"Jinjing!"sigaw ni Xiaosheng.
"Jinjing? Sinong Jinjing?"tanong ni Chunhua.
Tiningnan ni Xiaosheng si Jinjing at nakita niya itong nakakuyom ang kamay at para siyang pinagtatangkaan.
"Uh--- J--Jinjing yung babaeng kapangalan ng aso ko."sagot ni Xiaosheng.
"Aso?!"pasigaw na tanong ni Jinjing.
"Bakit mo naman nabanggit ang ngalan niya?"tanong ulit ni Chunhua.
"Uh--- may nakita kasi akong aso na kamukha ni Jinjing. Kaya naalala ko siya. Pumanaw na kasi ang aso ko."sagot ni Xiaosheng.
"Aso talaga huh? Lagot ka talaga sa'kin mamaya."sabi ni Jinjing.
"Xiaosheng, maaari mo ba akong ipasyal sa buong bayan?"tanong ni Chunhua.
"Kinagagalak ko pong gawin yun."nakangiting sabi ni Xiaosheng.
"Magbibihis lang ako. Hintayin mo ako huh."nakangiting sabi ni Chunhua at umalis na.
"Ipapasyal mo siya?"tanong ni Jinjing.
"Oo. Anong meron dun?"sagot at tanong ni Xiaosheng.
"Ang daya mo. Ipapasyal mo siya tapos ako na una mong nakilala--- ni hindi mo man lang pinasyal. Eh hindi nga siguro ako makakapasok sa bahay mo kung hindi ako mismo ang sumama sa'yo eh."nakangusong sabi ni Jinjing.
"Bakit? Sinabi mo ba na ipasyal kita?"tanong ni Xiaosheng.
"Kailangan pa ba yun? Babae talaga ang mag-yayaya?"tanong ni Jinjing pabalik.
"Eh baka kapag niyaya kita--- ayaw mo. Kaya wag nalang, ayokong mapahiya noh."sabi ni Xiaosheng.
"Ang torpe mo talaga."sabi ni Jinjing at napailing nalang.
"Sasama ka ba?"tanong ni Xiaosheng.
"Syempre sasama ako. Babantayan ko kayong dalawa."sagot ni Jinjing.
"Sige. Pero wag kang pasaway."sabi naman ni Xiaosheng.
"Hindi ko maipapangako yan."sabi ni Jinjing.
Magsasalita pa sana si Xiaosheng kaso...
"Tayo na Xiaosheng."yaya ni Chunhua kay Xiaosheng.
Ngumiti lang si Xiaosheng at sumunod na kay Chunhua. Lumabas na sila ng palasyo at nagsimula ng mamasyal. Nasa gitna ni Jinjing at Chunhua si Xiaosheng.
"Ang saya. Walang nakakakilala sa'kin dito kaya malaya akong makakapamasyal."nakangiting sabi ni Chunhua.
"Ngayon ka lang ba nakapunta dito?"tanong ni Xiaosheng.
"Nakapunta na ako dito noong bata pa ako. Ngayon lang ako nakabalik."sagot naman ni Chunhua.
"Nakakainis talaga ang ngiti niya sa'yo."sabi ni Jinjing.
Inirapan lang siya ni Xiaosheng.
"Wag mo nga akong irapan. Pag ako nainis, dudukutin ko talaga yang mata mo."naiinis na sabi ni Jinjing."Xiaosheng, matagal ka na bang naninilbihan sa palasyo?"tanong ni Chunhua.
"Sa totoo lang, kahapon pa ako nagsimulang manilbihan sa palasyo bilang isang kawal."sagot ni Xiaosheng.
"Di ba dapat ibang kawal ang dapat kasama ni Chunhua. Kahapon ka palang naging kawal. Hindi dapat pinagkakatiwalaan ng isang mayaman ang BAGUHANG kawal."saad ni Jinjing.
BINABASA MO ANG
Undying Love
RandomA woman who is being reincarnated, but she's not just any woman, she's an immortal. When she is reincarnated, she met a man. A man that will change her life once again.