Chapter 3 - The Smile

180 1 0
                                    

Makalipas ang isang buwan, patuloy pa rin ang pagtetext namin ni Rose. Kahit nagkaklase nagtetext kami.

Hanggang sa napansin ito ni Joy habang kami ay nagsasagot ng activity. BTW, 2nd subject na.

"Alex... May sasabihin ako sayo tungkol kay Rose. Wag mong sasabihin na sinabi ko huh?" Pabulong niyang sinabi sa akin habang katext ko si Rose.

"Okay. Ano ba yun?"

"Uhmm... Si Rose kasi may gusto sayo."

Bigla akong natigilan sa pagtetext at humarap kay Joy ng naka-ngiti at masaya.

"Joy, wag kang maingay huh? Wag mong sasabihin kay Rose. Kasi may gusto rin ako sa kanya eh." Nagulat si Joy sa sinabi ko. At sinabi ko ulit sa kanya na wag sabihin kay Rose kasi mga bata pa kami at baka magkadevelopan kami. Alam niyo na.

Bumalik na ako sa pagtetext at pagsasagot ng activity namin. Ganun rin si Joy.

Reccess na. Habang papunta akong canteen nakita ko si Joy kasabay sa paglalakad si Rose at parang may pinaguusapan sila. Bigla akong napatigil dahil sabay silang tumingin sakin. Ngumiti si Rose at si Joy naman ay parang kinikilig na natatawa. O.o

Naku po! Wag mong sabihin na sinabi ni Joy kay Rose ang nararamdaman ko? Sana hindi.

Nakita ko na ang daming tao sa canteen kaya bumalik na lang ako sa room na may bahid ng pag-aalala.

Maya maya pa ay nakita ko na si Joy at agad ko siyang nilapitan at kinausap.

"Joy, bakit nakatingin kayo ni Rose sakin kanina? Sinabi mo ba na may gusto ako sa kanya?

"Hindi ahh! xD Hahaha... May pinag-uusapan lang kami kaninang nakakatawa."

"Eh bakit ng tumingin ka sakin parang natatawa ka na kinikilig" -.-

"Basta! Haha... Crush mo ba talaga si Rose? Yung totoo?"

"Oo. Pero hanggang crush lang muna. Wag daw muna kasing mag-GF kasi bata pa."

"Kung pwede ka ng magka-GF, liligawan mo ba si Rose? Kung pwede lang naman"

"Uhmm... Siguro, Baka, Ewan... Hehe..."

"Dapat Oo! Salamat sa mga sagot mo hah?! May pang-blackmail na ako. Hahaha..."

"Joy! Wag mo namang sabihin! Please lang."

"Oo na! Basta wag mong sasaktan ang Bestfriend ko!"

"Syempre naman!" :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Triangle(Tagalog Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon