JARRED VS. TRAVIZ. .....
AZZER'S pOV...
Shit.. Kitang - kita namin ni Jarred si Nikki na sinundan si Traviz sa building na yon. Nasa monitor ang mga mata namin ni Jarred at saktong namataan nya ang girlfriend. Ano na namang gulo to??
Nakita kong kuyom ang kamao ni Jarred saka mabilis na umalis ng silid na yon. Sinundan ko agad sya at baka kung anong gawin nya. Paglabas namin ay sabay dating ni Angelo.
"Master Jarred may masamang balita.. ---"
Pero hindi sya pinansin ng lalaki dire-diretso itong lumabas ng roof top.
"Azzer importante ang nalaman ko! " pigil sakin ni Angelo.
"Mamaya na pwede Angelo.. Nakita mo ba ang mukha nya? Parang papatay na naman.. Halika sundan natin" sabi ko
"Ha? Ayoko.. Azzer makinig ka.
Susugod dito ang mga tao ni Chairman. Kailangan nating magplano! "Nabigla ako sa sinabi nya. At nahabol ng tingin si Jarred na pababa na.
"Totoo ba yan nalaman mo? " kabadong sabi ko. Nakalimutan kona ang tangkang pagsunod kay Jarred.
"Oo sigurado, hindi ko lang alam kung anong araw ..hindi pa namali ang asset kong yon. " sabi ni angelo.
"Bakit naman nila yon gagawin ng biglaan at dito pa talaga! "
"Hindi ko alam pero tiyak na si Ellaina ang pakay nila. Kailangan nating maghanda. "
Napatiim bagang ako. Saka sumunod na kay Jarred. Bakit naman nagsasabay-sabay ang mga ito. Mabibilis ang hakbang ko na bumaba sa ground floor. Pero muli akong napatigil ng makita si Danica .
"San ka pupunta? " tanong nya. Mukang good mood ang asawa ko pero wala akong time makipaglandian ngayon.
"Pasyal lang ako don, " nagmamadali kong sabi.
"Ha? Pasyal? Sino na namang babae ang ka-date mo Azzerdon?!!!"
Napailing ako habang naglalakad. Habol pa ako ng pagTalak ni Danica.. Bakit kailangan nya akong paghinalaan lagi.. Tskk..
Nang makarating ako sa building at tumakbo ako paakyat. Naririnig ko ang sigaw ni Jarred.
"J-jarred, Traviz.. " malakas kong sabi. Buti naman at di pa sila nagsisimula.
"Traviz ilabas mo si Ellaina, alam kong dito sya nagpunta.. " galit na sabi ni Jarred saka malakas na tinawag ang pangalan ng babae.
"May nakikita kaba ha? Im alone here. At saka kung makapunta ka dito parang ikaw ang fiance nya ah...substitute boyfriend ka lang.panandalian.. " sabi ni Traviz. Nabigla ako sa nakitang hitsura ng kaibigan. Wow ang laki ng ipinagbago nito. Matigas na ang hitsura ni Traviz. Dina tulad noon.
BINABASA MO ANG
Darkest Love - Book 2 ( Reborn Of The Queen )
ActionAkala mo tapos na..... Pero Nagsisimila palang ...akala mo alam mona ang lahat... Pero marami pa palang mga sekreto... Akala mo happy ending na...yun pala simula palang ng mga pasakit. Then the twist of faith begin. Ako si Ellaina Mondejar... And...