June 2013

81 6 0
                                    

School year 2013-2014

4th yr highschool

Tinignan nila ang board kung kaklase nila ang isa't isa.
Marco: di na naman tayo magkaklase...
Hanna: pareho tayong dulo
Marco: ayos lang yan, gagawa ako ng paraan para makita ka. Uwian na lang kita makakausap

Kinabukasan nag iwan si Marco ng letter at rose sa armchair ni Hanna.
"Sabi ko sayo gagawa ako ng paraan diba? Isang way pa lang to, kahit magkalayo man tayo tutulungan pa rin kita pagnawala ka sa focus. Let's achieve our goal together and be successful together. See you later! -Marco"

Nakita ni Diane yung letter.
Diane: sweet naman
Joanna: pero teka tanong ko lang, kayo na ba? Kasi matagal na syang nanliligaw sayo
Hanna: takot kasi ako mag-commit
Joanna: sabagay pero in fairness kay Marco di ka nya minamadali
Hanna: kaya nga lalo ako humanga sa kanya, hanggang ngayon inaantay nya ko

Kinabukasan nag iwan ulet si Marco ng letter sa armchair ni Hanna.
"Wag ka na bumili ng food mo, nilutuan kita. Kunin mo na lang kay ate Susan sa cafeteria, see you later. -Marco"

Bago pumunta si Marco sa gym, sumilip muna sya sa room nila Hanna para tignan kung ayos lang sya, maya-maya nakita ni Hanna si Marco kaya lumabas din ito.
Hanna: ano ginagawa mo dito? PE class mo na diba?
Marco: I know, tinignan ko lang kung ok ka
Hanna: pano kung sumakit yang paa mo kakatingkayad?
Marco: ayos lang ako, makita ko lang na ayos ka lang din
Hanna: sige na sumunod ka na sa PE class mo, thank you pala sa letter
Marco: ok sige, see you

Lunch time
Hanna: ate Susan, may iniwan daw po si Marco na pagkain para sa akin?
Ate Susan: ay oo andito saglit kunin ko
Ate Susan: o ganda eto na oh
Hanna: ate, bakit mainit init pa?
Ate Susan: ah, kasi bilin ni Marco na initin ko daw bago ka bumaba ng gantong oras
Hanna: ganun po ba? Sige than you ate ah!
Ate Susan: sweet ni Marco sana pati jowa ko sweet din
Hanna: thank you po!

Every Sunday pumupunta si Marco ng 5:30pm para magsimba at suportahan si Hanna sa pagiging choir nya.

After mass
Hanna: Marco?
Marco: bakit?
Hanna: di ka ba nagsasawa na mag antay sa akin?
Marco: hindi, hindi mangyayari yun. Kakayanin ko para sayo
Hanna: pero nakaramdam ka na ba sa point na gusto mo na ko sukuan?
Marco: oo
Hanna: pero bakit di ka sumuko?
Marco: kasi alam ko na pagsubok lang lahat ng nangyayari
Hanna: di ka ba napapagod? Kaya mo pa ba?
Marco: maraming beses na ko napagod pero hindi kita kayang iwan kasi mapapatanong ka na lang na "sino ba tong taong to para sa akin"

Natahimik at sumulyap sa likod si Hanna dahil sya ay naluluha.
Marco: uy natahimik ka dyan?
Hanna: wala, napuwing lang ako
Marco: may problema? Problema sa atin?
Hanna: thank you
Marco: para saan?
Hanna: kasi di mo pa rin ako sinusukuan kahit na hindi pa tayo. Kahit na matagal ka ng nanunuyo
Marco: pagsubok lang ito, kaya ko ito. Kahit na anong kahit pa di ako magsasawa. Pangako yan.
Niyakap ni Marco si Hanna habang umiiyak.

Mahal Kita PalagiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon