang ako sa bakanteng table at nag scroll sa instagram. Ilang minuto lang ay dumating na siya dala ng order namin. Wow may pizza pa. Ansarap talaga basta maraming pagkain, at libre pa! Hahaha.

"So we didn't introduce ourselves to each other formally." panimula niya pagkaupo. "I'm Joshua Daniel Zapanta, you can call me JD." sabay lahad ng kamay niya sa'kin.

Hindi naman gaanong friendly pero tinanggap ko pa rin ang kamay niya, may kasalanan ako sa damit nya eh, "I'm Shan Abegail Garcia, Shan nalang."

"How are you related to the owners of Garcia chain of hotels?" tanong pa niya.

"They are my parents," walang interes kong sagot. I want to stay low profiled di tulad ng mga kapatid ko.

"Oh, so in front of me is the heiress," napairap naman ako sa sinabi niya. I'm not bragging, I just don't want others talking about me being the heiress. As much as I want to stay low key, it's also uncomfortable.

Hindi rin naman kasi ako ang magtetake over ng company namin dahil wala akong interes sa business.

"Eh ikaw, how are you related to the owners of Zapanta Hotel and Resorts? You're a business man right?" tanong ko din sa kanya.

Napalabi naman siya, "well, they are my parents. I'm still under my father. I'll take over our company soon." sagot niya bago sinubo ang pizza'ng kinakain. "So why are you taking up engineering? You don't want to work in your company?

"Since I was a kid, I want to become a civil engineer. My parents didn't force me to study business because I have my brothers who's willing." sagot ko sa kaniya bago inubos ang pizza ko at uminom ng shake.

"Well–," naputol ang sasabihin pa niya sana ng may tumili sa gilid ko. Napaangat naman ako ng tingin.

"ohwemgeee Shan, you're having a date? Ba't di mo sinabi namin na may boyfriend ka na pala.." si Riza. Akala ko ba may pasok 'to?

"Ahm.. Riza, ba't ka–," di natapos ang sasabihin ko ng dali-daling tumayo si JD. "I have an emergency meeting, I'll just see you next time, Shan. Sorry, bye!" aniya at nagmamadaling umalis habang nasa tenga ang phone niya.

Tingnan mo na, gala ng gala sa mall, may meeting pala! Tsk tsk.

"Hoy sino yun?" tanong agad sa'kin ni Riza at umupo pa sa harap ko, nangaasar.

"Na meet ko lang yun, aksidente ko kasing natapunan yung polo niya kanina ng iniinom ko.." kuwento ko sa kanya sa nangyari kanina. Pati na rin yung pagkakilala namin sa cafe weeks ago.

"Akala ko boyfriend mo na, ang gwapo eh," aniya pa na kinikilig.

"lukaret, di ganun. Di ko naman yun gusto no. At tsaka kakakilala pa lang namin."

"Yiieee baka yun na yung future boyfriend mo ha, nako di ko talaga alam ba't wala ka pang boyfriend hanggang ngayon." siya habang iniinom ang shake ko. Takte buraot din 'tong isang 'to eh. "Oh, baka naman ayaw mo sa boyfriend, girlfriend gusto mo 'no? Okay lang, tanggap ka namin."

Ewan ko lang talaga sa babaeng 'to. Siraulo rin tsk.

"Ulol mo!"


———

date written: 140420
date published: 110620

twt/ig: shanecafee

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Quédate ConmigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon