🔯Chapter Four🔯

0 0 0
                                    

Narinig ni Jinjing ang boses ni Xiaosheng kaya nagpalinga-linga siya. Nakita niya si Xiaosheng at ang leyon.

"Xiaosheng."bigkas niya at agad siyang naglabas ng ilaw.

Ilang sandali pa ay bumalik na sa normal ang mga hayop. Lumipad si Jinjing papunta kay Xiaosheng.

"Xiaosheng."bigkas ni Jinjing.

"Jinjing!"sigaw ni Xiaosheng at tumayo tsaka lumapit kay Jinjing.

Pumikit saglit si Jinjing at agad na umalis ang mga hayop.
"Humihingi ako ng paumanhin dahil sa inasal ng mga hayop."sabi ni Jinjing.

"Ano bang nangyari? Bakit naging mabangis sila?"tanong ni Xiaosheng.

"Hindi ko batid ang nangyari sa kanila. Pero may hinala ako na may kumontrol sa kanila, at kailangan kong alamin yun."sagot ni Jinjing.

"Mag-ingat ka. Aalis na ako."sabi pa ni Xiaosheng at pinulot ang espada niya.

"Ikaw rin Xiaosheng. Matatakutin ka pa naman."nakangiting sabi ni Jinjing at lumipad na palayo.

Nakangiting umalis si Xiaosheng at bumalik na sa palasyo. Pumunta naman si Jinjing sa gubat. May nakita siyang isang lalaki na nakatayo at nakatalikod ito sa kanya.

Binilisan ni Jinjing ang kilos niya sabay labas ng espada niya at tinutok ito sa lalaki.

"Sino ka?"tanong ni Jinjing.
"Magaling ba ang ginawa ko Dyosa?"tanong ng lalaki pabalik.

"Ikaw pala ang may gawa nun sa mga hayop."sabi ni Jinjing.

Ang isa niyang espada ay naging parang pamaypay pero hindi ito ordinaryong pamaypay lamang. Matutulis ito na parang mga espada din.

"Kaya kitang paslangin ngayon din. Sabihin mo sa'kin kung sino ang nag-utos sa'yo na gawin yun."sabi ni Jinjing.

"Malapit ka ng bumagsak Dyosa. Maghanda ka na."sabi ng lalaki at bigla nalang niyang sinaksak ang dibdib niya na siyang kinasawi niya.

Nagulat naman si Jinjing dahil sa ginawa ng lalaki. Umalis na si Jinjing at bumalik na siya sa bahay niya.

Habang kay Xiaosheng naman, kumakain siya ng pananghalian kasama ang iba pang mga kawal. Pagkatapos nilang kumain ay bumalik na sila sa pagbabantay.

"Kawal, pinapatawag ka ni Prinsipe Huang Jian."sabi ng isa pang kawal.

"Ako?"tanong ni Xiaosheng at tinuro pa ang sarili niya.

Hindi na sumagot ang isa pang kawal at naglakad na ito kaya sumunod na rin si Xiaosheng.

Pumunta sila sa silid ni Huang Jian. Agad na pumasok si Xiaosheng at nagbigay galang.

"Pinatawag niyo daw po ako kamahalan."sabi ni Xiaosheng.

"Gusto kong ikaw ang magiging personal na kawal ko. Payag ka ba?"sagot at tanong ni Huang Jian.

"Ako po? Pero kakapasok ko pa lamang bilang isang kawal."sagot naman ni Xiaosheng.

"Alam kong magiging mahusay kang kawal at nagtitiwala ako sa iyo."sabi ni Huang Jian.

"Payag ka bang maging personal na kawal ko?"tanong ulit ni Huang Jian.

"Opo kamahalan. Isang karangalan po ang maging personal niyong kawal."nakayukong sabi ni Xiaosheng.

"Kung ganun, masaya ako at pumayag ka."nakangiting sabi ni Huang Jian.

"Uh--- kamahalan, maaari ba akong umuwi muna saglit? Ibabalita ko lang po sa aking ina ang lahat."sabi pa ni Xiaosheng.

Undying LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon