Kiss and Run! (boyxboy two-shots!) #SLOW-TURTLE UPDATE xD

2.2K 22 23
                                    

Sa loob ng school cafeteria . . .

"Psshhh! . . . *nguya nguya, sabay lunok* . . . Jer-jer!"

Napatigil sa pagsipsip ng blueberry yogurt drink si 'Jer-jer' at ibinaling ang atensyon sa kaibigan niyang lumalatak ng jumbo burger.

"Jer-jer ka dyan, kita mo itong kamao ko Allen? kayang-kaya ka nitong paliparin pag hindi mo pa inayos yung pagtawag sa akin . . . saka paki-ayos na rin sarili mo, kung makakain ka naman akala mo apocalypse na bukas."

Hindi naman nagpatinag si Allen sa 'pananakot' niya, bagkus tuloy-tuloy lang siya sa paglamon . . . akala mo kasali siya sa Fastest eating contest.

"Oh sige, rem-rem." sabay higop sa sago con yelo niya . . . nahinto lang siya nang mapansin wala na palang laman ang kanyang baso.

"J-E-R-E-M-Y!, hayst kung di lang kita kaibigan matagal na kitang binitin patiwarik . . . ano pala yung sasabihin mo sa akin?" sabi ni Jeremy sabay inom uli sa kanyang paboritong yogurt drink . . .

'*sighs* witweew! wala talagang tatalo sa bluberry-flavored hahay!' . . .

.

.

.

Naputol lang ang kanyang pagnamnam sa kanyang drinks ng bigla na lang ito sinunggaban ni Allen sabay inom din rito.

"*sluuuurps* Hayst! Nahimasmasan din, anyways sino sa tingin mo si Checker Face?" Ang tanong ni Allen sabay himas sa kanyang fat-less na tiyan na waring hindi lang nang-agaw ng inumin kani-kanina lang. Tinaasan lang siya ng kilay ni Jeremy, magpasa-hanggang ngayon kasi ay nahihiwagaan pa din siya kung saan nalalagak lahat ng kinakain ng matakaw niyang kaibigan - hindi naman ito tumataba . . .

'ah! alam ko na! kino-consume ito ng mga alaga niyang bulate! . . . hmm tama . . .' tumango siya bilang final confirmation sa kaniyang 'conclusion'. Okay, back to his question . . .

"Sa Katekyo Hitman Reborn ba yan? Uhh . . . I bet si Wonomichi yun." Ang buong-loob na sagot ni Rem-r- este Jeremy :D

"Mali, si Kawahira yun!" Ang maangas namang sabi ni Allen.

Napakunot noo si Jeremy. Kailanman hindi naging mali ang predictions niya . . . Although ganun din naman ang kaibigan niya na akala mo sa una ay weirdong ewan pero magaling pala pagdating sa deduction skills, ika nga 'Don't judge the book by it's cover :P' . . . NO! Hindi siya pwede magpatalo! Mas magaling siya kaysa kay Allen.

"Magpatingin ka na sa Optalmologist dahil mali ang tingin mo, si Wonomichi talaga yun." Ang mariing tugon ni Jeremy.

"Oh sige ganito na lang, para walang problema ay magpustahan na lang tayo." Alok ni Allen. kumunot lalo ang noo ni Jeremy.

"Bakit pakiramdam ko, kabaligtaran ng 'walang problema' yang pino-propose mo?" ang pagdududa niyang tanong.

"Kasi nga pakiramdam mo pa lang yan. Wala pang logical basis. So ano na? Deal or no deal?"

Nag-isip muna si Jeremy . . . nakakaduda naman talaga ang proposisyon ng kaibigan niya - parang may binabalak na hindi maganda eh . . . pero kung gusto niya talagang mapatunayan na mas superior siya kaysa kay Allen eh matatalo niya talaga ito, hmmm . . . .

"Okay, deal!" Ang pag-thumbs up na tugon niya.

Nag-evil smirk lang si Allen sa nakuha niyang pagsang-ayon mula sa kanyang butihing kaibigan. Napalunok laway si Jeremy . . .

'Patay, mukhang may hidden agenda talaga itong weirdong ito ha'

"That's great! now here's the scenario, if tumama ang hula mo-"    napanguso rito si Jeremy , anong hula ka dyan- conclusion yun uy!  

Kiss and Run! (boyxboy two-shots!) #SLOW-TURTLE UPDATE xDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon