June 2012

523 7 0
                                    

3rd year high school nung una silang nagkakilala.

*sa locker area*
Drake: bro ikaw ba nagka-girlfriend na?
Clyde: oo nga nagkaroon ka na ba? Sa tropa kasi ikaw na lang walang girlfriend sa atin eh
Marco: uy grabe naman kayo sa akin. pero wala eh, wala pa ring girlfriend
Drake: uhm Clyde, diba yung girlfriend ko si Joanna may kaibigan din na single?
Clyde: ah oo, wait tanungin ko si Dianne
*napadaan si Diane (girlfriend ni Clyde)*
Clyde: Diane may tanong lang ako
Diane: uy hello sa inyo, ano yun?
Clyde: sino nga yung tropa mo na single?
Diane: ah si Hanna?
Drake: oo sya, nasaan sya?
Diane: hoy kayo ah, may jowa na kayo ano kayo two timer?
Drake: hindi hindi, gusto sana namin ipakilala ni Clyde si Marco sa kanya
Clyde: oo sya na lang kasi walang girlfriend sa amin, malay mo magustuhan nila isa't isa
Diane: nice idea, ayun sya oh
*tinulak nila Clyde at Drake si Marco papalapit kay Hanna*
Drake: sige na chance mo na to makilala si Hanna
Marco: hoy ano ba? Ayaw ko
Clyde: sige na bro wag ka na mahiya sige na
*pagkaharap kay Hanna*
Marco: uhm...
Hanna: hi!
Marco: hello! Uhm Marco pala, hi
Hanna: nice to meet you
*fist bump ni Clyde at Drake*

Kinabukasan pagkatapos ng klase, nagkasabay si Hanna at Marco papunta ng locker.
Marco: hi Hanna!
Hanna: hello
Marco: kamusta?
Hanna: ok lang naman, daming homework na gagawin pero kaya naman
Marco: pareho lang pala tayo

Dumating din sila Drake, Clyde, Joanna, at Diane.
Drake: uyyy mukhang may nagkakadevelopan dito ah
Clyde: sabi sa inyo tama lang na ireto tong kaibigan natin
Marco: dami nyo sinabi, sensya na Hanna masyado lang madaldal tong mga to
Hanna: ayos lang, cool nga kayo kasama eh
Marco: so friends?
Hanna: naman
Clyde: Hanna gusto mo sumama? Training namin mamaya
Diane: sumama ka na kasama naman kami, dun lang yun sa bahay nila Ethan.
Hanna: sure

Sa bahay nila Ethan, nagtitraining na sila Ethan, Clyde, Drake,Marco at Simon.

Diane: uy buti hindi ka humindi
Hanna: wala rin naman akong gagawin
Diane: gawain pala nila to magtraining paghindi busy sa school
Joanna: oo nga, kung gusto mo sumama ka sa amin. Halos pareho lang naman schedule natin
Hanna: sige pero pagmay family gathering negative muna ko
Hanna: ang galing nila no?
Diane: oo naman lalo na yan si Marco
Joanna: the boy with a golden hands
Hanna: golden hands?
Clyde: oo golden hands, sharp shooter kasi si Markus
Drake: di lang halata, masyado kasing humble yun
Marco: sinong humble?
Drake: ah si coach, mahilig kasi sya sa humble-ger eh
Ethan: ano? Dyan na lang kayo? Tapos na water break, back to training na
Clyde, Drake, Marco: yes Capt!
Diane: Hanna, ano sa tingin mo si Marco?
Hanna: mukha naman syang mabait, sobra syang mysterious. In a way na madami syang gustong gawin tas magugulat ka na lang
Diane: you like him?
Hanna: di ko masabi pa, di ko pa naman sya ganun kakilala.

Kinabukasan sa school grounds pagtapos ng klase, nakita ni Marco si Hanna naglalakad pauwi.

Marco: hi Hanna?
Hanna: uy hello!
Marco: pauwi ka na ba?
Hanna: di pa naman, bakit?
Marco: may bagong cafe malapit sa school baka gusto mo
Hanna: di naman ako busy, uhm sige tara

Cafe
Hanna: oh bakit ganyan ka makatingin sa akin?
Marco: may naalala lang ako nung bata ako kapangalan mo kasi, may sinuport akong contestant tapos pagkatapos ng program nag-hi ako sa kanya. Green pa nga suot nya nun kaso di ko na matandaan nangyari.
Hanna: pagtapos mo mag-hi natabunan ka ng iba kong classmate dahil magcecelebrate kami sa room.
Marco: paano mo alam?
*nginitian ni Hanna si Marco*
Marco: ikaw yun?
Hanna: oo ako yun, check mo profile mo balikan mo yung isang picture dun. Pareho tayo ng club na sinalihan way back 2006
Marco: pano mo alam?
Hanna: chineck ko profile mo
Marco: lakas mo maging stalker dun ah
Hanna: grabe ka naman uy
Marco: biro lang haha
*nakita nila Clyde at Drake*

Kinabukasan lunch time sa school.
Drake: mukhang masaya ka ata
Clyde: oo nga bro, ngiti mo hanggang tenga na, ano meron?
Marco: wala bro
Drake: nagyon lang namin nakita na ganyan ka kasaya
Clyde: dahil ba kasama mo si Hanna kahapon?
Marco: pano nyo alam?
Drake: nakita ka namin ni Clyde sa cafe
Clyde: iba din pala tong si Marco
*dumating si Diane*
Diane: Marco, ikaw ha dumada-moves ka na sa kaibigan ko ah
Marco: inaya ko lang, di naman sya busy eh
Diane: oh eto number nya baka gusto mo sya itext para mas kilalanin mo pa sya
Marco: thank you Diane

Sa kanya kanyang bahay, pareho sila nakahiga sa kama. Palihim na nagtext si Marco kay Hanna.

Marco: hi Hanna kamusta ka?
Hanna: hi sino to? Ok lang naman ako
Marco: it's for you to find out kung sino to
Hanna: wala man lang clue, daya mo naman
Marco: hope you're having a good day, don't forget to eat on time. See you around!

Sa school grounds.
Ethan: mamaya ha training
Drake: yes Capt!
Marco: copy yan Capt!
Hanna: excuse me lang pwede ko bang makausap si Marco?
Ethan: sure
Marco: hi Hanna, kamusta?
Hanna: ikaw ba nagtetext sa akin?
Marco: hindi ah
Hanna: sigurado ka?
Marco: magtatanong ka tapos hindi ka maniniwala
Hanna: liers go to hell
Marco: ako, oo ako
Hanna: bakit hindi ka nagpapakilala?
Marco: napangunahan ulet ako ng hiya at gusto pa kita makilala pa, sorry
Hanna: ganun ba sensya na gusto ko kasi kilala ko yung mga katext ko baka kung sino sino lang yan

Pagtapos ng klase.
Clyde: tara training
Marco: sige sunod ako saglit lang
*pinuntahan si Hanna*
Hanna: oh Marco bakit?
Marco: training namin, makakapunta ka ba?
Hanna: baka hindi muna
Marco: ganun ba? Sige kita na lang tayo bukas

Training.
Drake: huy Markus ano nangyare sayo puro palya ata shooting mo?
Clyde: ano nangyare sa golden hands mo?
Marco: wala, ayos lang ako bro puyat lang
Drake: oh andyan na pala si Hanna eh
Marco: Capt, five minutes break lang
Ethan: sige
Marco: Hanna! Kala ko hindi ka makakapunta?
Hanna: naisip ko kasi na matagal pa naman yung deadline ng project kaya dumiretso na ko dito, tsaka sabi mo gusto mo pa ko makilala diba?
Marco: sige pagtapos ng practice punta tayo sa cafe tapos hatid na kita pauwi
Drake: lupet may paghatid

Cafe.
Hanna: galing mo pala maglaro ng basketball
Marco: wala yun
Hanna: kanino ka natuto?
Marco: si Tito at kuya ko kasi player talaga sila pero nanonood lang ako ng laro nila, wala naman nagturo sa kin magshoot sinubukan ko lang hanggang sa sumali ako sa team
Hanna: ayos ah, the boy with a golden hands
Marco: ikaw ano sports mo?
Hanna: nako taganood lang ako, pero cheerleader ako. Kami nila Diane every year kasali kami sa Cheer Dance Competition
Marco: isa ka ba sa mga hinahagis sa ere?
Hanna: oo medyo may takot lang baka mahulog
Marco: sana pwede ako sumali bilang base
Hanna: huh? Bakit base
Marco: para di ka matakot mahulog kasi ako ang sasalo sayo
Hanna: ang corny mo

Kinabukasan sa locker area.
Marco: Joanna! Nakita nyo ba si Hanna?
Joanna: nasa room pa nila, may pinapatapos pa kasi yung prof nila
Marco: ganun ba? Sige salamat!

Nag iwan ng letter sa locker ni Hanna si Marco.
*letter*
"Hi Hanna! Sabi nila Joanna may pinapatapos pa daw prof mo, sorry di na kita naantay may training pa kasi kami. Pero kung gusto mo naman sumunod ayos lang naman open naman for all bahay nila Ethan. Hope you're ok 🙂 -Marco."

Training.
Marco: Joanna, wala pa si Hanna?
Joanna: wala pa eh
Drake: uyyy namimiss agad
Marco: busy kasi sa school works yun, ok lang
*tumingin si Marco sa phone nya*

Kinabukasan sa school grounds.
Hanna: Marco!
Marco: uy kamusta?
Hanna: pasensya ka na di ako nakasunod sa training nyo kahapon
Marco: ok lang yun
Hanna: nabasa ko rin letter mo, ayos lang naman ako. Nothing to worry
Marco: that's good thing to hear, tara sabay na tayo umakyat
Hanna: tara

Mahal Kita PalagiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon