Rylan's POV
Ayan na naman siya. Bakit ba sa tuwing makikita ko siya palagi nalang siyang nagbabasa ng notebook niya at tutulala? Minsan nga iniisip ko na baliw siya, kaya lang... sa lahat ng baliw siya ang pinakamaganda. Aixtsss... ano bang pinagsasasabi ko.
Pinapanood ko lang siya magsulat ng humangin at liparin yung crane na gingawa niya. Isa payang di ko maintindihan, Bakit kailangan niyang gawing crane yung nababasa na niya?
She's too mysterious to be read.
" akin yan " sabi niya. Hawak ko pala yung crane niya. Inabot ko naman to.
" e-eto... " putek! Ba't nauutal pa ko?
" salamat. " tapos bumalik na siya sa puwesto niya. Lagi nalang ganito yung mangyayare. Magsusulat o magbabasa siya tapos ako papanuorin siya.
" Bakit? " nasa harap ko na pala siya.
" hah? wa-wala... "
" namumula ka. May sakit ka ba? "shit. Am I blushing?
" Wa-wala. " geeezzz... Rylan umayos ka. Bulyaw ko sa sarili ko. Nakakahiya.
" Rhyn. "
" Huh? "
" Ako si Rhyn. Ikaw? " totoo ba to? kinakausap niya ko?
"Rylan "
" Hmmm... Teka lang ha " umupo naman siya at may sinulat sa papel. Pasimple ko yung binasa.August 3 **** , West Park. I met a friend who's name is Rylan.
Bakit pa niya sinusulat?
" Baka kasi makalimutan ko "sabi niya na parang halatang halata na nacucurious ako.
" Bakit mo naman makakalimutan?"Bigla naman siyang tumahimik. Ahhh ... ayoko ng ganitong katahimikan.
" ok lang kung di mo sasabihin. "ang tagal ko ding hinintay na makausap ko siya. Palagi ko lang kasi siyang nakikita dito.
" Magkaibigan na ba tayo? " tanong niya.
" Huh? Oo naman. Friends " Tapos nakipagshakehands pa ko.Nagkwentuhan lang kami. Grabe di ko namamalayan ang oras pag kasama ko siya.
" Uuwi na ko. " sabi niya. Ala singko na pala.
" Ihahatid na kita."
" Naku wag na. :-) Bye " Tsk... Sana magkita pa kami ulit.-------
" Hahahaha... Oo tapos nalaman ko nalang na kaya pala ganun sila makatinggin sakin kasi butas na yug pants ko. Nakakahiya talaga yun " Kwento ko kay Rhyn. Oo nakakahiya man na kinukwento ko yung mga kapalpakan ko ok na yun kasi siya hindi nagkukwento. Makasama ko lang siya ok na Kahit maubos pa yung laway ko kakadaldal.
" Grabe ka. Hahahahaha " Naloko na. Siguro nga mahal ko na si Rhyn. Halos tatlong buwan na din. Kada uwian ko sa school dito ko agad sa park tumatambay.
" Ikaw naman magkwento "
" Wala kong kwento eh "
" Lagi mo nalang yan sinasabi "
" Pasensya na " sabi niya sabay nguso. Ang cute niya talaga.
" Teka may sakit ka ba? Bakit namumula ka? "
" Huh? Wa-wala. "
![](https://img.wattpad.com/cover/28932014-288-k716076.jpg)