Nagwala
Katryna's
ALAS onse nang umaga nakabalik ng farm si Katryna, sa pagkakataong iyon ay kasama na nila si Alvaro. Panandalian lang ang naging usap nila ng kanyang abuela, ang bilin nito ay bumalik siya sa Miyerkules, siguro, muli silang mag- uusap sa gagawin. Ang tanging nasa isipan niya lang ngayon ay kung paano niya itatago ang kanyang mga anak sa mga Torrero, dahil sa oras na gumawa siya ng hakbang ay alam niyang maaaring mapahamak ang mga ito. May pakiramdam siyang alam ng mga Torrero ang tungkol kay Sana, malaki ang posibilidad na kunin ng mga ito si Sana at hinding – hindi siya papayag.
"Ang lala ng ugali ng mga Torrero." Wika ni Alvaro. "You know my father doesn't like them, Ate Yna." Wika nito sa kanya. Magkakasabay silang naglalakad papunta sa main house. Gusto na niyang makita ang kanyang mga anak. "Sabi ng Papa, ahead si Saul Torrero sa kanya ng three years, but he's really an asshole, kung palakarin nito noon ang frat mansion, akala mo siya ang may-ari. His rules, his way, buti na lang at hindi ka-batch ni Papa iyong Papa ni Midas, siguro ang bully talaga noon."
"Hanggang ngayon naman bully siya." She said to Alvaro. "Wala siyang puso, he's doing everything to gain power. Hindi naman nagiging masaya ang tao sa paligid niya dahil sa power na iyon." Totoo iyon. She was the witness to all his manipulations on both of his sons. Hindi naging maganda ang kinalaban noon, kay Maverick man o kay Midas, lahat iyon ay nauwi sa pananakit nito sa sariling mga anak.
Maverick almost gave up. Midas lived a life of lies. Sa kanilang dalawa ni Midas, ito ang mas nahirapan, kung naghirap man siya noon, panandalian lang iyon, pero iyong kay Midas, pitong taon itong nabubuhay sa mga panloloko, napakasakit isipin na wala ni isang taong makapitan ito noon kundi ang anim na taong gulang nilang anak.
"Ma, nandito na kami." Si Chava ang unang nagsalita. Nakita niyang palapit agad ang Mama niya, she hugged her tightly, sumama rin si Chava sa yakapan nila. Nasabi na niya sa kapatid ang tungkol kay Milo, galit na galit ito. Ang sabi nito sa kanya ay tutuntunin nito ang kasabwat ng mga Torrero sa ospital kung saan siya nanganak noon. Galit si Chava, parurusahan raw nito ang umapi sa kanya. Tawang – tawa naman si Alvaro siguro dahil pareho sila ng iniisip, hanggang ngayon sa isipan niya, baby pa rin talaga si Chava kahit na may nakita siyang panty sa dashboard nito.
"Kumusta?" Iyon agad ang tanong ng Mama niya.
"Babalik ko sa Miyerkules, Ma, kailangan ko munang umisip ng paraan para maitago ang mga bata, baka mamaya masaktan sila. They need to be safe first." Tumango ang kanyang ina. "Nasaan ang mga bata?"
"Niyaya noong babae si Midas sa kabayo niya."
"HAH! Dito pala natulog iyong gago na iyon, Ate!" Parang batang wika ni Midas.
"Oo. Pinasuot ko sa kanya ang pajama mo."
"Bakit naman iyong akin?!" Sigaw nito sa kanya.
"Isipin mo, kung iyong akin ang sinuot ni Midas, anong hitsura niya noon?" Angik niya rito. Lumabas siya ng bahay para tuntunin ang kanyang mga anak. Malayo pa lamang siya ay naririnig na niya ang boses ni Sana, siguro kinukwentuhan na naman nito si Midas, makwento si Sana lalo na kapag komportable ito sa kausap. Sinundan iyon ng tawanan, ngayon ay sigurado siyang pati si Milo ay tumatawa na. Nakit niya si Midas na nakaluhod sa tapat ni Saina habang tila takang – taka ang reaksyon ng mukha.
"Sana!" She called her daughter. Lumingon ang tatlo sa kanya, ngayon at tatlong pares ng mga mata ang titig na titig sa kanya pero ramdam na ramdam niya ang tension mula sa mga tingin ni Midas. Nagtaka ako nang bigla itong tumayo at humakbang siya papunta sa kanya, tila ba nagmamadali ito, nang magkatapat na sila ay bigla na lang siya nitong hinatak palapit rito at bigla na lang hinalikan sa labi. Her eyes widened.
BINABASA MO ANG
Frat Boys Series 2: Midas
General FictionMidas Torrero's life revolves around his studies, his sport and his urge to become the son his father will always be proud of. His life should be perfect, he has a reputation to take care of and one scandal cane change it, he is very careful with hi...