Chapter 2- Second chance?

192 4 0
                                    

  JULIANNA’S POV

  "Pero may chance ka. Patunayan mo lang" ito lang nasabi ko kay Daniel. Mabait siya kaya ayoko siyang saktan. Sa totoo lang 30% chance lang naman maiibigay ko kay Daniel eh. May sugat pa ako sa puso. Malaking sugat na iniwan ni Enrique. Ex ko siya. Nakipagbreak siya sa akin. Huwag niyo siyang kamuhian kasi ako ang may kasalanan. Ako ang dapat sisihin.

   "Oo naman. Kain na nga lang tayo.” sabi niya na halatang nahihiya.

   “Okay.” Pagsang-ayon ko. Tipid ako sa words. Hahaha. After 20 minutes, nagring na ang bell. Haaaay! Lessons ulit.

>>>>>>FAST FORWARD.

DANIEL’S POV

   Yes! Dismissal na mga kaberks. Hahaha. Ang ganda ni Julianna di ba? Pero mas maganda pa rin si Chandria. Whaaaaat? Akala ko ba hate ko ‘yon? Baka akala ko lang. Urgh! Ka-badtrip! Naglalakad ako at pauwi na sana ng makita ko si Julianna. Gumanda ulit mood ko.

   “Saan ba dito ang music room?”, tanong niya.

  “Sasamahan na kita. Papunta rin ako doon eh”, sabi ko kahit ang totoo ay uuwi na sana ako. :D Dumadamoves lang ako! J

  “Ah. Sige, thank you!”, sagot ni Juliana Anne. Lumalakad na kami ngayon papuntang music room ng may narinig kaming nagpa-piano at kumakanta ng Mula Noon Hanggang Ngayon. Maganda naman ang boses at may dating nga sa akin eh. Pumasok na kami at nagulat ako. As in gulat na gulat. O.O

KATH’S POV

    “Mula noon hanggang ngayon---------”, napatigil ako sa kinakanta ko. Paano ba naman ‘yan eh pumasok si Daniel, ang lalaking pinag-aalayan ko ng kanta at ang masakit pa eh kasama

niya si Juliana.

   “You’re Kathryn, right? Ako si Juliana or just Julia or simply Anne”, pagpapakilala ni Juliana sabay lahad ng kamay. Nakipagkamay ako at ngumiti lang.

   “Uhm. Anne, ano pala ang gagawin mo dito?”, tanong ni Daniel kay Julia. At Anne pa talaga ang tawag nito. Hmmm. Kung sa akin Chandria tapos kay Julia naman Anne? Grabe! Gets niyo right?

  “Pinapatawag ako ni Ms. Quinto kanina. May singing audition daw dito. Kathryn, you’re here ba para sa audition?”, paliwanag ni Juliana kay Daniel at tanong niya sa akin.

  “N-no. I’m here because I’m part of the school singing organization, The Gleeful Voices”, sagot ko kay Juliana.

  “And siya ang representative ng school last year I mean the same date as today. Sa The Mellow Voice contest yata ‘yon. Si Kathryn nga ang nanalo eh”, dugtong ni Daniel. Siyempre, nagulat ako. Natatandaan pala niya ‘yon. ‘Yung friends pa kami. Masaya ako kahit hindi Chandria ang tawag niya sa akin. At least, di ba? Hindi na babae ang tawag niya kundi Kathryn na.

  “Walang duda. Ang husay mo nga kanina. Pati si Daniel napatigil sa paglalakad”, puri ni Julia saka ngumiti. Hindi na nakapagsalita si Daniel dahil pumasok na si Miss A sa music room.

 “Kath, nandiyan ka na pala. Bati na kayo ni Daniel? At sino naman ang kasama mo, DJ ? ”, sunod-sunod na tanong ni Miss Angeline Quinto.

  “Ah. Miss A, siya po si Juliana Barretto. May audition daw po?”, pagpapakilala at tanong ko kay Miss A.

  “Yes, Kath. Magsisimula na tayo at 3:30 pm, Juliana. Hihintayin na lang natin sina Claire, Marie, Karen, at Jasmine. Sila ay sa audition din”, paliwanag ni Miss A at ngumiti.

 “Uhm, Miss A, aalis na ako. Sige po”, pagpapaalam ko.

  “Ah, ganoon ba? Ingat sa pag-uwi. Daniel, uuwi ka na rin di ba ? Pakihatid si Kath sa bahay nila ha ? ”, bilin ni Miss A kay Daniel at ngumiti ng makahulugan. Sumimangot si Daniel at parang gusto kong ngumiti. HAHAHA! DREAM COME TRUE! :D

     “O-opo, Miss Angeline”, pagsang-ayon ni Daniel at nauna ng lumabas ng music room sumunod naman ako. Dire-diretso lang siya sa paglalakad na parang wala ako doon. Akala ko nagbago na ang pagtingin niya sa akin pero galit pa rin pala siya.

    “Deej, hintayin mo naman ako”, tawag ko sa kanya. HAHAHA! Parang wala lang sa akin kahit Deej ang tawag ko ‘no?

    “Ano ba, Kath?! Hindi ko gagawin ang iniutos ni Miss Angeline! Umuwi kang mag-isa mo! Hindi mo ‘ko alalay!”, pasinghal na sagot ni Daniel. Grabe! Ang sakit ha! Papasok na sana siya ng kotse niya ng buksan ko rin ang pinto sa passenger seat at umupo doon.

   “Oh, Daniel John! Halika na! Ihahatid mo pa ako sa bahay namin di ba?”, nakangiti kong sabi. Bumuntong-hininga lang siya at sumakay na rin ng kotse. Alam na alam na kasi niya na matigas ang ulo ko at hindi basta-basta mapapaalis doon. :D So, inihatid niya ako sa bahay. Hahaha. In less than 30 minutes, we’re here!! Pumasok na ako sa bahay and dumiretso sa kitchen.

   “Hello, Manang Emy! May pagkain ba tayo diyan? Specifically po pizza and lasagna. Alam mo naman po. May bisita po ako”, nakangiti kong sabi kay Manang Emy. Alam niyo kong paano ko napapayag si Daniel? Simple lang! Gusto niyong malaman ? Hmmm. Mayamaya na lang. Gutom na ako. Hahaha ! Oh, sige na nga.

>>>>FLASHBACK

    “Makakababa ka na, Kathryn”, utos ni Daniel. Grabe lungs ha? :D Takutin ko kaya ‘to?

   “Halika na, Deej! Hahagisan kita ng palaka diyan eh!”, tumatawang sabi ko. Nanlaki naman mata niya. (O.O) Hahaha! Ang epic lang ni DJ eh! ^_^

 “Isa, DJ! Hahagisan na talaga kita! Ready ako, Deej! May gloves na ako rito!”, panunukso ko sa kanya sabay suot ng gloves at tingin sa garden kung saan may nag-“ribet” na palaka.

“KATHRYN!!!!!! Oo na! Oo na! Lalabas na ako! Psssh! Kakainis kang babae ka!”, reklamo ni Daniel tsaka lumabas na ng sasakyan. HAHAHAHA! Epic! So epic! Perfect me!

<<<<END OF FLASHBACK

    Oh di ba? Galing ko ‘no? Nakaupo ngayon si Daniel sa sofa namin. Lumabas na ako ng kitchen na may dalang pizza at lasagna. Uy! Nakalimutan kong sabihin na ako pala nagluto ng pizza at lasagna. Wala pa kasing luto na. Favorite ni DJ ‘yon eh. Nakasuot pa nga ako ng apron. J

   “Hello, Deej! Kain ka oh. Ako nagluto niyan”, nakangiting sabi ko. Tumango lang siya. Grabe! Dinedma niya ako. Ang sakit ah!

DANIEL’S POV

   Kung makaasta ang Chandria na ‘yon akala niya magaling siya ah! Langya kasing palaka eh! Kakabwiset lang! At nagpapa-impress pa talaga ang Chandria na ‘yon! Nagluto ba naman ng pizza at lasagna! EH, paano ko matatanggihan ang pizza at lasagna kung paborito ko ang mga ‘yon? EPIC KATHRYN CHANDRIA BERNARDO! Kaya nga mahal ko siya eh----ay este minahal ko siya eh. Remember EX ko siya, di ba?

    “Aalis na ako, Kathryn. Hinahanap na ako ni Mommy”, sabi ko sa kanya. Nakita kong nalungkot siya. Kailangan kong tanggihan ang pizza at lasagna niya! Lord, help me!!

   “Ah, ganun ba? Dalhin mo na lang ‘tong pagkain. Kung ayaw mong kainin, bigay mo na lang kay Tita Karla or sa mga kapatid mo”, malungkot na wika ni Kath. Parang gusto ko tuloy-----urgh! ERASE! Ayoko sa kanya! Okay lang kasi pinadala din naman niya ang mga pagkain. J

  “Okay. Bye”, paalam ko sa kanya. Lalabas na sana ako ng bahay nila ng tawagin niya ulit ako. Ano ba?! Gutom na ako. XD

  “Uhm, Daniel!”, tawag niya.

  “Bakit?”, tanong ko sabay kunot ng noo.

  “Salamat sa paghatid mo sa akin. Sorry nga pala kanina about sa palaka”, sabi ni Kath sabay malungkot na ngumiti. Tumango lang ako at lumabas na ng bahay nila. Hay. Naguguluhan ako. Ayokong nakikitang malungkot si Kathryn pero naiinis ako kapag ngumingiti siya. Baliw-baliwan lang? Hay naku. Ano ba talaga? May chance pa bang maging kami ulit?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love: The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon