Chapter 2 - 2nd Day(The Text)

212 0 0
                                    

Another day nanaman. Wag na natin  itong pahabain pa. Nag-ayos na ako at dumiretso na sa school.

Medyo boring 'tong araw na 'to. Wala man lang makausap, busy kasi itong si Joy sa pakikipag-daldalan sa iba eh. "Uy Alex!" tawag sa akin ng kaklase kong si Ramon. Si Ramon ang pinaka-matangkad sa amin, matangkad at maputi kaya naman hearthrob ng buong campus pati na rin sa mga school na pinasukan niya. Sinasabi pa ng iba na nasa kanya na ang lahat. Nakaka-insecure pag kasama mo siya.

"Oh bakit?"

"Wala naman. Mukhang nag-iisa ka ah. Samahan mo nga ako."

"Okay. Saan ba?"

"Dun lang sa iba pa nating kaklaseng lalaki."

"Ahh... Sige, para may makilala naman akong iba. Haha..."

Pumunta na kami sa iba pa naming kaklaseng lalaki at nagpakilala.

"Hi ako nga pala si Drew."

"Ako si Niel."

"Emmar at your service!"

"Ako naman si David."

"Manuel, bro!"

"At ako naman Jimbo."

Pagpapakilala nila sa amin ni Ramon.

"Ako naman si Alex." :D

"At ako naman ni Ramon."

Matapos naming magpakilala sa kanila ay nagkwentuhan na kami. Hanggang sa dumating si ma'am para magklase.

Eto na. Klase na talaga kami.

Medyo boring tong araw na to. Wala man lang magawa. Hayss... -_-

Research subject na, our last and final subject of the day.

"We will be having a group activity." sigaw na sabi ni ma'am na agad ko namang ikinabigla.

"All boys in one group and you girls will be divided into three groups." sabi ni ma'am. Buti na lang magkakagroup kaming boys!

"Solve this problem by doing the method on the board." explain ni ma'am. "Bago ko makalimutan, name your groups." pahabol ni ma'am.

Ako ang gumawa ng group name namin habang ang iba ko namang mga kagrupo, ay tumutulong sa pagsolve ng problem. At dahil unique ang group namin, ang ginawa kong group name namin ay "The Extreme Group". Buti na lang okay sa kanila ang pangalan ng group namin.

Natapos na ang aming ginagawa at nakapagpasa na rin kami, at kasabay lang nito ang pagkatapos ng oras sa Research.

Uwian na! Di ko man lang napansin ang oras. Pero isa pala ako sa mga cleaners ngayon. Ano ba naman yan?! Matapos maglinis ay agad na akong umuwi. Di naman ako natagalan sa paghihintay ng jeep.

Pag-dating ko ng bahay ay agad akong nag-bihis at humiga sa kama sabay buhay ng T.V. maya-maya lamang ay nag-vibrate ang phone ko. May nag-text pala. o.O

Our conversation : Siya(S), Ako(A)

S : Hi! Kilala mo ba kung sino ako? :)

A : Hindi. Sino ka ba?

S : Ako yung nakabanggaan mo kahapon. :)

A : Ahh.. Ikaw si Rose diba? :) Kanino mo nakuha ang number ko?

S : Secret! :p Crush mo ba si Mylene?

A : Huh? Hindi ahh! Bakit mo naman natanong?

S : Wala lang. xD

A : Eh ikaw, sino ba crush mo?

S : Secret ulit! :p Clue, katext ko siya ngayon.

A : Ako ba? xD Joke lang. :D

S : ^_^ Haha! Galing. Bye! Gagawa pa ako ng Assignments eh. Thanks sa Time.

A : Huh? Galing? Sige. Thanks rin sa time.

S : Wala! :D

~End of Conversation~

Nagtaka ako sa huli niyang sinabing iyon. Matutulog na sana ako ng biglang mag-vibrate nanaman 'tong phone ko. Nagtext pala si Rose, "Good Night & Sweet Dreams! ;)" Sa nabasa kong iyon, lalo akong nagtaka. Ano ba 'tong nararamdaman ko?! O.o

Abangan sa next Chapter. :)

Love Triangle(Tagalog Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon