Prologue: Begin
Vote Goal: 5
Enjoy! Don't forget to follow, vote, comment, and share :)
~~~
ANONYMOUS
*ding
Naalimpungatan ako sa tunog na narinig, at sa kalagitnaan ng kulog, kidlat, malamig na simoy ng hangin at madilim na gabi ay labag sa loob kong kinuha ang cellphone.
Pupungay-pungay pa ang aking mga mata na nasilaw ng labis sa liwanag na nanggaling sa gadget ng buksan ko ito.
Napapikit ako nang masilaw.
Hindi rin naman nagtagal ay muli akong nakabawi, at kahit papano'y nakikini-kinita ko naman ang screen ng cellphone ko.
Tinitigan ko ang wallpaper ng lockscreen ko kung saan naka-display ang pagmumukha kong bungisngis at napakasaya.
Ginawa ko iyong wallpaper kasi sa tingin ko, ang cute ko doon. Mala-candid pa ang kuha ng larawan na iyon, kung saan may nasa likod ko ang isang magandang tanawin sa UST Botanical Garden.
Tinignan ko ang oras, 2: 07 a.m. Nasa ibaba nito ang isang notification. Isa itong text message na nanggaling sa isang anonymous number.
In-open ko na ang lockscreen ko gamit ang password ko na 0307, ang araw na nakilala ko siya.
Ang lalaking kahit hindi ko nakita o nakilalang lubos ay bumihag sa aking puso. I don't know why; I don't know how. All I know is that I want to see him. I want to find him.
And I'm going to find him.
Inalis ko na ang ibang mga iniisip at itinuon ang pansin sa ngayo'y nakaopen ko nang inbox. Patuloy lang ako sa pagdutdot sa aking cellphone.
Received 00: 49
From: +639*********
Gudeve, ito po ba si Miss AyyayayyayA? Yung author ng best-selling book na 'Just by Chance' na naghahanap sa lalaking Troy ang pangalan?
BINABASA MO ANG
Just by Chance
Novela JuvenilWe met totally just by chance. Just one night; just one site. As if all forces of the universe united to help me my her long lost half - you. And I'm hanging onto that promise you made till now... That someday we'll meet again... Perhaps, once again...