nagising ako sa gitna ng kaguluhan at napaka init na lugar ng makarinig ako ng mga sigawan “TULONG!!!” “ANG HAPDI MAMA KOOOO!!” “AYOKO NA POOOO!!!” pinilit kong tumayo gamit ang mga nanghihina ko na binti at walang lakas na katawan nang makarinig ako ng tumatawag sa aking pangalan.
Ms. Ellaine! Ms. Ellaine!
Nagising ako sa gitna ng nagtatawanang mga kaklase ko habang dahan dahan minumulat ang aking pupungaypungay na mata “Ms. Ellaine! Tulog ka nanaman sa klase ko! Ano bang klaseng pagpupuyat ang ginagawa mo?! Come with me to the guidance office! Right now!” Bulyaw sa akin ni Ma’aM lopez habang suot ang kaniyang signature eye glass habang naka black lipstick na animo ay tignan mo palang bagsak ka na.Matapos ang isang napaka boring na araw sa school ay naisipan ko munang huminto sa isang lugawan. Mag isa lang ako at payapa na kumakain nang hindi ko sinasadyang marinig ang tatlong magkakaibigan na parehong mga binata na pinaguusapan ang tinatawag na “DEEPWEB” na intriga ako at pinakinggan sila.
“uy! Alam mo yung red room? May mga patayan daw dun na live!” medyo pabulong na sabi ng nasa gitna na animo ay na excite pa. Sumagot naman ang nasa kanan niya
“eh yung mga drug trade dun? Ang pagkakaalam ko may mga ganun din dun” medyo payabang na sagot niya sa isa habang ang isa naman ay tahimik lang na nakangiti sa dalawa nang magsalita “ano mga tol? Try natin? Maganda yun for sure! Total alam ko naman pasukin yun”Tuwang tuwa ako sa mga narinig ko at ayaw maalis sa aking isipan ang deepweb. Pagkauwi ay agad kong sinearch sa google kung paano ko mararating ang deepweb, dahil sa tulong ng mga youtube turtorials at ng aking kaibigang laptop ay nagawa ko ang aking maitim na balak.
Tuwang tuwa ko na pinanood ang mga taong tinotorture mga babaeng nirerape ng mga kalalakihan, pero kahit na alam ko sa sarili ko na babae ako ay wala akong naramdamang awa kahit kaunti para sa kanila. Hindi ko alam basta natutuwa lang ako sa mga gantong bagay gusto kong nakakakita ng mga ganto pero ayoko kapag ako na ang gagawa at lalo na kung ako ang pag gagawan. Dahil sa kuryosidad ay sinuyod ko pa ang deepweb hanggang sa narating ko ang site kung saan may mga drug trade at kung ano ano pang mga pakikipag palitan ng tao, droga, armas at napakarami pang iba ngunit napukaw ang atensyon ko ng may mag pop up sa screen ko at ang nakasulat ay “γιατί είσαι εδώ giatí eísai edó?” dahil sa pagtataka ay nag open ako ng bagong tab sa google at sinubukan kong alamin kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang iyon.
“why are you here?” natakot ako dahil sa mga naisip ko na pwedeng mangyari sa akin kapag nalaman nila kung saan at sino ako kaya naman dali dali kong inexit ang google at tinignan ang laptop ng ilang Segundo ng may mag pop up nanaman pero tagalog na “nakikita ka namin”
sa takot ay dali dali ko nang tinurn off ang laptop para hindi na muling Makita ang mga mensaheIlang araw na ang lumipas ng napaka bilis lang, hindi ko alam kung anong ginagawa ko sa school at sa bahay, hindi ko parin na open yung laptop ko pero hindi rin maalis sa isip ko yung mga mensahe lalo pa at simula ng mangyari yun ay halos araw araw nang feeling ko may sumusunod sa akin. Feeling ko may nakatingin sa akin. Tinatanong na rin ako ng mga teachers kung anong nangyayari sa akin hindi naman ako madalas bumaba sa mga scores ko lalo pa’t may maipagmamalaki naman ako pagdating sa mga grades ko pero sa bawat oras Segundo minuto na lumilipas pakiramdam ko may bigla nalang papatay sa akin o may susunggab sa akin na may hawak na kutsilyo. nabalitaan ko rin na may mga studyanteng nawawala galing sa school ko. Hindi ako friendly na tao at wala akong close sa school pero may tenga ako at gamit ang utak ko ay nagagawa kong alamin kung ano ang nangyayari sa paligid ko.
Medyo nakatulong din sa akin na kumalma kapag iniisip ko na nakamask ako nung nag dive ako sa deepweb. Sabi kasi sa ibang tutorials ay may mga hackers na kayang I connect ang pc nila at Makita ang mukha mo, the worst ay kaya nilang alamin ang tunay na IP address mo para malaman kung nasaang lupalop ka man naroroon at bilang safety measures ay nag mask ako at medyo iniharang ang buhok ko sa mukha para hindi gaanong Makita at dahil useless naman ang pagpatay ng ilaw dahil makikita parin ako sa liwanag ng laptop ay hinayaan ko na lamang na bukas ang ilaw.
Isang buwan na ang lumipas at tatlong istudyante na ang nawawala mula sa school hindi ko alam kung konektado ba ako sa kanila pero pakiramdam ko mayroon kaya naisip ko na mag imbestiga patungkol rito. Kinilala ko isa isa ang mga nawawala at inalam ang buhay
“Ma.Tricia Trevor, 17 female, at isang introvert” May kaya sa buhay ang pamilya at halatang nakukuha nito ang lahat ng naisin niya ang panglawang Nawala ay si
“Jose Vinal Montenegro, 16 Male at isa sa pinaka techy sa buong buong school" isa sa unique traits na mayroon siya ay ang mahabang buhok nito ang huli at ang pinaka bagong nawawala isang lingo palang ang nakalilipas ay si
“Shane cruz,18 hindi kagaya ng unang dalawa nakabilang siya sa hanay na kung tawagin ay scholar” Mahirap lamang pero isa sa mga pinaka magaling sa larangan ng pag program pumapangalawa kay Montenegro.Siniyasat ko ng Mabuti at inalam ang bawat sulok ng pangyayari bawat isa ay may pawang kaalaman pagdating sa computer, at ito ako na sinubukang mangialam sa hindi ko na dapat pinakikialaman pa.
Napagpasiyahan ko na gamitin muli ang laptop ko at tuluyang harapin ang takot, pagbukas ko ay may bumungad agad sa akin “show yourself or this three here will die” kasama ang pictures ng tatlong nawawalang istudyante habang nakatali at naka blindfold
“oh fuuuuuck! sabi na eh ako lang ang gusto nila, pero ano bang pakialam ko sa kanila? Mayaman naman sila kaya baka manghingi nalang sila ng ransom o kaya patayin di ko naman sila kilala kaya bahala na sila sa buhay nila” nararamdaman ko ang matinding kabog ng marealize ko na wala akong mask at lantaran akong humarap sa laptop nagpadagdag pa ng kabog ng may mag pop up
“KILALA KA NA NAMIN!”
Problemado,takot,kinakabahan, halo halong emosyon ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon kaya wala ako sa wisyong pumasok sa school kahit na alam kong ano mang oras ay maaari akong mamatay.
Nakatulala ako sa labas ng bintana mula sa 5th floor at iniisip kung paano nila ako papatayin nang makaramdam ako ng lindol at nakarinig ng pagsabog ng kung ano man. Kasabay nito ay ang biglaang tilapon ng bawat isa sa classroom sa kung saan saan, may nahulog mula sa bintana may mga nadaganan ng debris may mga walang malay nang magising ako sa napaka init na lugar ng makarinig ako ng mga sigawan
“TULONG!!!” “ANG HAPDI MAMA KOOOO!!” “AYOKO NA PO!!!”
pinilit kong tumayo gamit ang mga nanghihina ko na binti at walang lakas na katawan nang makarinig ako ng tumatawag sa aking pangalan “Ms.Ellaine Ms. Ellaine”
Muli ay ginising ako ni maam lopez mula sa aking pagkakahimbing pero this time hindi siya galit malumanay at walang halong pag bulyaw ang pag gising niya sa akin na akin namang ikinatuwa
Lumipas nanamang muli ang buong araw sa school pero hindi na boring dahil sa naiisip kong mamatay na ako ay nagmamadali akong umuwi para sana sulitin ang natitira kong oras.
pagka uwi ay tinawag ko agad sila mama at papa
"MA! PA! andito na po ako” pero kahit na anong sigaw ko ay hindi sila lumilingon
“MAMA!! PAPA!! ANDITO NA PO AKO!! YUNG ANAK NIYO PO!!” pero wala paring lumilingon pabalik kaya medyo nagtampo na ako at naiiyak kaya tumakbo na lamang ako papunta sa aking kwarto
“nasa bingit na nga ako ng kamatayan tapos ganiyan pa sila” habang umiiyak ay naisipan kong lumabas na muna upang mag muni muni at harapin ang katotohanan ng may madaanan akong tindahan ng mga TV. Nakita ko ang isang balita na nag pa gulantang sa akin “building sa isang School pinasubagan ng hindi pa matukoy na suspect” nanlumo pa ako lalo ng Makita na school ko iyon ipinakita sa balita ang pangalan ng mga nasawi sa pagsabog at awang awa ako para sa kanila lalo pa’t ako ang dahilan ng mga ito pero hindi ako makagalaw ng aking masulyapan ang pangalan ng mga kaklase ko na isa isang ipinakikita sa balita hanggang sa Makita ko ang pangalan ni maam lopez kasunod niyaon ay ang PANGALAN KO.
![](https://img.wattpad.com/cover/227546829-288-kb0d6c8.jpg)
BINABASA MO ANG
One Click [One Shot]
Mystery / Thrillerisang tanong na gugulo sayo, Buhay ka ba talaga? nakasisiguro ka ba sa sagot mong iyan?.