Chapter-1

29 2 2
                                    

Zoe's POV

Kakagising ko lang at napakaingay nanaman sa bahay.

Normal na saken 'yon.

Hindi naman nawawalan ng problema dito dahil sa company ni Kuya kaya mas pinipili ko nalang din na umalis at mag gala.

Kakagising ko lang syempre i need to take a bath muna bago mag gala at lumayas dito sa bahay kakain nadin ako bago umalis.

Nakalipas ang isang oras at natapos nakong kumain at maligo kaya kinuha kona yung bike ko sa gilid ng bahay. May kotse kami kaso hindi ako marunong mag drive kaya mag b-bike nlg muna ako hindi pa kasi ako tinuturuan ni kuya at alam kong wala rin s'yang balak na turuan ako at hindi ko rin gugustuhin na turuan n'yako mahirap na baka maling galaw ko lang habang tinuturuan n'ya ko batukan nyako agad sobrang sungit pa naman non.

Paalis na sana ako at----

Zoe? Where are you going? Tanong sakin ng kapatid kong may ubo sa utak.

Sa puso mo. Sama ka? Sagot ko na mukang ikinainis n'ya

Akmang papalapit na s'ya sakin ng mag madali ako sa pag pidal makalayo lang ako sakanya dahil alam kong may ka lalagyan ako kapag hinintay ko pa s'yang makalapit sakin.

Nakalayo nako sa bahay at hindi ko alam kung saan ako dadalhin netong paa ko at bike ko.

Bahala na si batman

May nakita ako'ng cafeteria na mukang kakabukas lang dahil ngayon ko lang 'to nakita. Medjo may kalayuan sa bahay namin pero okay na din.

Pumasok ako sa loob at may mga crew na sumalubong sakin. Mukang kakabukas ngalang wala pang masyadong mga tao.
Umorder naman ako hindi ko na alam kung ano yung inorder ko sobrang lutang ko tumuro nlg ako haha..

Nawala rin sa isip ko na pasukan na pala namin bukas. First day yon kaya nag uumpisa nanaman akong kabahan Tinaboy nako ng dati kong school kaya pinatransfer ako sa ibang school na sana tumagal nako don. SOUTH FORK CHARTER SCHOOL (SFCS) yung pangalan ng school na papasukan ko, wala rin akong idea kung kamusta mga tao don.

Sa sobrang ligalig ko sa dati kong school tinaboy na nilako. Napaka babae kong tao napaka palaaway ko haha... Diko sila masisisi eto na talaga ako e wala nakong magagawa. Sabi nila yung huli ko daw na nakaaway hindi parin nakakalabas ng hospital.

Gusto ko s'yang bisitahin kaso baka itaboy lang ako ng pamilya n'ya alam kong hindi ako  welcome don tyaka sino ba namang tanga na w-welcome pa ng pamilya nya yung bumugbog sa anak nila. Tyaka ko na lang s'ya kakausapin 'pag nakalabas na s'ya sa hospital.

Nawala sa isip ko na nasa cafeteria pala 'ko at hindi kona namalayan na naubos na pala 'tong iniininom ko. Oh diba lutang talaga.

Pauwi na sana ako kaso naalala ko si Kuya.
Muka pa naman s'yang dragon kapag nagagalit pero pogi parin hehe.....

Maaga pa naman kaya hindi muna ako uuwi mamaya nalang siguro.
Pumunta ako sa isang park na lagi kong pinupuntahan kapag malungkot ako.
Hindi ako malungkot ngayon wala lang talaga akong mapuntahan wala rin naman akong kaibigan kaya dito nalang siguro ako. No choice!

May nakita akong mga bata na nag lalaro ang cute nilang tignan sana may kapatid din akong babae.

Lumaki akong walang tatay kaya si Kuya na yung tumayong Tatay ko. Kaya di ko s'ya masisisi kung bakit ganon nyako pag higpitan. Pero matigas padin ulo ko syempre, minsan hindi ko s'ya sinusunod.

Oh diba 2in1 may kapatid kana may tatay kapa.

30mins palang ata akong nandito pero gusto ko ng umuwi, Nakakainggit kasi yung mga bata. Yung iba kasama buong pamilya nila ako eto tamang nood lang sa kanila, hindi ko na kasi mararanasan yung ganon sobrang gulo nadin ng pamilya namin.

Sumakay nako sa bike ko at nag pidal na pauwi. Parang may kulang kada nag b-bike ako e. Alaaaam ko naaa!!! Headseeet!! Sobrang lungkot kapag nag b-bike ako e puro busina sa daan naririnig ko. Mag papabili na talaga ako kay kuya non.

Malapit nako sa bahay papasok nako sa
Gate. Mag dadasal nabako? Mag reready nako sa sermon ni Kuya ang hirap pa naman intindihin non english ng english.

Papasok na sana ako sa pinto ng kusang bumukas 'yon...

Anak ng tokwa yari na----

Where have you been? Tanong n'ya

Aaminin ko natatakot ako sa kanya muka s'yang dragon. Sa kan'ya lang ako natatakot ng ganito dami ko ng nakakaaway pero sa kanya lang talaga ako na tatakot ng sobra.

S-sa-----. Hindi na n'ya 'ko pinatapos sa sasabihin ko.

Where!!? Nilayasan mopa ako kanina! Hindi ka ba marunong mag paalam Zoe!

Pag ba nag paalam ako papayagan mo'ko? Diba hindi?. Wala sa sarili kong sagot.

Wala si Mama lagi s'yang busy nauwi naman siya kaso minsan lang hindi din namin alam pinag kakaabalahan n'ya kaya may mga maid kami sa bahay.

P-pumasok kana sa loob at kumain nag luto ako. Ramdam ko yung biglang pag lungkot sa mga mata ni Kuya.

Nag nod lang ako sa kanya at nauna na s'yang pumasok sa loob inayos ko nadin yung bike ko.
Pag pasok ko sa loob nakita ko si Kuya na nag kakape ang pogi n'ya tignan kaso pag nagalit mukang dragon.

Nag simula na kaming kumain. Tahimik ang buong paligid ang lungkot kumain walang kwentuhan. Nakita ko si Kuya na naka tingin sakin.

W-why are you looking at me?. Tanong ko sa kanya sabay subo ng hotdog.

Hotdog is layp.

Pasukan niyo na bukas.

Alam ko. Anong gagawin ko? Gusto ko sanang isagot sa kanya kaso baka mag muka nanaman syang dragon.
Hindi ko siya sinagot. Ang sarap kaya kumain. Bahala ka dyan haha..

Anong balak mo? Hahatid nalang siguro kita bago ako dumeretso sa company. Dugtong niya.

Osige. Ang tanging sagot na lumabas sa bibig ko.

Natapos nakong kumain nag paalam narin ako kay kuya na aakyat nako sa kwarto ko.

Napagod din 'ata ako sa pag gala kanina kaya hindi kona namalayan na nakatulog na ako.

Love TriangleWhere stories live. Discover now