Chapter 2
From: Jaxtyn
Good morning! Eat your breakfast and be safe if your going to school. Sana makanood ka ng laro namin
Sobrang aga naman nito magising, bumangon narin ako para naman makapag ayos ako sa sarili ko. Pagkalabas ko sa kwarto ay diretso agad ako sa kusina. Hindi pa pala gising sila mama, kaya ako na ang nag handa ng breakfast, Kumuha ako ng itlog sa ref kinuha ko na rin ang hotdog and bacon. Si mama kasi lagi ang nagluluto kaya hind ko alam kung gaano karaming asin ang ilalgay ko sa itlog. Muntik ng matapon ang mantika sa akin dahil sa gulat ng biglang may nagsalita.
"Ayy anong meron? Ang aga magising ahh"
"Ma! Nakakagulat ka naman muntik na tuloy akong matapunan ng mantika"
"Bakit hindi pa natuloy? Sayang." pagbibiro niya pa kaya inirapan ko na lang siya. May pupuntahan ka ba?" Tanong naman agad niya.
"Wala po maaga lang akong papasok para maipasa yung mga requirements" Sagot ko, pero maaga talaga akong nagising dahil sa text ni Jaxtyn.
Naghanda na ako ng pinggan para makakain na, nang matapos niligpit ko na ang kinainan ko bago ako naligo.
Pagkalabas ko ng cr nakita ko ang phone ko na naka on at nilapitan ko iyon para makita.
*10 missed calls and 5 messages*
From: Jaxtyn
Heyy, papasok ka na ba?
From: Jaxtyn
Chat ka kapag papasok ka na ha
From: Jaxtyn
Kasabay mo ba sila Xy at Ysha?
From: Jaxtyn
Sunduin na lang kita sa inyo para sabay na tayo
From: Jaxtyn
Hindi na pala kita masusundo may practice muna kami bago mag laro, ingat ka pag pasok mo... See you mamaya :)
Binilisan ko ang kilos ko para mas maaga kong maipasa ang dapat ipasa. Maghihintayan daw kami nila Xy sa kanto at doon ko sila hihintayin para sabay-sabay na kami pumasok at manonood din daw sila ng laro. Nag message narin sakin si Ysha na nandoon na sila.
Mabilis lang ang biyahe dahil hindi naman traffic, nagpasama muna ako sa kanila para ipasa ang mga paper works ko at tumungo agad kami sa gym ng maipasa ko ang mga iyon.
Magsisimula na ang laro kalaban nila and De La Salle, nakita ko naman agad siya kinawayan ko siya para makita niya ako at ngumiti sakin. Kilig na kilig pa ang dalawa.
"Oo nga pala nasaan si Mav? Kahapon pa natin siya hindi nakakasama" Tanong ko sa kanila.
"Kahapon kasi sabi niya sakin may dadaanan pa daw siya kaya 'di siya nakasabay satin kahapon, ewan ko lang ngayon kung nasaan siya" sagot naman nitong si Xy, siya kasi ang mas close ni Mav almost 7 years na kasi silang mag best friend.
YOU ARE READING
She Owns Your Heart
Teen FictionNisha Denise Villanuel a student in Philippine Christian University . She will fall in love with Jaxtyn Roy Guarvez a Basketball Player. She will do everything for the man she loves... pero handa nga ba siya kahit na ikakasakit ng damdmin niya? Tako...