Chapter 1: Into the Enchanted

3 0 0
                                    

Sa paglipas ng mga taon, ang aming lungsod ay nakikipagsabayan sa pag-unlad ng iba pang kilalang lugar dito sa Pilipinas, ang Manila, Quezon, Pasig at iba pa, sa katunayan nga'y mas advance pa kami dahil sa aming mga kayamanan. May sarili kaming technology at machines na naimbento ng mga kapwa ko engkanto rin. Kahit na ipinagbawal ko ang paglabas at pagpapapasok rito sa lungsod ay nakikigaya parin kami sa mga tao. Sobrang taas ng ekonomiya dito kaya walang mahirap puro mga mayayaman lamang, malakas rin ang work force namin at hindi ko kinicontrol ang mga nasasakupan ko.

"President Elizabeth, may appointment po kayo kay Congressman Gueverra sa meeting room" inform saakin ng secretary ko.

"Ano? Meeting nanaman? Tapos may reklamo nanaman yang tandang yan? Lahat nalang ng actions ko may sabi yan" reklamo ko.

"Urgent daw po" natatakot na saakin ang secretary ko.

"Wala naman akong choice kung hindi pumunta, sige na umalis ka na" at umalis na siya kakasabi ko pa lamang.

Naglalakad na papunta sa meeting ngunit may narinig ako sa mga tauhan kong pinagchichismisan ako.

"Ang sungit lagi nyan"

"Pano, tumandang walang boyfriend"

Humarap ako sakanila.

"Hoy kayong dalawa? Wala ba kayong gawain para pagchismisan niyo ako?" pagtataray ko sakanila.

"Sorry po President Elizabeth, break po kasi naman ngayon"

"Anong break? Bumaba kayo sa groundfloor at umakyat kayo sa roofdeck 5 times." utos ko sakanila.

"Pero Miss Pres. 30 floor po ang building na to" reklamo nilang dalawa. Naku!! nakakagigil talaga.

"NOWWWW!!!" sigaw ko nang matakot naman sila at tinuloy ko na muli ang paglalakad ko papunta sa meeting.

Walang pang ilang saglit ay may nagsalita na sa likod ko, si Dianna pala na aking kapatid.

"Kumalma ka President! Baka ma-highblood ka"

"Huh? Anong highblood? Di tayo nagkakaganon Dianna. Patawa ka masyado" sabi ko sakaniya at tumawa kaming dalawa.

***

POV
Apollo

"Ano na Apollo! Marunong ka ba talaga tumingin ng mapa?" sarcastic sa sinabi saakin ni Kace na aking kasama sa hiking along with Damian and Luke.

"Wait ka lang kase dude! I've done this before at makakarating din tayo sa Hidden City in no time, at makakapagshoot na tayo" confident kong sinabi sakanya habang humihingal.

"Pagtayo hindi naka uno neto, masasapok ko prof naten! HAHAHAHAHAHA" joke ni Luke.

"Uppercat dapat dude! HAHAHAHAHAHAH" dagdag ni Damian sa joke ni Luke.

"Teka pano ba natin mahahanap yang "Hidden City" kuno na yan kung "Hidden" nga?" tanong muli ni Kace, daming tanong niyan palibhasa nerd!

"H-hindi ko alam basta malay nyo pagnakita naten eh worth it at instagram worthy pa!" explain ko sakanila.

"You better not fuck it up bro!" sabi ni Kace at nagsitawanan kami.

Tatlong oras na kaming naglalakad kaya napagdesisyonan naming magpahinga muna sa falls na natagpuan namin.

"Tara ligo!" aya ni Luke saamin at nagtampisaw na agad siya sa falls kaya nagsihubaran nalang rin kami at tumakbo papunta sakanya. Enjoy na enjoy namin ang falls pero eto namang si Damian aya ng aya na picturan daw namin siya para may maipost siya sa IG.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Into The EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon