Ala singko ng madaling araw ng magising ako kaya hindi pa tanaw ang sikat arangw sa lugar.Hindi padin ako tumatayo sa aking pagkakaupo sa hinigaan, nakatulala na parang ewan.
Ibinaling ko ang aking pares ng mata sa katabi sa pagtulog, at ito ay walang iba kundi ang bunsong babaeng kapatid.
Mahimbing parin ang tulog nito maging ang mga tao sa paligid.
Pero nang sulyapan ko sa bahagi kung saan natulog kagabi ang amang ay wala na ito.
Lagi maagang nagigising ang amang, aalis at pupuntang bayan upang magtawag muli.
Marami kasing sumasakay ng gantong oras upang pumasok sa kani-kanilang trabaho at paaralan.
Nang hindi nakita ang amang tumayo ako at nag unat-unat, tumunog ang ibang bahagi ng ang buto, na nanakit ang likurang bahagi dahil sa tigas ng sahig na pinagtulugan na nilagyan lang nang karton para hindi masyadong malamig.
Sumilip ako sa kwarto titingnan ko kung gising na ang aking pamangkin, dahan-dahan sa paghakbang, ng makitang mahimbing din ang tulog umalis na rin ako baka maputol ang tulog nito ng dahilan lang sa aking pagtingin.
Naglakad ako papunta sa maliit na kusina, kung matatawag paba itong kusina.
Napag alaman ko ring umalis ang amang ng walang laman ng tiyan. Naaawa ako rito, hindi kasi nito iniisip ang kalusugan, iniisip na mas mabuting makakain kami kahit siya ay hindi.
Humahanga ako sa sakripisyong kanyang tinataglay para sa aming pamilya, kumakayod ng walang kapaguran, kaya gusto ko balang araw makatapos ng pag aaral at pag nakahanap nang magandang trabaho ay hindi ko ito hahayaang magtrabaho muli.
Hinugasan ko na ang bigas, matapos ay inilagay ko na ito para maluto.
Ganito ang gawain ko araw-araw, ako ang nagsisilbing tagaluto ng mga ito. Hindi ko hinahayaan ang inang na sya ang gumawa ng ganto, dahil sa simpleng gawaing ito makakatulong na ako.
Alam ko ring pagod ang mga katawan nila galing sa trabaho para may maipang tustos sa mga anak, pangbili ng gatas, daiper at kung anu-ano pang kinakailangan.
Matapos makitang luto na ang sinaing, inihanda ko narin ang mga plato.
Marahan kong ginising ang mga kapatid maging si inang.
" Inang gising na po, nakahanda na po ang pagkain " Una ko itong ginising bago ang mga katabi nito matapos ay sa kwarto dumeritso.
Hindi parin ako kumakain dahil inaantay ko ang mga ito, gusto ko na sabay-sabay kaming kumakain kahit sa konting pagkaing pinaghahatian.
Matapos kumain inihanda ang pangpaligo ko sana ng may biglang hirit
" Josefina ako muna maliligo, gagamitin ko na itong tubig na kinuha mo ah " Kahit gusto kong sabihin kumuha ito ng para sa kanya, ay hindi ko na ginawa.
" Sige po te " Pagpayag ko, kung kanina'y masakit na ang aking likod ngayon ay lalong dumoble dahil sa pag iigib papuntang banyo.
Banyong pinagtagpi tagping kahoy at yero. Madali ka lang din masisilip sa tuwing may plano kang maligo ngunit wala naman gumagawa ng ganon.
Ng matapos ito nag igib akong muli, isinara ang pintuang yari sa yero at nag umpisang maligo.
Matapos makapag bihis sa kwarto, hindi ko na naabutan ang inang maging si Maricel ang magiging katulong nito sa paglalaba sa kabilang baryo.
Si Maricel ay pangalawa sa bunso.
Nakita kong nakahiga muli ang kapatid sa karton
Kung payat na ako, ito dumoble pa.
Lumapit ako rito at hinalikan ang noo, tulog ito kaya hindi nito napansin ang aking ginawa.
Lumabas na akong ng bahay at nagumpisang maglakad papunta sa bahay ni aling Sussi. May shortcut papunta sa kanila kaya mapapadali ang aking pag lalakad.
Hindi ito mahirap maging hindi rin mayaman, masasabi kong may kaya ito sa buhay, may tatlo itong mga anak pawang mga babae, ang panganay ay nakapagtapos at nagtatrabaho sa ibang bansa habang ang dalawa ay patuloy parin sa pag aaral sa kolehiyo, dalawang taon lamang ang pagitan ng dalawa.
Nakarating ako sa tapat ng kanilang bahay, alas nyuwebe na ng marating ko ito. Sumigaw ako ng
" ALING SUSSI NARITO NA PO AKO " Pagbubulabog ko sa tahimik nilang bahay.
" Ay ineng andyan kana pala, parne ka't pumasok. " Mabait ito hindi tulad ng kanyang dalawang anak. Kahit mahirap kami hindi nito kami tinuturing na kabilang doon.
Si Aling Sussi lang ang tao sa loob dahil ang dalawa niyang anak ay pumasok.
May inggit akong nararamdaman sa kanilang buhay sapagkat alam kong ang pamamaraan nang buhay ay hindi magkakatulad.
May naturang sadyang mayaman, may umaangat sa hirap dahil sa kasipagan at meron ding umangat sa buhay dahil nakapag asawa nang mayaman.
What if pag laki ko hanap na lang ako sugar daddy para no need mag work? Kimmy.
" Kumain kana ba Josefina? Parne ka at saluhan mo ko. " Magiliw ang pag aalok nito sa akin, pero dahil kumain na ako, tinanggihan ko ito.
" Nakakain na po ako sa amin, salamat po. " Magiliw ko ring pahayag.
" Ay sya halika sasamahan kita sa likod, doon ka na lang maglaba. " Iginaya na ako nito sa kanilang likod bahay. Ipinakita ang lalabhan, hindi ito karamihan, siguro magiging mabilis ang paglalaba ko dito pag nagkataon.
Matagal na kami nitong labandera hindi ito kumukuha ng iba, sabi nito kahit sa ganoong paraan ay makakatulong ito samin.
May washing machine naman sila kaya hindi ako mahihirapang mag kusot ng mga damit.
Hiniwalay ko ang dekolor sa puti, nag umpisa ako sa puti ng matapos ay isinunod ko naman ang mga may kulay.
Isinampay ko rin ito matapos. Mag a alas dos na ng hapon nang ako'y matapos hindi naman ako masyadong nahirapan.
Iginaya ako muli nito sa loob upang kumain, Naiisip siguro nito na hindi pa ako kumakain ng tanghalin dahil kanina'y umalis ito upang mamalengke at ngayon lamang dumating.
Nang makaupo sa upuan, nahihiya man ako ay pinansatabi kona lamang iyon, Kumakalam narin kasi ang sikmura ko.
Natakam ako sa ulam nitong hinanda, nag usap rin kami tungkol sa aking ina, tinanong kung ayos lang kami, sinabi ko ring mabuti ang lagay namin kahit naghihirap sa buhay.
" Ay muntik ko na ng makalimutan Josefina gusto mo ng pagkakakitaan? " Pumintig ang aking mga tenga sa narinig, nangunot ang mga kilay at malapit ng magpantay.
" Ano po bang klaseng trabaho yan Aling Sussi? " Kinakain ako ng kuryosidad habang nagtatanong, nagbabakasakaling maging daan ito upang maipagpatuloy ko ang aking pagpasok sa paaralan.
Itutuloy...
Don't forget to follow me and VOTE if you like this Chapter. Thank you. ❤
BINABASA MO ANG
His Obsession [COMPLETED]
Roman d'amourIN PROCESS OF EDITING. R-18 Andrada Series #1 Narito ako sa ilalim ng kama nakadapa nakatingin sa maliit na siwang ng pintuan ng aming kwarto para magtago, nanginginig ang buong katawan at namamawis dahil sa takot hindi ako gumawa ng anumang galaw...