Let me introduce myself first. Ako nga pala si Alex, 14 years old na ako. Grade 7(1st year) student. Taga Batangas ako. Kayumangi, tama lang ang tangkad, at medyo chickboy xD.
Simulan na natin ang kwento.
1st day of school. Dalawa ang section namin, section I at section II. Section I ako. Hahaha! Galing ko! xD Dalawa lang ang section nami dahil ang sections na ito ang the best. Nandito ang mga matatalino
at mga pandayo. 9 kaming boys at 26 naman ang girls.
Wala akong kilala. Why?! Lonely tuloy ako
May biglang tumawag sa pangalan ko.
"Teka, kilala mo ako? O.o" Tanong ko.
"Hindi.. xD nakita ko lang ang pangalan mo sa notebook mo" sagot niya.
"Ako nga pala si Joy."
"Ako naman si Alex."
Pagkatapos ng pagpapakilala namin sa isa't-isa, nagkwentuhan na kami. Kung anu-anong topic. Hanggang sa dumating na si ma'am. Natigilan kami sa pag-uusap.
"Umupo na kayo kahit saan nyo gusto, at magsisimula tayong magpakilala sa isa't-isa. Ako si ma'am Angelica Dela Cruz and I will be your teacher for all subjects. Ngayon kayo naman ang magpakilala, starting from you, papunta sa likod." Agad na sabi ni ma'am.
"Yes, makakapag-prepare ako." sa isip-isip ko dahil ako ay nasa likod, at katabi ko naman itong si Joy.
After magpakilala ng lahat including me, may ibinigay sa amin si ma'am na handbook na may kasamang yellow paper sabay sabing "Hindi tayo magka-klase ngayon sa lahat ng subjects dahil may mga sasagutan kayo sa loob ng handbook na yan."
Umabot langit ang ngiti naming magka-kaklase sa narinig. Iniwan kami ni ma'am para pumunta sa faculty. Ng makaalis na si ma'am ay sinagutan na namin ang Handbook.
Ng matapos namin ni Joy ang page 1 na kasabay matapos ng first subject namin ay nagpahinga muna kami at nagkwentuhan ulit.
Dumating si ma'am at agad naming sinagutan ang page 2. Ng matapos ito ay may ibinigay na namang papel si ma'am. "Ano ba naman yan?!" -_-
Schedule pala ito. Ng makita ko kung anong oras ang Break time, tumingin agad ako sa relo ko at laking gulat ko na saktong break na pala. "Yes!" :D
Kasabay namin ang kabilang section. Ng ako ay makalabas na ng room, nakita ko isang babae galing sa Section II. Ang ganda nya.
"Uy Mylene!" tawag ni Joy sa magandang babaeng tinititigan ko. Lumapit siya sa amin at ipinakilaka ako ni Joy sa kanya at ipinakilala siya ni Joy sa akin. "Mylene, Alex nga pala. Alex, Mylene nga pala. Shake hands kayo." Ng maghawak na ang kamay namin ay biglang umirit si Joy.
"Ayieee! Si Mylene kinikilig!" sigaw ni Joy.
Bigla namang namula si Mylene.
"Tumahimik ka nga Joy!" Pabulong na sabi ni Mylene.
Napangiti na lang ako sa narinig ko. :)
Tapos na ang break at bumalik kami sa aming room. Nagulat ako ng makita ko ang relo ko na 15 mins pa lang ang nakakaraan. "So 15 mins lang ang break? Grabe naman!"
Lunch time na. "Buti na lang matagal-tagal ang lunch time, 2 hours!"
Ng papunta ako sa canteen, may nakabanggaan akong babae. Maganda siya at matangkad.
"Sorry." ang tangi kong nasabi sa kanya.
"Okay lang. Sorry din, hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko eh."
"Okay lang." Umalis na siya ng nagmamadali, ako naman ay nagtungo na sa canteen.
Habang nagbabayad ako, may mga lalaking sumigaw sakin. "Oy bata! Swerte mo ahh, nakausap mo yung magandang babae na nakabanggaan mo." Hindi ko na lang sila pinansin at kinuha ko na ang sukli ko.
Habang naglalakad ako papunta sa room ko, hindi ko mapigilang isipin ang babaeng nakabanggaan ko.
"Napakaganda niya. Ano kaya ang pangalan niya?" mahina kong nasabi. May biglang sumagot sa tanong ko na nasa likuran.
"Siya si Rose."
"Teka, parang pamilyar ang boses na yun ah?" sa isip-isip ko. Ng pagtingin ko sa kanya ay laking gulat ko na si Mylene pala yun.
"Ahh.. Bakit mo siya kilala?"
"Mag-Bestfriends kami since grade 1."
"Crush mo siya noh?"
Nagulat ako sa tanong niyang iyon. "Hindi ahh.." sagot ko.
"Buti naman." pabulong niyang sabi na halos hindi na marinig at sabay takbo papasok ng room niya.
Nagulat ako sa sinabi niya at nakangiti na lang akong pumasok sa room ko.
Sumapit na ang hapon at sa wakas natapos ko na ang mga sasagutan ko sa handbook na to. Uwian na, sa wakas!
Hatid ako tuwing umaga at mamasahe na lang raw ako sa jeep tuwing uwian. Yan ang napagusapan namin ng parents ko.
Habang nag-aabang ako ng jeep, nakita ko si Joy, Mylene at Rose na magkakasama at dumaan sa harapan ko. Daming kilala ni Joy ahh, friendly talaga.
Habol tingin naman ako kay Rose. Nakita ko naman si Mylene na nakatitig sa akin at parang malungkot na may kasamang galit. Natulala bigla ako sa kanya, at nakita kong niyakag na niya sina Joy at Rose para umuwi.
Ng makaalis na sila ay bigla akong napaisip kung bakit ganoon na lamang makatitig sa akin si Mylene. Biglang sumagi sa isip ko ang narinig ko kanina habang naglalakad kami, "Buti naman." Hindi kaya may gusto si Mylene sakin? Umaygash :D
Sa wakas at nakasakay na ako ng jeep after waiting one and a half hour. Tagal naman ng jeep na to. Hindi ko matanggal sa isipan ko si Mylene hanggang sa makauwi na ako sa amin ay siya parin ang nasa isip ko, Bakit kaya?
Abangan sa next Chapter! :)
![](https://img.wattpad.com/cover/28936171-288-k26293.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Triangle(Tagalog Love Story)
Teen Fiction1st story ko po ito. Sarili ko po itong karanasan. Sana magustuhan nyo ^-^ Tungkol ito sa amin ng GF ko at ng isang babaeng nagkakagusto sa akin. Di ako makapaniwalang may magkakagusto sakin. xD