"Gusto ko na sabi ng jowa!"Napatakip ako sa mukha ko nang biglang sumigaw ng ganoon si Dani. Katatapos lang ng klase namin at andito kami ngayon sa Potato Corner para lumantak ng fries.
"Ulol. Lahat naman ng nagkakagusto sayo, pagkatapos mong i-entertain ay either ghosted or busted." Natawa ako sa sinabi ni Quin dahil 'yun naman talaga ang totoo. Kaya ewan ko ba kung anong nginangawa nitong si Daniela. Ang lakas pa naman ng boses.
"Tarantado. Ingatan mo 'yang bibig mo." Frustrated na dagdag pa ni Dani sabay kain ng isang kamayan atang fries.
I greeted those people na madalas kong makita sa university na andito rin sa SM. "Feeling close ka talaga." Ismid ni Quin. Epal kahit kailan.
"Hoy, close ko mga 'yun. Ano ka diyan?" Pagtataray ko sa kanya. He just shrugged and handed me a tissue dahil ang dami ko raw kumain.
"Kailan kaya ako magkaka-boyfriend? Gusto ko ng magkaboyfriend." Eto na naman siya.
"Ano ba kasing type mo ha? 'Yung final na. Paiba-iba ka kasi. Minsan, gusto mo singer. Minsan, gusto mo basketball player. Minsan, gusto mo swimmer. Kaloka ka. Tapos nagrereklamo ka diyan." Inis kong sabi sa kanya. Inirapan lang ako ng gaga. "Pero madalas, gusto niya 'yung maraming red flags." Tawa ni Quin sabay nakipag-apir sa akin kaya natawa na rin ako.
"Tanga. Sana hindi ka magkajowa kahit kailan dahil napakapangit ng pagkatao mo." Inis na sabi ni Dani kay Quin sabay bato ng ilang piraso ng fries sa mukha nito. "Pero ang gusto ko talaga, final na 'to promise. 'Yung mabango, sige na mabango na lang. Tapos 'yung may pangarap sa buhay. Gusto ko rin pala 'yung hindi masyadong friendly kasi baka i-friendzone lang ako. Precautionary measures, 'lam mo na." Pagpapatuloy niya habang hawak ang baba at nakatingin sa kawalan na akala mo ay nananaginip.
And seriously, when she finally found that guy, at kapag nagustuhan na siya nito pagkatapos niyang maghabol, ayaw na niya. Naniniwala nga ako na gusto lang niya 'yung chase. Hmp.
"Aral ka muna nang mabuti, kapanalig. Masyado kang nangangarap diyan." Pangbabara sa kanya ng isa pang mapambwisit. Kahit ang totoo naman, si Quin ang pinakaconcern when it comes to our lovelives. Kahit ganyan 'yan, he wants what the best for us. He don't want us to settle for less. He will always say na "Kayong dalawa kayo, you should be pursued."
"Illiad, hoy!" Sigaw ko 'nung makita ko 'yung isa kong ka-org mate. Iniwan ko sila Dani at Quin na nagbabangayan doon at nagpupustahan kung sino ang unang magkakaroon ng jowa sa kanila.
Noong makalapit ako kay Illiad ay agad kong inabot ang ulo niya para batukan.
"Hindi ka um-attend sa org meeting. Talkshit ka kahit kailan. Wala tuloy akong ka-close doon." Inis kong sabi sa kanya. He just laughed at me at mabilis na ginulo ang buhok ko.
"Imposible. Miss Friendship ka eh. Sisihin mo 'tong mga kasama ko dahil dinemonyo nila akong mag-computer shop." He said. Oh Lord. I totally forgot na may tatlo siyang kasama. And they are towering over me. Ang tatangkad nila kumpara sa akin na 5'4 lang.
"Hala, sorry po kung bigla bigla akong sumusulpot. Kailangan ko ka---" One of them cut me off.
"Bro, got to go. I have errands to do." He is probably the tallest among them. His eyeglasses made him even more intimidating. Pero kahit na, ang bastos kaya na hindi man lang niya ako pinatapos magsalita.
"Hey, before you go, please huwag niyo na ulit demonyohin si Illiad kapag may mga school stuff siya na kailangang gawin." I said. Aba, dapat lang na mapagsabihan sila kasi mas importante 'to.
YOU ARE READING
Behind His Walls
RomanceKiernan De Mesa is known as the Miss Friendship of their department for she is always sporting that genuine smile and greets whoever walks pass her. She is everyone's sunshine and people really admire her for carrying that happy aura. Will she be ab...