hayy nako... agang - aga... nasigawan ako agad.
sino ba yun.. kala naman niya kung sino sya..
hmmm..?
ahh... eto na pla yung gate ng school eh. ang laki ha. di ko maita yung loob.. ang taas pa ng pader.
may nakasulat.. anu kaya yun?
"Please use the front gate"
wow ha?! back gate pala to. so ibig sabihin may side gate pa? :P sosyalin!!! tama lng talaga na ito ang school na pinili ko!!
---oOo---
wooooow!! ang laki ng school! ang ganda pa!!
*giggles* excited na ko pumasok.
sana magkaroon ako agad ng kaibigan. saan kaya yung school office? parang naliligaw ako ah. haha!
"AHHHHHHHHHHHH!!!!!"
a..ano yun? may sumigaw? agad akong tumakbo sa pinanggalingan ng sigaw..
may isang babaeng binubully ng isang grupo ng mga lalake. may mga piercing sila tsaka tattoo.. di ba bawal yun sa school? May isang kulay pula ang buhok... tsk.. ang sama tingnan... mukhang adik lng. yung isa naman.. estudyante ba yun? hindi siya naka-uniform. ..
hala!! bastos yung lalakeng yun ah [yung hindi naka-uniform]!!! itaas ba naman yung palda nung babae!!
"ooy!!! ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?!" sigaw ko sa kanila habang papalapit akong may hawak na payong.
"mga bastos kayo ah! bat niyo pinagtutulungan ang isang babae? di na kayo nahiya.. nasa school tayo noh!!"
"ANO BANG PAKELAM MO!!!" sigaw nung isang may piercing saken. naku... dapat bang hindi na lang ako nangeelam?
"eh inaapi niyo yung babae eh!! mali yun noh! bka gusto nyong isumbong ko kayo sa mga teachers!" subukan ko nga kung matakot sila.... ako takot na takot na... please... sana makatakas ako dito.
"miss, okay ka lng?" tanong ko dun sa babae. kaso tahimik lng sya.
"ehhhh? ikaw na naman?! " sabi nung isang lalake.
pamilyar saken yung boses na yun ah. so, napalingon ako kung sino yun.
nanlaki ang mga mata ko... sya yung mayabang na lalake na nabangga ko kanina!!! aba! at di sya naka-uniform!! tsk tsk...
"oo ako nga!!! ano naman ngayon sayo? isusumbong ko kayo sa mga teachers!! bullying ang ginagawa niyo tsaka sexual harrasment!!"
"HA?! Sexual harrasment?! pwede ba, wala kang alam!!!! bakit hindi mo subukang tanungin yang babaeng yan?"
aba, sya pa may lakas ng loob na magsalita ng ganyan.. nahiya naman ako sa kanya noh!!
okay, so tiningnan ko yung babae,...
"Miss? ano ba ginagawa nila sayo? " tanong ko ulit sa kanya. naiinis na ko ha.. kinakausap ko sya ayaw naman niya ko pansinin o tingnan man lng.
"u..uhmm.. sorry.." sabi nung babae sabay tumakbo papalayo samin .
patay... kelangan ko na rin ba tumakbo? kanina ko pa gusto tumakbo.
"hayy!!! ano ba yan!!! nakatakas na naman yung babaeng yun!!!! " sabi nung lalakeng may pula ang buhok.
"KASALANAN MO!!! EDI SANA NAHULI NA NAMIN SYA!!! KASALANAN NIYA KUNG BAKI NA-SUSPEND KAME!!!" sigaw nya saken.. aba tinuro-turo pa ko ha.
"ABA! KASALANAN NIYO NA YUN NOH KUNG BAKIT KAYO NA-SUSPEND.!" binalik ko sakanya yung sigaw niya sabay tumakbo na rin ako..! baka kung ano pa mangyari sakin dun.
"oomph" may nabangga ako.
"naku sorry po."
"ah.. ayos lng yun."
ehh? O///O ang pogi!! at mukhang desente pa!!
"ah.. sorry po talaga. ako nga pala si Allison... Allison Dacion."
"hmm. Allison. nice name. *sabay ngiti*" "ako nga pla si Joseph. Joseph Dela Cruz. "
"ah. nice to meet you! " sabi ko.
"transferee?" tanong niya saken with his killer smile!! ahh.. may dimples din sya!
"yup. alam mo ba kung saan yung school office?" tanong ko. aba sayang opportunity. magtatanong na ko since naliligaw na ko eh.
"yeah.. dun deretsuhin mo lng tas may makikita kang laboratory dun, katabi lng nun yung school office."
"ahh. thank you!! :) bye!! nice to meet you. " sabi ko habang paalis.
buti na lng at may ordinaryong estudyante dito.
ah.. yun na pala yung office eh...
---------------------------------------------------------------------------------
A/N: hi guys!!! sorry kung SUPER tagal ng upload. busy kasi ako tsaka ngayon lng ako ulit nakapagbukas ng Wattpad ko. :3
please comment and vote for my story. thank you!!!
BINABASA MO ANG
Gangster High School
RomanceCarolina Highschool ang ganda ng pangalan noh? pang sosyalin! tamang tama sa mga estudyanteng gustong magkaroon ng normal HS life. Pero pano kung pag pasok mo pa lang... kabaligtaran na ng inaasahan mo ang nakita mo? papasok ka pa ba...