1

35 0 0
                                    

Albana

Bigla na lamang akong nagising sa isang mahimbing na pagkakatulog ng makarinig ako ng paulit-ulit na paghampas ng matigas na bakal. Nadatnan ko ang sarili ko sa loob ng isang madilim na selda habang iniinda ang sakit sa nakabenda kong leeg.

Napa-angat ako ng tingin ng mapansin kong may dalawang guwardiya sibil ang nakatayo sa labas habang may mga rehas sa gitna namin. Ang rehas na ito ang ebidensiya na nasa selda na nga talaga ako.

Bakit hindi na lamang nila ako pinatay ng direkta noong nahuli nila akong tumatakas? Ano iyon, patikim lamang ng kamatayan?

Masyadong marumi talaga kung maglaro ang gobyerno nang bayan ko, ang Danya. Kung may pagkakataon lang talaga akong patayin silang lahat ay gagawin at gagawin ko iyon ng walang sinasayang na oras. Nangangati na ang mga kamay kong patayin sila. Ngunit, hindi ko kaya. Ano pa ang pinagkaiba ko sa mga alagad ng gobyerno kung pareho naman ang takbo ng utak namin na ang pagpatay ng mga tao ang magiging solusyon sa hindi magandang pagkakaunawaan? Wala rin.

"Magsisimula na po ang interrogasyon." Saad ng isang guwardiya sibil.

Napakunot ako ng noo. Interrogayon? Kailan pa nagkaroon ng interrogasyon ang gobyerno ng Danya? At kung totoo man, ano ang gusto nilang itanong sa akin? Kung paano ako naging mahirap? Kung paano ako naulila? Kung paano ako umiyak ng inalis nila ang karapatan ko sa edukasyon? Iyon ba ang gusto nilang itanong sa akin?

Kung tutuosin, sila dapat ang kailangan kong tanungin kung paano nila nagagawang isikmura sa mga kukote nila ang pagtaksil sa katungkulan sa bayan.

Sila ang dahilan ng pagbaba ng ekonomiya ng Danya. Sila ang may kasalanan dahil lahat ng pondo na nanggaling sa paghihirap ng mga tao ay binubulsa nila, at ang iba naman ay napupunta sa sentrong lugar lamang ng Danya. Kung hindi nila iyon ginawa, sana mataas na ngayon ang porsyento ng ekonomiya namin at sana hindi na kami yung bukas-palad na tumatanggap ng kahirapan.

Binuksan ng mga guwardiya sibil ang selda at agad-agad akong linagyan ng posas sa mga kamay. Kinaladkad nila ako palabas at ipinasok sa isang eksklusibong kwarto. Mayroong isang lamesa sa gitna nito at dalawang upuan sa magkabila. Napansin ko rin ang mga salamin sa bawat sulok ng kwarto, isang ebidensiya na may nanonood sa akin ngayon.

Napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito at bumungad sa akin ang isang may edad nang lalaki. Nakasuot ito ng uniporme kagaya ng dalawang guwardiya sibil na nagdala sa akin sa kwartong ito, ang pinagkaiba lamang nito ay ang suot na mga medalya sa gilid ng uniporme niya.

Biglang nanginig at nanghina ang mga tuhod ko ng dumikit ang mga mata ko sa dalang folder ng matandang lalaki. Napakurap-kurap pa ako at agad na tinitigan ulit ang folder. Impossible, tiyak na nagkakamali lamang ako. Pero, klaradong klarado ang sagisag ng isang bayan na kinamumuhian ko.

Ang bayan ng Albana.

Paanong nasa Albana ako ngayon? Ang buong akala ko ay nasa loob ako ng selda ng Danya.

"Makinig ka!"

"Oo, nakikinig ako. Ang sabi mo nga po, halos tatlong oras ako maglalakad bago makarating sa bayan ng Chiree. Alam ko naman kung paano pumunta ng Chiree, ah? Bakit kailangan mo pang ipaliwanag?" Naiirita kong paliwanag sa kanya.

"Oh, 'di ba? Hindi ka nakikinig, e!" Sabay bato niya sa akin ng balat ng saging na agad ko namang binato pabalik sa kanya. "Pinapaliwanag ko sa'yo yung mas madaling daan. Sa gubat ka dadaan, maliwanag?"

Tumango na lamang ako kay Aero bilang pagsang-ayon kahit hindi ko naman talaga naintindihan. Humalakhak ito ng makita ang mukha kong hindi maipinta dahil sa iritasyon ko sa kanya. Napailing na lamang ako 'tska tumayo ng mas lalo akong nainis sa kanya habang siya naman ay naging abala na sa pagliligpit ng pinagkainan namin na nakalapag sa damuhan.

Swallowed by the Sun (Laverde Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon