"Good Morning Rise and Shine! Grabe ang sarap ng tulog ko" napahikab pa ko sa sobrang antok pa. Pagkahawi ko ng kurtina ang taas na ng sinag ng araw at pag lingon ko sa cellphone ko. 7:40 am na.
"7:40 am na?! Nakow 20 minutes na lang para sa meeting namin ng Student Council. Mayayari nanaman ako kay Allison neto"
At bigla kong naalala yung sabi ni Kristoffe kahapon.
"Okay that's a deal.. May bet is pag hindi ako nalate bukas at nauna ako sayo pumasok may bet is sasamahan mo ko bukas. May treat. It's a deal, Isandra Eleonor Marquez?"
Oo nga pala?! Bakit kasi ang sarap ng tulog ko at nakalimutan ko na may deal nga pala kami ni Fonacier.
Patakbo akong pumunta ng banyo at ginawa na ang morning rituals ko After mag Da flash kumuha ako ng isang tinapay at uminom nako ng gatas. dala ko na yung gamit ko sa school.
"11mins. Left?!"
Nakita ko na si Manong Berto na nakaabang sa Toda ng Tricycle.
Morning Isay! Akala ko di ka makakapasok ngayon sa eskwelahan.
"Good Morning po Mang Berto! Naku hindi po napasarap lang po tulog ko akala ko po linggo na eh"
Napatawa nalang ang matanda sa nasabi ko.
9mins nalang?!
"Mang Berto kaya mo ba maging Da flash ngayon pasensya na manong berto may bet kasi kami ng kaklase ko at di po ako pwede malate. Nakataya po yung buhay niyo dito"
"Ha?! Nakataya buhay ko? Bakit nasama ako, iha?" Nakita kong napalaki ang mata ng matanda.
"Naku Manong Berto biro lang po yun pero kailangan po talaga ako umabot bago mag 8am may meeting po kasi kami ng student council."
"Oh siya siya.. sige akong bahala iha. Ang lakas mo sakin eh"
"Salamat, Mang Berto" sabi ko sa matanda.
Siya nga pala, si Mang Berto ang tumulong sakin nung bagong salta ako dito sa Maynila. Napakaswerte ko nga dahil may katulad pa pala ni Mang Berto na may kabutihang loob tinuturing ko siyang pangalawang tatay ko.
Siya nga pala, laking probinsya kasi ako kasama ang nanay at ang bunso kong kapatid na si AJ. Sabi ni Nanay umalis ang Tatay namin nung 3 years old ako at pinagbubuntis pa nun si Aaron Jorge. Wala narin akong maalala nung bata ako. Yung kinuwento lang ni Nanay samin na umalis lang si Tatay ng walang pasabi. Ni walang picture si nanay na pinapakita samin siguro nasaktan talaga si nanay ng mga panahon na yon. Siguro ganun talaga ang buhay may mga nang-iiwan lang talaga ng walang pasabi at di na babalik. Kaya naisip ko na magfocus nalang ako sa pangarap namin nila Nanay at AJ na makaahon sa hirap.
Nabalik ako sa kasalukuyan ng marinig ko ang pangalan ko na tinatawag ni Mang Berto.
"Isay nak nandito na tayo sa harapan ng school mo." Pagtingin ko sa ang relos ay nakita kong 4 mins nalang.
"Salamat Mang Berto da Flash talaga kayo hehehe" Tumakbo nako papuntang gate at binati ko si manong guard.
Lakad-takbo ulet ako katulad kahapon paglingon ko sa relo 2mins. Bakit parang ang layo ata ngayon ng student council room. Malapit nako at nakikita ko na nagkukuyugan yung mga estudyante sa tapat ng room.
Grabe naman ang Aga naman netong mga fangirls na to hinihintay kaya nila etong si malanding presidente ng student council.
Pano ako makakadaan neto eh nakaharang etong mga estudyante ganito ba dito palagi? Dati kasi maaga ako nakakadating kaya walang komosyon na nagaganap akong naeencounter
At netong nagdaang week lang talaga ako nalate ng natuwa nanaman ako mag basa at manuod ng anime ulet dahil kakaStart lang ng class netong week naku naku kailangan ko ng mag time management ulet.
"Anong oras kaya dadating si Pres?" "Wala pa yung Ferrari na red niya dun sa Parking lot" " Grabe naeexcite akong makita si Pres, ang gwapo niya haay" "nakakagood vibes talaga si Pres napakagwapo niya talaga at ang cool niya"
Rinig kong sabi ng fangirls ni PresidentSo it means na wala pa dito si Fonacier? Kasi nandito nakatambay at nagihintay ang mga fangirl nung lalake yun. Ano kayang pinakain ni Kristoffe sa mga babaeng eto at ganito nalang kaadik ang mga eto sa kanya.
"Excuse me.. Excuse me Guys. Makikiraan lang ho." Ano bang kaguluhan dito parang nagkukuyog pa etong mga babaeng to wala pa ba silang mga klase at dito sila tumatambay nakakaloka.
At salamat nasa harapan nako ng pinto binuksan ko na agad ang pinto at sinara ko agad. Pagod na pagod akong sumandal sa likod ng pintuan grabe tagaktak na ang pawis ko dahil sa init sa labas. Haay salamat ang lamig sa pakiramdam nang Aircon.
"Wooh grabe naman yang fangirls ni Fonacier nakakaloka dumog sila sa labas"
"8:01am na Vice. You're 1 min and 10 seconds late.
Napabuka ang mata ko sa narinig na boses sa harapan ko. Nakita kong nakalahad siya ng panyo at nakangisi.
"You lose the bet, Isay"
BINABASA MO ANG
Loving This Handsome Brat
FanfictionCto of the pic❤️ PS. nainlove talaga ako sa manga ng "The Promise Neverland" RayxEmma Shipper ❤️