chapter 4

64 11 0
                                    


Pag katapos naming kumain ay agad din na umalis ang mga ito.tinulungan ko na Sina mama.

"Napaka bait naman ni ate Wendy,di tulad nung kapatid niya ang sungit."bulong ko Kay Mana habang nililinis ang mahabang mesa.

Luminga-linga ito para tingnan kung may nakakarinig ba sa amin.

"Shhh,baka may makarinig sayo,Anya."pag babawal ni Mama sa akin Kaya tumahimik nalang ako.

Nasa may kusina ako nang mag prisinta ako na ako nalang ang mag huhugas ng mga plato dahil pagod na din si mama at gabi na din.

Kay tagal kong sinusuyod ang buong mundo~
Para hanapin,para hanapin ka~

awit ko habang nag huhugas ng mga plato.May papikit-pikit pa akong nalalaman.

May narinig akong mga yabag ng paa ngunit binalewala ko Lang iyon.

Nilibot ang distrito ng iyong lumbay~~
Pupulitin,pupulutin ka~~
Sinusundo kita~~
Sinusundo~~

"AY PALAKA!"sigaw ko dahil sa gulat nang makita ang kapatid ni ate Wendy.

May hawak itong isamg vaso ng tubig habang bored na nakatingin sa akin.

"Ang pangit ng Boses mo."panimula niya na siyang nag palaki ng aking mga Mata.

"Nahiya naman sayo Yung boses ko!"sigaw ko na siyang nag palingon sa kaniya.

Napalunok ako nang tinignan niya ako sa mata.

Napaka ganda ng mga mata niya.may pag ka rosy cheeks,makapal na kilay,at perfect na lips...

Hindi Kona namalayan nang malapit na pala siya sa akin.

"Anya..."bulong niya sa aking tenga.

Namumula akong tumingin sa kanya.

"B-bakit?"utal kong tanong.

Lumayo ito ng bahagya.

"Anak kaba talaga ni manang josie?Mukha kang nanay kesa sa kanya."banat niya.

0_0

"Watda pak?!"

Dinig ko ang mahina nitong tawa,Wala na akong nagawa nang makalayo na ito.

"Kaasar!!"sigaw ko at itinuloy kona ang pag huhugas.

Nang matapos ako napag pasiyahan ko munang pumunta sa garden nila.

Nakita ko kase kanina ang lugar na iyon yun nga lang hindi ako nakapag stay dahil sa maraming ginagawa.

Umawang ang bibig ko nang makita ang buong paligid.

Para itong bahay ng mga diyosa.may iba't-ibang uri ng mga bulaklak.

Umupo ako sa may tabi ng mga halaman.

"Alam niyo ang ganda niyong tignan."bulong ko.

Para akong baliw as if naman na sumasagot ang mga ito.

"Sa probinsya namin marami ang mga katulad niyo,halimbawa nalang ako."

Nagulat ako nang biglang may umubo.

Hinanap ko kung saan nag mumula ang boses na iyon at nakita ko ang isang lalake na nakaupo sa may upuan.

Ang tanga ko naman may upuan pala umupo pa ako sa damuhan.

MY LOW CLASS GIRLWhere stories live. Discover now