Unspoken Love [One Shot]

13 3 1
                                    

"Bro! Kamusta! Finally naging present ka rin sa reunion natin!" Bati sa akin ng isa sa mga naging kabarkada ko noong college.

"Iba na talaga kapag umaasenso, ang ginhawa siguro ng buhay mo sa ibang bansa, pero aminin mo mas masaya parin sa pinas!" Biro nito ngunit nasa iba ang atensyon ko.

Andito kaya siya?

Ayos lang kaya siya?

Galit pa rin ba siya?

Napatawad niya na ba ako?

"Ballita ko bro ikakasal ka na!"
Sa babaeng hindi ko naman mahal. Gusto kong sabihin iyon ngunit mas pinili ko na lamang manahimik. Wala na rin naman akong magagawa.

"Oo bro! Actually kaya ako nandito para imbitahan kayong lahat sa kasal ko." Tugon ko at sinuyod muli ang paligid, umaasang makita muli ang babaeng minahal ko ng lubos pero pinili kong iwanan at saktan.

"Tamang-tama! Kumpleto tayo!"

Agad akong napa ngiti nang marinig iyon. She's here! "That's good!" 'Yon na lamang ang na I sagot sabay tapik sa balikat nito para mag paalam.

Nagkaroon kami ng relasyon ngunit palihim lang, walang nakaka alam na naging kami. Lihim na saya, lihim na kilig, at iba pang mga pangyayaring kaming dalawa lang ang nakaka alam. Hanggang sa mag hiwalay kami at iwanan ko siya rito sa Pilipinas ay nanatiling lihim ang lahat sa kadahilanang bawal siyang makipag relasyon hanggat nag-aaral pa.

Napa hinto ako nang makita ko na siya, hindi pa man ako lumalapit ay pansin ko na ang malaking pagbabago sa kaniya.

"Hey! Kamusta?" Nahihiya kong tanong. Makikita ang gulat sa reaksyon niya. "Its been 5 years, kamusta ka naman?" Tanong kong muli, pilit itong ngumiti pero hindi ako matignan sa mata. Aaminin kong hindi maganda ang huling pag-uusap namin. Nakikipag balikan siya noon at nakiusap na pakinggan ko siya ngunit hindi na ako pumayag pa dahil buo na ang desisyon ko noong umalis.

"I'm sorry." Bulong ko na tama lang para marinig niya. Nag angat ito ng tingin na agad sinalubong ng aking mga mata. Malungkot siyang ngumiti, ang mga mata ay maraming sinasabi, para itong mag isandaang tanong na libo-libong luha ang kapalit kapag nalaman na ang bawat sagot. Ni pag kurap nito ay may iba't ibang kahulugan na iisa lang ang pinupunto kundi sakit.

"Sana napatawad mo na ako-" Hindi ko na natapos ang sasabihin nang biglang niyang hawakan ang balikat ko at ngumiti. Ngiti na kay tagal kong hindi nakita, ngiti na noon ay kayang pagalingin lahat ng sugat ko, ngiti na kayang lutasin lahat ng problemang iniisip ko, ngiti na noon ay sinira ko. Dahan-dahan siyang tumango kasabay ng isang patak ng luhang nagsasabing kahit gaano pa ka sakit, handa akong patawarin ka, matagal na kitang napatawad. Ngunit magsasalita pa lamang ako ay agad na itong tumalikod at umalis.

Bakit parang may mali? Hindi ko alam pero may parte sa akin na nagsasabing huwag ko na siyang sundan.

"Nakausap mo siya?" Napa lingon ako sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Si Arlene, kaibigan namin noong college.
"Sino?" Wala sa sariling tugon ko.
"Si Vanessa."
"Oo"
"T-talaga?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Biro lang. Umalis siya agad." Sagot ko nalang.

"Psh! Akala ko naman kinausap ka. Kailan ko kaya uli maririnig ang boses niya?"
"Bakit?" Nalilito kong tanong.

"Ryan, hindi na siya nagsasalita, ilan taon nang hindi nagsasalita si Vanessa." Nagulat ako sa narinig konh iyon. Para bang napuno bigla ng tanong ang bawat sulok ng utak ko.

"Bakit daw?"

"Walang nakaka alam..... basta alam ko lang bago siya makunan ay hindi na siya nag salita. Doon nga lang nalaman ng pamilya niya na buntis pala siya dahil hindi na talaga siya nagsasalita. Kaya ni kwento tungkol sa nangyari sa kaniya wala."  Unti-unti akong nanghihina sa naririnig ko.

"Iniisip nga ng pamilya niya dati na baka raw na rape siya pero dahil hindi na nga siya nagsasalita ay walang matinong sagot kung bakit at anong nangyari sa kaniya. Hanggang sa tinanggap nalang ng pamilya niya na hindi na babalik sa dati yung anak nila. Don't get me wrong Ryan pero wala siyang sakit." Tugon nito na parang alam kung ano ang iniisip ko.

"Pero sigurado akong grabe 'yong hirap na pinag daanan niya dahilan para maubusan siya ng salita." Wala na akong maintindihan sa mga pinag sasabi niya dahil paulit ulit na nag re-replay sa utak ko 'yong huli naming pag uusap at pagkikita bago ako umalis ng bansa.

-----

"Please! Ryan mag usap muna tayo, huwag mo 'kong iwan pls! Makinig ka muna sa 'kin!" Pag ma makaawa nito sa akin.

"Bitiwan mo 'ko! Hiwalay na tayo! Hayaan mo na 'ko! Pakiusap huwag mo na 'kong guluhin!"

"No pls! Pls! Makinig ka muna, mahal na mahal kita pls! Huwag mo 'kong iwan may sasabihin lang ako." Emosyonal nitong sabi, tila hindi nauubusan ng tula. Vanessa mahal din kita pero kailangan ko talaga 'tong gawin. Pangarap ko 'to, at hindi ko maipapangakong babalik pa 'ko.

Marami pa akong gustong sabihin tulad niya, pero kung malalaman pa namin ang pahayag ng isa't isa ay lalo lang kaming mahihirapang bumitaw.
"Tigilan mo na 'ko! Ayoko marinig ang boses mo! Manahimik ka na! Tanggapin mo na lang na hiwalay na tayo, hindi na kita babalikan." Parang dinudurog ang puso ko habang nakikita siyang ganiyan, pero buo na ang desisyon ko.

"Kahit pakinggan mo nalang ako." Naghihina at sumusukong boses nito.

"Huwag ka ng magsalita!"

"'Yan ba talaga ang gusto mo-" Pinutol ko na ang sunod na sasabihin nito dahil pagod na rin ako.

"OO! HUWAG KA NG MAGSALITA! MANAHIMIK KA NA!"

-----

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unspoken LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon