CHAPTER 25: PROM

324 17 2
                                    

NAPANGITI s'ya sa salamin nang maayos na ang lahat sa kanya, from head to toe he literally found his self fixing everything just to look perfect. Hindi n'ya alam pero simula nung naging sila na ni Jungkook ay madalas s'yang napaaayos sa sarili. Napailing na lang s'ya at lumabas na ng kwarto n'ya.

Pumasok na s'ya sa loob ng kotse at pinaandar 'yun. He is excited kaya naman ay napabilis ang kanyang pagdrive. Nang makaabot na s'ya sa paaralan ay napatingin s'ya sa paligid ng gym. Maganda ang pagkaayos nu'n. Pati na din sa labas ng gym maganda talaga. Wala s'yang masabi doon.

Napaigtad s'ya nang may humawak sa bewang n'ya."What are you doing here babe? You look so fvcking elegant."

"Thank you. Hinintay ko kasi si Jimin eh. Nasa'n ang iba nating kaibigan?" Tanong n'ya kay Jungkook na nakahawak pa din sa bewang n'ya.

"I don't know either, come on let's find them." Naglakad sila at inakbayan naman s'ya ni Jungkook.

Madami silang nadaanan na mga kaibigan pero sila ay patuloy pa ding naghanap, iilang minuto na lang ay mag-uumpisa na ang kanilang sayaw kaya kailangan nilang bilisan. Kung bakit naman kasi late akong pumunta! Bwesit!

"Hey!" Napatingin s'ya sa gilid. It was Jin. Di pa kasi nakasuot ng maskara.

"Ganda ng ayos natin Jin ah! Nagmukha ka ng tao!" Natawa sila sa sinabi ni Hobi na nakasunod pala sa kanila. Napailing s'ya.

"Matagal na akong tao kaya nga sa sobrang perpekto ko napagkakamalang hindi. I am the world wide handsome you know?" Tumawa sila ng tumawa dahil sa sinabi neto.

"Wala na akong masabi sa kahanginan mo!" Inis na sabi ni Hobi habang inaayos ang mga damit."Antagal naman ng iba!"

"Kumalma ka, nandito na kami." Sabi ni Yoongi habang hawak ang kamay ni Jimin. Napangiti naman s'ya du'n.

"Kaya naman pala matagal eh. Anong ginawa n'yo?" Malisyosong tanong ni Jin sa kanilang dalawa. Binatukan naman ni Jimin si Jin.

"Di magandang pag-iisip 'yan!" Natawa na naman sila, masaya talaga kapag kasama nila ang kaibigan nila.

"Nasa'n na ba si Namjoon? S'ya na lang wala ah." Tanong n'ya sa kasamahan. Iilang minuto pa lang ay nakita na nilang naglalakad si Namjoon.

"Holy shit!" Hobi said while looking at Namjoon. He is freaking tall as always! That wide chest and broad shoulder and damn that dimple everytime he smile.

"Stop looking at him babe. I am fvcking jealous. Look at me." Napatingin s'ya kay Jungkook nang hawakan neto ang pisngi n'ya at pinaharap dito."I am handsome, yeah?"

"Oo na. Tss." Napangiti ito at hinalikan ang labi n'ya. Napailing s'ya at tinignan ang kaibigan.

"Wassup! Kamusta kayo?" Masayang bati ni Namjoon sa kanila. Tumango lang sila ni Jungkook kay Namjoon.

"Tanginang looks 'yan!" Sabi ni Jin habang nakatingin kay Namjoon.

"Yeah yeah. Ayoko ng ganito pero prom eh so walang magawa." Natawa sila dahil nakasimangot ulit ito. Weird.

"Ang gagwapo natin ngayon ah." Sabi ni Hobi habang inaayos ulit ang damit.

"Nakakailang ayos ka ng damit sa isang araw?" Tanong ni Yoongi kay Hobi. Natawa naman sila dahil nainis si Hobi dahil du'n.

"Students. Please proceed to your  lines now." Mabilis naman silang umayos at pumunta sa linya sa kung saan ang lugar nung nag practice sila.

Napatingin s'ya sa katabi na nakangiti sa kanya. He offer his hand. Rianna smile at her and of course he smile back. Wala naman s'yang maramdaman na kahit anong ilang. The music starts to play and they started dancing.

A LOVE TO REMEMBER [COMPLETED]Where stories live. Discover now