The Brightest Star
Chapter 1
Not A Fresh Start
JACHAugust 05, 2019
Binuksan ko ang bag ko at dinukot ang isang maliit na pouch na naglalaman ng mga make-up ko. Kinuha ko ang aking salamin at tinignan ang aking sarili. Grabe! Tagaktak na yung pawis ko sa noo. Kinuha ko na rin ang panyo ko sa bag at ipinunas sa sarili ko. Gosh!
Napaka-init naman kasi dito sa may labas. Halos malusaw na ang foundation na suot-suot ko ngayon. Anong oras ba kasi magbubukas itong BrightWell University na'to. Baka naman kung kelan totally haggard na ko ay tsaka lang 'to mag-bukas. Kaloka!
"Ang tagal naman!" Reklamo ng babae na nasa harapan ko. Kanina pa ito paypay ng paypay kaya kahit papano ay nahahanginan ako dito. Para ngang ako ang pinapaypayan nito kasi nang humarap siya sakin, buong mukha niya puno na na ng pawis.
"Ang tagal 'no?" Nakangiti nitong sambit. Patuloy pa rin ito sa pagpaypay at ngayo'y sa akin na niya itinutok ang pamaypay.
"You looked so haggard na." Nilakasan nito ang paypay. Medyo oa na nga e. Yung totoo? Siya itong haggard at hindi ako, 'no.
Iniayos ko ang pag-hawak niya sa pamaypay at itinutok ito sa kaniya. "Mas kailangan mo yan." Kumindat ako dito at tinapik ang kaniyang balikat.
"I'm Eunah." In-offer pa nito ang kamay niya na kung titignan mo'y napaka-kinis. Ang balat rin naman nito'y makinis. Hindi ko lang nasabi kanina. "Friends?" Ngumiti ito sa akin kumindat rin tulad ng ginawa ko.
Akmang kakamayan ko na ito nang biglang may humampas sa kamay ko. Lalaking naka-hoodie. Bastos!
"Hindi ito ang lugar para makipag-kaibigan. Ito ang lugar kung saan uso ang pataasan." Natulala na lang si Eunah sa inasta ng lalaki. Kahit na sino naman mabibigla kapag may sumingit bigla sa usapan niyo, ano.
"I'm Jach." Kinuha ko na ang kamay nito at ako na ang naggalaw ng kamay niya para makipag-kamay. Mukhang naistatwa na ata ito sa mga nangyari. Kinamayan ko na'to dahil wala naman na yung bastos na lalaki na humampas sa kamay ko.
"That's Blaster. Nasa top of the list siya this week sa ranking." Patuloy pa rin nitong tinitignan ang lalaking ngayon ay naglalakad na papasok sa University.
Ano yung sinasabi niyang top of the list? Ranking? Ofcourse may ranking sa bawat school. Common sense. Pero hoy, every week? Like say whut? Patayan ba dito? Kailangan ba mag-sunog ng parehong kilay para mapasama sa ranking every week?
"Anong ranking?" Lito kong tanong habang patuloy na naglalakad papasok sa university. Kaka-bukas lang kasi ng gate.
Lahat ng bagong student na nag-qualified para sa University na ito ay ngayon ang pasukan. Every August, they accept new students. Bihira lang ang mga nakakapasok dito sa paaralang 'to. Kakaiba kasi ang requirements na hinihingi nito sa amin. Tatanungin ka lang kung gaano ka ka-confident na magiging isa kang sikat, as simple as that. Then hindi ko na alam kung ano pa ang pinagbatayan nila bukod dun sa pagpili ng mga magiging estudyante rito.
Kung titignan mo ang bawat isa ay para bang may mga sarili itong mundo. Hindi sila nakikipag-usap sa kanilang mga katabi o kalinya. Baka nga naniniwala sila sa sinabi ng Blaster na yon na hindi ito ang tamang lugar para bumuo ng isang pagkakaibigan.
"Every week ay magbibigay sila ng task. Hindi naman tulad ng tasks na magsasagot ka. That tasks would be divided into three categories: Acting, Singing and Dancing. Diyan sila magba-base kung sino ang mapapabilang sa listahan na tinatawag nilang BRIGHT STARS." Iniabot na ni Eunah ang bag na dala nito sa guard. Hindi naman ito kinalkal ng guard at agad na initsa sa may malaking basurahan na nasa tabi lang nito.
"What the-" Hindi nito natapos ang sasabihin niya nang abutan siya nito ng bag na kulay dilaw. "Yan na ang gagamitin mo." Sinenyasan na siya nitong pumasok sa loob at ako naman ngayon ang humaharap sa gwardya.
Dinudukot ko pa ang cellphone ko mula sa bag ko nang hablutin ito ng gwardya at itapon. "Bakit ninyo tinatapon ang mga gamit namin?" Tanong ko.
Hindi ba nakakainis? Hindi ba namin pwede ipasok maski ang cellphone na lang namin? Wala naman kasi silang sinabi na hindi pala pwede mag-dala ng mga sariling gamit edi sana, iniwan ko na lang yung mga gamit ko sa bahay.
"Kung gusto mong sumikat, kailangan mong kalimutan ang lahat." Iniwagayway nito ang cellphone ko at agad na ibinato rin sa basurahan. "Maging ang mga mahal mo sa buhay." Iniabot na rin nito ang bag na kulay dilaw sa akin.
Oo nga pala. Paano ko mako-contact sila mama at papa kung wala akong phone? What kind of rule is this?!
"That's all what it takes to be a star, Ms. Jach Croover." Napa-irap na lang ako dito at pumamewang.
"How did you know my name?" Takang tanong ko rito. Isinukbit na nito sa akin ang aking I.D. at itinuro ang aking pangalan roon. "Through that thing."
Is this how our ID looks like? Gold plated ito. Mabigat-bigat rin siya na kahit kakasuot lang sakin ay nabibigatan na ang leeg ko. Paano sila nagkaroon ng picture ko? E hindi nga sila nang-hingi ng one by one pic sa requirements, eh. Atsaka bakit ganito? May limang star sa baba pero hindi ito kulay gold kundi gray. It looks like stars to be filled with color. May kinalaman ba ito sa pag-aaral namin dito? Dami namang pakulo nitong BrightWell University na'to.
"What are these for?" Tanong ko kay Eunah na titig na titig pa rin sa picture nito sa ID niya. I'm pertaining about the stars.
"Nag-basa ka ba ng brochure ng school na 'to bago ka pumasok dito? It seems like you know nothing, huh." Nakataas pa ang isa nitong kilay habang inaayos sa likod nito ang bag niya. Duh! Masama bang magtanong? At ano naman kung hindi ko binasa ang brochure? Gusto kong sumikat at itong school na 'to ay para sa mga gustong sumikat so what is the sense of reading that stupid brochure.
"Doon kasi naka-lagay lahat. These stars..." Turo nito sa kaniyang ID. "Are... Hindi ko rin alam. Wala naman 'to sa brochure e." Napa-kamot na lang ito sa ulo niya.
"Bwiset ka!" Hinampas ko ito gamit ang bag na ibinigay sa amin kani-kanina lang at nabigla ako nang may marinig akong nabasag rito.
Lahat ng tao na naka-paligid samin at nakatingin ay nagulat nang buksan ko ang bag ko na naglalaman ng trophy na basag. Para bang naka-kita sila ng patay kung makapag-react sila. Ganun na rin itong si Eunah na napa-hawak sa kaniyang bibig.
"Oh my gosh!!! Nabasag niya ang throphy!" Sigaw ng isang babae sa gilid ko na nag-dulot para magsi-lapit ang lahat ng tao sa amin. Ano ba 'to? Iskandalosa much. Parang thropy lang naman 'to.
"Hindi ata yan basta-bastang thropy, Jach!" Sigaw nitong si Eunah na ngayo'y tinutulungan akong pulutin ang nagpira-pirasong throphy ko. Ano bang pinagsasabi nito? This is just a throphy. A freaking T-H-R-O-P-H-Y!
"Ano bang ibig mong sabihin!?" Inis kong sambit sabay higit kay Eunah na gulat pa rin ang mukha hanggang ngayon. Hindi ko talaga siya maintindihan e. Bakit ba bigdeal ang throphy na 'to? Ano bang sinabi about sa throphy na 'to sa brochure?
"Buhay niya ang kapalit niyan. Jusko po!" Sigaw ng lalaking naka-tago sa isang lalaki na mistulang takot na takot. Ano bang sinasabi nito? Buhay ko kapalit ng throphy? E mas mahal pa nga ako ng higit kaysa sa kahit na sino pa.
"Ms. Croover. Come with us at the office. Now!" Hinablot na ako ng isang lalaki. Kasama nitoang mga gwardiya at ang guard na naka-usap ko kanina sa gate. Ano bang nagawa ko!?
Nakatitig lang sa akin si Eunah na para bang wala itong magagawa sa mga nangyayari. Lahat rin ng tao ay para bang takot na takot sa nangyari sa akin. Ano bang meron sa throphy na 'to at kailangan pa akong dalhin sa office? Is it a big deal? Ano bang klaseng school 'to? What a stupid kind of rule this school has.
BINABASA MO ANG
Brightest Star
RandomAng maakusahang kriminal na siguro ang bagay na maitituring nating sukdulang kamalasan na maaring mangyari sa ating lahat. Iyan ang sinapit ni Jach nang maka-tungtong siya sa pinapangarap niyang paaralan. Ang BrightWell University, paaralan ng mga n...