Introduction

3 0 0
                                    

Introduction

------------------------------------------x

NAKATINGIN LANG AKO SA bintana namin habang nakahalukipkip. Sobrang lakas ng ulan at hangin sa labas at lahat ng mga relatives ko ay nagtitipon-tipon sa bahay namin nang nabalitaan nila na may dadating daw na Super Typhoon sa lugar namin at ang sentro pa nang bagyo ay nakalocate sa'min kaya sobrang kaba ang naramdaman namin ngayon. Nagpapanic na nga sina Mama kasi 'yung bubong namin eh parang kinukuha na ng hangin. Pero ako'y nakatingin lang sa bintana, nasa ika-dalawang palapag kasi kami dahil mag-iistorm surge daw. Ngunit ako ay nasa kwarto ko, sila nasa labas ng kwarto ko. Panay nga ang katok nila Mama dahil baka mabasa ako.

Oo, naramdaman ko ang bagsik ng Super Typhoon na 'yon. Parang sumasayaw nga ang bahay namin kahit ganito katibay ang semento namin. Halos wala akong makita sa bintana dahil sa fog ng hangin at sa ulan. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko maipagkakaila na natatakot ako, hindi para sa sarili ko pero para sa lugar kung saan ako lumaki. Twenty-one years akong nakatapak dito sa lugar na 'to tapos aalis kami rito? Oo, 'yon nga. Alam ko na kung anong kinahahantungan nito dahil ayaw ni Mama na matulog kaming walang aircon. Pero panay ang tanggi ko kay Mama na pumunta sa Manila kasi ayaw ko. Kaya nga ako nagkukulong dito sa kwarto ko kasi nagtatampo ako kay Mama.

"Shit!" Napatayo ako nang biglang may isang kapirasong bubong na lumipad sa bintana. "Shit!" Napapikit ako sa sobrang hapdi. Nabasag 'yung bintana na tinitigan ko! At 'yung isa sa mga pira-pirasong nabasag eh nag-landing sa paa ko. Nanginig ako sa sobrang lamig nang nakapasok na ang hangin sa kwarto ko dahil sa pagkabasag ng bintana. Tinignan ko muli ang paa ko, patuloy na dumudugo 'yung paa dahil medyo may kalakihan ang piraso ng glass na naglanding rito. Halos basa na ako don kaya tumakbo ako agad-agad sa kama na malayo-layo sa bintana at unti-unting kinuha ang glass.

"Rene! Buksan mo na 'yong pinto!" Rinig kong sigaw ni Mama.

"Ma! I'm okay," 

"We heard a shuttering of glass! My God, Rene please,"

Kaya binuksan ko na lang ang pintuan dahil oo nga, medyo basa na ako at giniginaw na ako ng sobra sobra. Masakit na rin 'yung paa ko kasi parang nakapasok 'yung hangin sa sugat ko. Nang binuksan ko na iyon ay agad-agad akong niyakap ni Mama at nakita ko na half-teary na 'yong mata niya. 

"My God Irene ang basa basa mo na, giniginaw ka pa! Nona, pakikuha nga ng jacket si Irene," utos ni Mama sa pinsan kong si Winona. Umalis naman kaagad si Winona at kumuha nang jacket sa kung saan. Nung nakita rin ni Mama 'yung sugat ko ay inutusan niya ulit si Winona na ikuha 'yung first aid kit at ginamot ang natamo kong sugat.

"Sobrang hangin! 225kph daw 'yung hangin ayon sa IAMREADY diba? Ngayon ko pa lang nakaranas nang ganitong sobrang Super Bagyo!"

Rinig kong sabi ni Tita Elethia. Iginala ko ang tingin ko sa aming lahat. Andito ang tatlong kapatid ni Mama, sina Tita Elethia, Tita Heidee at Tita Ethelia. Kasama nila 'yong anak nila na kasing-edad ko na sina Winona na nag-iisang anak ni Tita Elethia, Stephanie at Athena na anak naman ni Tita Heidee, Blitzen, Jaeson, at Fawn na anak naman ni Tita Ethelia. Cool cool lang 'yong mga kasing-edad ko pero sina Tita ay sobrang kaba na ang nararamdaman. Si Papa naman ay tinatahan si Mama na sobrang kaba na rin ang nararamdaman.

Mga ilang oras pa ang nakalipas nang natapos na sa pagbugso ang Super Typhoon, at nung nakalabas na kami ay pare-pareho kaming napakanganga at napatanong kung, nasa Ormoc pa rin ba kami?

Halos wala akong makitang bahay.

Strings of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon