Chapter 4

28 11 0
                                    

Chapter 4

Hindi na ako hinatid ni Jaxtyn dahil may practice daw sila ngayon ng basketball. Nang malapit na ako sa bahay napatigil ako saglit dahil napansin kong medyo nakabukas ang gate namin. Siguro'y nakalimutan lang ni mama na isara nang maayos.

Agad naman akong pumasok at iginala ang mata sa paligid dahil baka mayroon pa lang nag mamasid sa labas ng bahay namin saka iyon isinara at agad na nagtungo sa pinto ng bahay, wala sila mama sa sala kaya naman dumiretso na lang ako sa kwarto ko. Inayos ko ang gamit ko at nagpalit na ng damit at lumabas na sa kwarto.

Paupo na sana ako sa sala para manood ng TV nang may marinig ako sa kusina.

Kaya medyo kinabahan ako, baka may magnanakaw.

Magnanakaw? Kaya ba medyo bukas ang gate namin pagkarating ko?

Pinakiramdaman ko muna bago ako tumayo.

Binalik ko na lang ang atensyon ko sa palabas na pinapanood ko. Nagtayuan ang mga balahibo ko dahil may kumalabog na naman sa kusina.

Multo? Baka may multo!

"Wooh! matapang ka Nish, hindi ka naniniwala sa multo. Okay?"

"Ohh Nisha nandito ka na pala" Bumungad sa akin si mama na kakapasok lang at kasunod si papa. "Aayyy putanginaa!" Gulat kong usal.

Nalaglag ako sa sofa dahil sa gulat. Hindi ko namalayan na dumating na sila mama.

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa nasabi ko. Hindi naman kasi ako nagmumura kapag nasa bahay, kaya medyo kinabahan ako.

Nakatingin lang sila sa akin kaya mas lalo akong kinabahan.

Nabaling ang tingin ko sa babaeng bigla na lang sumulpot sa likuran ni papa.

"Tita?" Usal ko.

"Oh! Bakit parang gulat na gulat ka?" Tumataas taas pa ang kilay niya. "Mas lalo ba akong gumanda ngayon kaya ganyan ka kagulat?" Sambit niya habang lumalapit sa akin.

"Grabe, HAHAH ang kapal pa rin ng face mo Tita" pabiro kong sabi saka siya hinampas sa braso. Nawala ang kaninang kaba ko. Woh, thanks Tita at pumasok ka.

"Anak, ikuha mo muna kami ng tubig" utos sa akin ni papa na agad ko namang sinunod. Nagtungo na ako sa kusina para sana sa tubig pero natigil din agad ako sa paglalakad at gulat sa aking nakita.

"K-kuya?" nauutal na sabi ko. Isang magandang ngiti din ang sinalubong niya sa akin at tumalikod ulit para tignan ang niluluto niya.

"Hoyy Nisha ano ba namang reaksyon yan para kang nakakita ng multo" sambit niya at biglang tumawa. Halos mamataymatay ako kanina sa takot, ikaw lang pala.

Sa sobrang saya na nararamdaman ko ay sunod-sunod na tumutulo ang luha ko. Akala ko matatagalan pa siya sa pag-uwi.

"Totoo ba 'to? Ikaw ba yan k-kuya? H-hndi ba ako nnamamalik m-mata?" Sunud-sunod na tanong ko.

"Luh ang kapatid ko parang tanga, hindi mo na ba ako kilala?"

Agad naman akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya.

"Bakit dika nagsabi na uuwi ka na pala?" malungkot ang tono ng boses ko.

"Surprise nga diba" tugon niya sabay ngiti at haplos sa buhok ko.

"Kanina pa ako naghihintay sa tubig" pagbibiro ni papa na kapapasok lang sa kusina at kasunod na sina tita at mama.

Ngayon ko lang naalala na pinapakuha nga pala ako ng tubig.

She Owns Your HeartWhere stories live. Discover now