CHAPTER 4:

460 19 1
                                    

NAGLAKAD lang si V sa loob ng campus nang may nakita s'yang babaeng umiiyak. Nang makalapit s'ya ay umiiyak talaga ito. Huminga s'ya ng malalim at tinignan ang paligid, lahat ng estudyante ay nasa kanilang mga room kaya ano ang ginagawa neto?

"Did you cut your class?" Napatingin naman ito sa kanya, she is pretty and hell her eyes is too cute maputi at matangos ang ilong. She also have clear skin. Maganda..

"No, I didn't. I j-just wanted to breathe." Sabi neto habang pinupunasan ang tumutulong luha sa pisngi, nang hindi n'ya na makayanan ay binigyan n'ya ito ng panyo.

"Here. Use this." Tumango naman ito, umupo s'ya sa bench na katabi neto magkaharap naman sila."So, what are you doing here?"

"Well, it's a family problem. W-wala na akong magawa kaya umiyak na lang. Masyado akong mahina basta pamilya ang usapan." Mapait na ngiti ang pinakita neto sa kanya, huminga s'ya ng malalim.

"I will not going to ask more but as far as I know maaari kitang ilagay sa record ko for cutting your class. Please return to your room now and take good care. You can do it. Stay strong." Nakangiting sabi n'ya at tumayo na s'ya. Tinapik n'ya ang balikat neto at umalis na s'ya.

Tapos na ang klase n'ya kaya naman ay nag-ikot na s'ya sa loob ng campus. Lahat ng mga students dito ay mayayaman, napakamahal ng tuition dito. Masyadong arogante kaya ang ibang mga students spoil at mga masasama ang ugali.

"Did you always walk around in the middle of the class?" V look at the person behind him.

"Yes. This is my obligation in the first place, so if you cut your class please return now." Sabi n'ya at naglakad na paalis, pero sadyang pinaglihi ito sa kulit.

"I didn't cut my class, wala ang teacher namin." Malamig na sabi neto sa kanya, hindi na s'ya umimik."No wonder you are the President here, hindi ka lang pala matalino medyo kaya din palang labanan ang mga masasama ang ugali dito. That's good."

Tinignan n'ya ang lalaki. Sa pagkakaalam n'ya ang pangalan neto ay Suga. 'Yung lalaking malamig at hindi medyo nagsasalita, he is unbothered person kaya nagtataka s'ya kung bakit kinausap s'ya neto.

"Look, I don't know why are you talking to me. I need to go I have some things to do I am a busy person." Naglakad na talaga s'ya ng mabilis, pero napahinto s'ya nang may nakitang lalaki na nakahiga at napaupo ng dugo.

Kahit kalma s'ya ay hindi n'ya pa din maiwasang manginig everytime he saw blood. Hindi s'ya takot sa dugo sadyang ayaw n'ya lang sa kulay neto, he hates red pero hindi s'ya takot. Naglakad s'ya papalapit nang makita n'ya ang scene ay may dalawang lalaki na nakangisi sa harap ng binugbog.

"Rule number 3. If you bully someone it's either verbal or physical, you will face the Dean's office together with your parents. Sa nakikita ko ngayon ay hindi lang pisikal ang ginawa n'yo sa taong 'to, ano ang gusto n'yong maging parura? Kick out o expell?" Nakangising sabi n'ya sa dalawang maangas. Sininyasan naman n'ya ang lalaki na tumakbo at pumunta sa clinic.

"Napakayabang mo talaga Taehyung. President ka lang sa campus pero hindi ikaw ang makakadikta sa gagawin namin." Inis na sigaw neto sa kanya. Tumango naman s'ya habang ang kamay n'ya ay hawak pa din ang record, tinignan n'ya ang card neto.

"Lee Min and Hyungshik." Sinadya n'yang lakasan ang boses habang nagsusulat.

This two bastard.

NAPADAAN lang sila Jungkook nang may nakita silang dalawang lalaki na binugbog ang isang payat na lalaki, halatang nerd ang binugbog nila.

"Ano kaya kasalanan? Walanghiya talaga 'to si Phoenix. Lahat na lang ng mahihina ay papatulan. Leader nga naman talaga ng mga siraulo, kung ano ang myembro ganu'n din ang pinuno." Sabi naman ni Namjoon. Tumayo lang sila at tinignan ang tatlong lalaki.

"Siraulo din naman tayo pero hindi tayo nananakit ng mahihina." Natatawang sabi naman ni Hobi.

"Ang sikip ng uniform ko. Init-init pa!" Napatingin sila kay Yoongi na ngayon ay nasa tabi na nila, biglang nawala eh kaya di nila alam sa'n nagpunta.

Aakmang pupuntahan nila ang mga lalaki nang dumating ang President ng campus. Tinignan n'ya ang lalaki, kalma ang awra neto hindi mo makikitaang natatakot.

"Baka madamay si Mr. Kim malalaki pa naman ang katawan ng mga tanginang 'yan." Sabi naman ni Namjoon, they just shrug.

"Let's see what he can do bakit s'ya ang ginawang President ng campus nato." Nakangising sabi n'ya, he cross his arms and look at the interesting scene. Lumapit pa sila kaunti para marinig ang sinasabi neto.

"Lee Min and Hyungshik." Nilakasan neto ang boses, mas lalong nagalit ang dalawang lalaki. Makikita mong kahit galit na ang nasa harapan ay wala itong pake, nagsulat pa din ito habang ang isa namang lalaki ay tumakbo na sa clinic.

Aakmang sasapakin s'ya nung isa nang umiwas lang si Mr. Kim at nagsusulat pa din sa isang bond paper, tumatawa naman sila Hobi dahil sa galit ng dalawang lalaki.

"Napakaangas." Sabi naman ni Namjoon.

"Masyado kang mayabang Taehyung." Nakangising sabi nung isa. Malamig naman na tinignan naman neto ni Mr. Kim

"May ipagmamayabang naman." Nakangising dagdag neto pero maririnig mo ang malamig na boses neto.

"Wag ako ang hahamunin mo Taehyung baka uuwi kang wala ng mukha."

"Kayo ba naman ang kaharap. Hindi mawawala ang mukha ko Min kung nag-aalala ka. Alam mo kung bakit?" Lumapit naman ito sa dalawa at nakangising bumulong."Dahil bukod sa hindi ko ginamit ang buong lakas ko, napakahina n'yo."

Namula naman sa galit ang dalawa pero nang aakmang sisipain si Mr. Kim ay mabilis itong hinawakan ang dalawang kamay ng lalaki at binalian, napasigaw ang dalawa dahil sa sakit.

"Sa susunod na yayain nyo ako sa away, siguraduhin n'yong mas malakas ang kamao n'yo sa makakaya ko." Sabi neto habang tinali ang dalawang kamay ng dalawang lalaki at nilagyan ng panyo ang mga bibig nila para di na makasigaw.

"Tangina. Napakaangas talaga ni Mr. Kim!"

"Mas lalo akong naiinlove sa kanya!"

"Aaaaaa!!"

Kanya-kanya ang mga bulong ng mga babae, kinuha naman ang dalawa sa mga students at dinala sa Dean's office habang si Mr. Kim naman ay inayos ang uniform at huminga ito ng malalim.

"Damn. That was cool! Napakaangas nga talaga. No wonder why." Nakangising sabi ni Yoongi, nakita n'ya naman ang ngising hanga sa mukha neto.

"Anong maangas du'n? He will never reach my coolness. You will see." Nakangising sabi n'ya.

"Hindi 'yun maangas sa paningin mo? Sabagay hari ka nga pala ng kayabangan!" Aakmang babatukan n'ya si Namjoon nang nasa harap na si Mr. Kim

"Return to your classes now, leave before I will put you on my list." Malamig na sabi neto sa kanila at umalis na.

"Mahaba-habang away ang mapapasukan mo Kookoo ah?" Natatawang sabi ni Namjoon. Ngumisi naman s'ya.

"Let's see then."

A LOVE TO REMEMBER [COMPLETED]Where stories live. Discover now