Chapter 2

46 1 0
                                    


“Hanap ka nalang ng mauupuan natin, ako na ang bibili”, mungkahi ni Kian na agad namang lumakad patungo sa nakahilerang mga food stalls.

Sabay buntong hininga ko na animo’y natanggalan ng malaking tinik sa dibdib. 'Yung bente minutos sa taxi na ata ang pinaka matagal akong nanigas at ‘di mapakali. Hindi ko na babanggitin 'yung nakakahiyang ginawa ko kanina, ang tanga lang talaga. Ikinalulugod ko naman ang pagpupunyayagi niyang pagaanin ang sitwasyon kahit na ang kokorni na ng mga biro niya.

Biyernes nga pala ngayon kaya pala ang daming tao. Inikot ko ulit ang kainan ngunit wala talaga akong makitang bakanteng upuan.

Nang biglang may sumundot sa aking kilikili,

“Sa’n na tayo pupuwesto?”

“Uhm walang bakante pa eh” nahihiyang pagsagot ko.

“Eto hawakan mo ‘to ako na maghahanap”, saka bigay sa'kin ng binili niyang pagkain.

INUTIL 'yan lang ang nasabi ko sa sarili ko. ‘Di  naman talaga ako ganito, itinuturing ko nga ang sarili ko na efficient and attentive eh. Pero ewan ko ba ba’t nawawala ako sa sarili ko ngayon.

Hindi katalagalan ay binalikan agad ako ni Kian at tinuro ang bakanteng lamesa na nilaan niya para sa’min. Mauna nalang daw ko dun at may kukunin pa siyang inumin namin.

Inilatag ko ang mga pagkaing binili niya. May tuna panga, baked scallops, lechon belly at spare ribs- na pakay ko talaga sa pagpunta rito. Sabik na sabik na akong tikman silang lahat ngunit pinipigilan ko talaga ang gutom ko. Siya pa ‘yung bumili at siya na rin ang nakahanap ng puwesto namin tapos ‘di ko pa siya kayang hintayin? “Ang sama ko nalang talaga”, bulong ko sa sarili.

Tagal naman kasi eh, sumisigaw na ang mga pagkain, ‘yung usok mula sa bagong haing scallops ay parang nag-aanyaya na magpapatikim na sila. Tumingin ako sa paligilid  umaasang wala akong kahit konting maaninag na anino ni Kian. At sa kabutihang palad wala naman, kaya mabilisan kong ngatain ang laman ng kabibe. Hindi ko akalain na labis pa pala ito sa init kaya naman ay nagmukha tuloy akong dragong napaso sa sariling apoy. Sa di kalayuan ay natatanaw ko na si Kian na may dala-dalang mango shake.

Para bang himinto ang oras at dahan-dahang papalapit siyang naglalakad patungo sa kinauupuan ko. May ibang indayog ang nakahati niyang buhok na komplemyento sa hugis ng kanyang mukha. Mataas pala ang mokong na ‘to, nasa 5’8” siguro ang tangkad niya. Kung sa malayuan kahawig niya pala si Tony Labrusca pero mas maputi na bersyon.

Agad ko namang inalis ang aking pansin sa kanya at dali-daling nilunok ang scallop sa bibig ko upang ‘di niya mapansin.

“Nahiya ka pa, may cheese pa sa bibig mo oh!

Tssk, ‘di talaga niya ko nahintay”, paghumumaling niya.

Binilogan ko nalang ang mata ko at sinamahan ng nakakahumaling kong ngiti- klasikong pagpapa-cute na alam ko, may dimples kaya ako.

“Pa’no mo pala nalamang ito 'yung gusto kong kainin?” sabay sundot ng tinidor ko sa nakakatakam na spare ribs.

“I’m a stalker. HAHAHA

Nakita ko 'yan sa IG stories mo nung lunes, gwapo ng stalker mo ano?”

-mapaglaro niyang sagot habang malikot niyang tinataas ang kaliwang kilay niya sa’kin.

“Gwapo my ass!” pandidiri kong tugon.

“Ano ba Vince, first date palang natin 'to, and now you’re offering your ass to me already? Have some respect!” sabay bunyag ng malaki niyang tawa.

HAHAHAHA

“Baliw!!! Asa ka pa!” -saka ko agad sinuntok ang balikat niya.

Nangangalahati palang akong kumakain nang bigla siyang napatanong,

“I hope you don’t mind me asking, pero ano ka ba talaga?”

“What do you mean ano ako?” ‘di maitatanggi ng mukha ko ang pagkalito.

“What’s your gender? What’s your preference?

Sinabihan na kita kahapon na I like you,

By that you can deduce that I’m definitely not straight.

And I’ve only been in a relationship with guys.

So yeah I label myself as gay” mahinahon niyang dagdag.

Hinayaan ko munang mabaon sa isip ko ang tanong niya bago ako ngumiti at mapabigkas ng katagang...

“I am really not the person who is good in labeling genders like that,

I believe love is love though and that gender is fluid,

I hope nasagot niyan ang tanong mo”

“Exactly what I wanted to hear” tugon niya habang tumatango at pagkatapos ay kinagat na ulit ang malaking tuna panga sa isang lamunan

Limang lamesa ang layo sa likoran niya ay may bahagya akong nakitang lalaki na aniya’y nag sa-sign language.

Oh f*ck may nakakakita sa’ming magkasama!

Si Tommy pala, moreno, may kataasan rin, sabi nila kamukha niya raw si Jerome Ponce, para sa’kin 'di naman, ang layo nga eh.

Hanggang ngayon ay tinutukoy ko parin ang ginagalaw ng mga kamay ni Tommy. Tinuturo niya ako at tinuturo niya rin si Kian, tapos pinapatong niya ang dalawang hintuturo niya sa isa’t isa. Ano kaya ‘yun?

The HELL NOOOOO!

Sabay kaway ng kamay ko na sinesenyas na HINDI kami nagde-date!
Nakita ito ni vince kaya tumalikod siya at hinahanap kung saan ako nakikipag-usap.

“Sino ‘yun?” tanong niya.

“Aaah si Tommy, classmate ko. Binibiro niya tayo”

Ngumiti si Kian at humarap sa direkson ni Tommy sabay humantad sa kanyang hinlalaki na naka thumbs-up.

Itinaas ko nalang ang kutsara ko na akmang tatapikin sana siya sa ulo, ngunit nakailag ang abnoy. Loko talaga.

Nakikita ko ang paghalakhak sa tawa ni Tommy sa kalayuan. Tumango nalang ako at nag hand gesture ng “Goodbye” bilang pagtugon sa kanyang pagkaway senyalis ng kanyang magalang na pagkumpas upang umalis.

“May witnesss na tayo sa first date natin” pabulong ni Kian.

“Baliw!” pagsusungit ko.

“Akin na pala 'yung survey mo, tatapusin ko lang yamang tapos nakong kumain”

“Ikaw kasi, kung ‘di kapa kinilig sa'kin kanina, ‘di sana ay natapos mo na ‘yan” pilyo niyang ganti.

Ang FEELER talaga. Akala mo kung sinong kagwapohan, may sauce pa naman sa pisngi.

“May ano ka pala..... Diyan oohhh.... Hindi... Sa kanan....” patuturo ko sa dumi niya sa mukha.

“Saan ba?”

“Diyan ohhhh!”

“Sa’n?”

Kinuha ko nalang ang tisyu at ako na ang pumunas sa may pisngi at labi niya.

Himinto lang siya at dahan dahang inilantad ang malaswa niyang ngisi,

“Alam ko naman talaga kung saan, gusto ko lang na ikaw ‘yung kumuha”

Kaagad kong tinapon sa mukha niya ang ginamit kong tisyo,

“Loko ka talaga”.

HAHAHAHA

“Bilisan mo na nga ‘jan, malapit nakong matapos sa sinasasagutan ko”.


To be continued . . .

Let Me Let You GoWhere stories live. Discover now