Chapter One: Completely Broken.

237 4 4
                                    

KATH’S POV

    Grabe! Nakakalungkot lang. Mahigit one month na din kaming break ni Daniel. Masakit ‘yon para sa akin. Dapat kasi ‘di na lang ako sumuko. Now, I feel completely broken. Sira na yata mata ko sa kakatitig sa picture niya gabi-gabi. Pagod na yata utak ko sa kakaisip sa kanya. Wasak na rin puso ko sa pagtibok para sa kanya. Kung bakit naman kasi nakipaghiwalay pa ako.

      “Kath, okay ka lang?”, untag sa akin ng best friend ko.

     “O-oo naman, Julia”, sagot ko sa kanya. Kailangan ko ipakita sa kanila na I’m fine kahit hindi naman. :’(

     “Uy, 3 days ka ng absent, Kath. Sabi ni Miss Torres meron ka ng total of 10 absences. Papasok ka na ba bukas?”, nag-aalalang tanong ni Julia. Hala! Oo nga! Dami ko ng absences. Kung bakit naman kaklase ko pa si Daniel eh!

     “Oo naman, Juls. Kailangan kong maka-catch up”, nakangiting sabi ko. Kahit fake lang ‘yon, at least nakangiti ako since the day we broke up.

    “O, siya. Aalis na ako, Kath. Kitakits bukas. Good night, Kathryn!”, paalam ni Julia sabay beso saka lumabas na ng kuwarto ko.

    Hay. Buhay nga naman. Tiningnan ko mukha ko sa salamin: MUGTO mga mata ko. Siyempre mga 3 days na rin akong walang tigil sa pag-iyak. :”( Matutulog na nga lang ako.

*

*

*

     Kring! Kring! Kring! (tunog sana ng alarm clock, HEHEHEHE)

    Pinatahimik ko na si Kathniel. Oo, si Kathniel. Iyon ang ipinangalan namin ni Daniel sa alarm clock. Gift kasi ‘yan ni Daniel noong 4th monthsary namin eh.  7 months na sana kaming mag-on. Soon to be eight months tomo-----Ay wait! 8 months na pala sana kami ngayon. March 24 kasi naging kami. It’s 2 days before my birthday.  Paano nga ba naman ako maka-move on niyan kung pati alarm----TAMA NA!! Late na ako eh. Naligo na ako tapos kumain at nag-ayos. Mga 45 minutes rin siguro. Time check: 6:30 AM. Yeah! Tamang-tama! 6:50 AM eh nandoon na siguro ako sa school.

       “Uhm. M-ma, aalis na ako”, paalam ko kay Mama.

    “Ah. Are you okay now, hija?”, nag-aalalang tanong ni Mama. Kung may dapat akong sabihan ng totoo, si Mama ‘yon.

    “Not really, Ma. I still feel the pain”, sabi ko tapos ngumiti ng malungkot.

    “Okay. You will survive the pains, Kath. Nandito lang ako sa tabi mo”, sabi ni Mama. Tumango ako saka umalis na at sumakay sa aming sasakyan.

*

*

 “WELCOME BACK, KATHRYN CHANDRIA BERNARDO!”, sigaw ng mga kaklase ko pagkapasok ko ng classroom. Grabe! Artista lang eh, ‘no? ^_^

  “Makasigaw, WAGAS. Akala artista ang dumating”, nagbibirong sabi ko sa kanila.

  “Yes!! Welcome back talaga, Kathryn!!”, sigaw ni Kiray. Paulet-ulet lang? Bingi kami?

  “Alam ko na! Kakasigaw niyo nga lang kani-kanina eh. Paulet-ulet, Kiray?”, nakangiting biro ko ulit. Huwaaaat? Oo, nakasmile ako! Pero still fake. HALA! Wait! May banner pa silang hawak! Juskoooo! Ang arte! :P 

  “Oo nga. Pero hindi lang physically. Bumalik na si happy Kath”, nakangiting sabi ni Kiray. Weh? Di nga? Meganun? :P

  “Ang OA mo, Kiray! At saka may banner pa kayong dala ha! In fairness”, sabi ko. Saktong uupo na ko sa upuan ko ng pumasok si Daniel na nakatingin sa banner.

DANIEL’S POV

     Ano kayang meron sa classroom at ang ingay ingay? Psssh! Mapuntahan na nga lang. What the heck! Si Kathryn nandito na? At sakto pa sa-----urgh! Erase! Erase! I hate Kathryn Chandria! May banner pa na hawak ang mga classmates ko. Artista lang ang peg? Weh!

    “Hello, Daniel!”, bati ni Jai sa akin, kakambal ni Joj. Tinagurian silang ‘The Friendliest Twins’. Super cheerful at joyful nila kasi.

   “Hi, Jai!”, bati ko rin sa kanya. Pagkatapos, nag-ring na ang bell na hudyat na sisimula na ang klase. Pumasok na rin si Miss Torres.

   “Good morning. Meet Juliana Anne Barretto. She’s a new student”, sabi ni Miss Torres. I guess she’s a singer. May suot siya kasi na pin (‘yung bilog po) na may nakasulat na “Music  *”. Juliana. Hmmm. But I prefer to call her Anne. :D Yeah. Crush ko na siya. Ganda eh! Pero mas maganda pa rin si Chandria. Whaaaaat? Akala ko ba hate ko ‘yon? Baka akala ko lang. Urgh! Ka-badtrip! 

   "Julianna, sit beside Mr. Padilla" sabi ni Miss Torres. Nag-init mga pisngi ko. Crush ko siya eh. Then, umupo na siya sa tabi ko.

    "Hi, Mr. Padilla!" friendly niyang bati. 

   "Hello, Julianna. D-Daniel na lang" sabi ko. Nauutal pa ako ha. Ganun ba talaga kapag crush mo ang isang tao? Masyado namang weird.

  "Daniel. Nice name. Julia na lang or Anne" sabi niya.

 "Anne na lang. May Julia na kami" sagot ko. Napatingin siya sa akin na parang curious.

"Si Julia Montes" maikling paliwanag---kung paliwanag pa ba ang tawag dun---sa kanya. Napatango na lang siya at nakinig na lang kay Miss Torres. Pagkatapos ng ilang minuto, nag-ring na ang bell. Recess time na.

KATH'S POV

 Oo na. Selos mode ako ngayon. Paano ba naman 'yan? Nasa canteen sina Daniel at Julianna----naglalandian. Grabe. At isa akong spy ngayon. Maingat ko silang pinagmamasdan. Selos na selos talaga ako.

  "Kathryn naman! Halika na sa classroom. Nakakapagod talagang magtago!" reklamo ni Julia.

 "Mauna ka na lang. Ayoko 'tong palagpasin. Kapag may ginawa ang Julianna kay Daniel, malalagot siya" matigas kong sabi. Eh sa mahal ko si Daniel.

  "Eh kung mahal mo siya, bakit ka nakipag-break? Magmove-on ka na kasi" sabi ni Julia. Nasapol ako. Naman Julia eh. Ayokong isipin ang rason kasi nasasaktan ako. Pinupukpok ang utak ko. Hinihiwa ang puso ko. 

DANIEL'S POV

  Nanalo ako sa lotto. Hahaha. Dejoke lang. Kasama ko kasi ngayon si Julianna eh. :)

   "Ang saya mong kasama. Crush na nga kita eh" diretsong kong sabi sa kanya. Nag-blush naman siya. Ang cute.

  "Uhm---uh---ako rin eh" sabi niya. Nanlaki mata ko. Ano? Crush niya rin ako?

 "Ah ano--ang ibig kong sabihin ay ang saya mo ring kasama" dagdag niya na nagpabawas ng self-confidence ko. Pahiya ako eh. 

 "Okay lang 'yon. Alam ko naman eh. Pero sana-----" napatigil ako ng magsalita ulit siya.

 "Pero may chance ka. Patunayan mo lang" Ha? Gulat  na gulat ako. Chance? Urgh.Think, Daniel. Ang slow ng utak ko. Chance na maging kami? Ano kaya ibig niyang sabihin? Can this be the start of LOVE? 

Love: The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon