CHAPTER 1

32 4 0
                                    

Yeheeyyy! #72 tayo sa genfic

———

Chapter 1

"Oh, sa'n punta mo?" I asked my bestfriend, Quency. Vacant namin ngayon dahil wala ang prof, kaya di ko alam kung saan na naman gusto niyang pumunta.

"Let's eat muna, we have two hours pa naman before our next sub," sagot naman niya habang nag-aayos ng gamit. Ewan ko lang kung ba't ko napagtitiisan ang ka conyohan ng babaeng ito.

"Sina Christian, sasama?" tanong ko ulit habang nag-aayos din ng gamit ko para sumama sa kanya.

"They have classes pa, maybe next time we can hang out with them."

Ka blockmate ko si siya kaya lagi kaming magkasama, yung iba naming barkada ay ibang kurso at school ang pinapasukan. Di naman kasi ako pinilit nina mommy na mag business dahil ang mga kuya ko ang mamamahala sa company namin.

Iniwan ko muna ang iba kong gamit sa locker ko bago pumuntang parking ng school. Sasabay ako kay Quency dahil may sasakyan naman siya. Di pa ako pinagkakatiwalaan ng parents ko na mag drive kaya lagi akong sinusundo ng driver namin o di kaya ng mga kuya ko.

Mas pinili naming pumunta sa cafe na 'di malapit sa school dahil madaming chismosang taga ibang department ang nandoon.

Dala ko ang reviewer ko pag pasok namin ng cafe. Si Quency na ang nag order para sa'kin dahil alam naman niya kung ano ang gusto ko. Natagalan pa ako sa paghahanap ng mauupuan dahil medyo puno na ang cafe, buti nalang meron pang vacant.

Habang hinihintay ko siya, nag basa muna ako ng reviewer, advance study para di na ako mahihirapan pag mag pasurprise quiz ang mga prof namin.

'Di naman ako pinipressure ng mga magulang sa pag-aaral pero gusto kong ma-maintain ang pagiging DL, ito lang ang kaya kong ibigay sa mga magulang ko sa ngayong nag-aaral pa ako at sa pagbibigay ng kumportableng buhay sa'min ng mga kapatid ko.

"Excuse me, miss," napaangat ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa harap ko. May dala siyang iced coffee, juice at cake. Ang gwapo, tangina.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Pwedeng maki share ng table nyo? Wala na kasing available eh," sagot naman niya ng nakangiti bago umupo. Takte di pa nga ako pumayag eh, gwapo sana tsk. Ewan ko lang kung anong magiging reaction ni Quency pag nakita niyang may naka upo sa table namin.

'Di ko nalang siya pinansin at nag basa ulit ng reviewer ko. Di pa ako naka dalawang sentence ng dumating siya.

"Here's your order na Shan," baba ni niya ng inorderng pagkain para sa'kin bago umupo sa tabi ko. "Omg sino to beh?"

Napa-face palm nalang ako sa pag tili nya. Pinagtitinginan tuloy kami. Napaangat naman ng tingin yung lalaki sa'min.

"Malay ko ba," walang pakealam kong sagot sa kanya.

"Hi, what's your name?" chinika niya agad ang lalaki pagkatapos lunukin yung kinakain nya. Ang daldal!

"I'm JD, sorry wala na kasing available na tables eh," sagot naman niya kay Quency habang napakamot sa batok, nahihiya.

Mukhang suplado siya pero base sa pag sagot niya dito ay parang di naman. Ngayon ko lang napansin kung gaano talaga siya ka gwapo nang kaharap ko na talaga siya sa upuan ko. Makapal na mga kilay, malalim at itim na itim na mga mata, matangos na ilong, at pinkish lips.

Quédate ConmigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon