II

38 3 0
                                    


**

    Natulala ako sa sinabi ng babaeng kaharap ko, actually namin pala. Parang nabingi ako dahil sa sinabi niya..kumunot yung noo ko habang nakaharap sakanya, tapos lumingon ako sa mga barkada ko.

Wala pang ilang sandali, sabay-sabay kaming natawa.

"Pfft. Hahahahahahahahahahaha!!"

"Hahahahahahaha!!"

"Hahahahahahahahaha!!"

"Hahahahaha!!"

Halos mamatay kami kakatawa don, habang yung babae namang kaharap namin e nakakunot lang yung noong nakatingin samin. Namumula rin yung mukha niya, siguro dahil sa inis, hiya at pagtataka niya. Pero wala pa rin kaming pakielam, tawa pa rin kami ng tawa hanggang sa..

"Hyaaah!" sinugod niya kami! Pinagsisisipa niya kami sa aming ibaba. Napaluhod kami at halos mapamura kami sa sakit! Sht! Problema ng babaeng to?!

Galit na nilingon ko siya at tinanong,

"What the F is your problem?!!" lumapit naman siya sakin at pinagtaasan ako ng kilay.

"Wala akong problema. Eh kayo! Problema nyo?!" shete, may sapak ata to sa utak eh! Tumayo ako at ininda yung sakit. Lumapit ako sa kaniya..

"Wala kaming problema."

"Eh bat kayo tumawa? Ano yon? Baliw lang ang peg? Tss!" aba at nagcross arms pa!

"Hoy babae! Sa gwapo naming to?! Tss. At isa pa, ano bang pinagsasasabi mo! Girlfriend? Asa! Pano kita magiging girlfriend e hindi nga kita kilala! Ngayon nga lang kita nakita eh!" nagulat siya sa sinabi ko. Napaatras siya at nagbago yung expression ng mukha niya. Natulala na parang maiiyak na malungkot na dismayado yung muka eh! Grabe, anyare sa babaeng to? Magsasalita na sana kaya lang may sumabat na loko. Mukhang nakarecover na.

" Grabe! Lakas talaga ng charisma mo pre! Haha. Ikaw ah! May chiks ka pala di mo man lang sinasabi! Lagot ka kay--" tinapunan ko naman siya ng masamang tingin.

"Heh! Manahimik ka! Di ko to girlfriend no!" liningon ko yung Alexis, "Uh, miss ayos ka lang? Yung totoo? Nakashabu ka ba? Paano ako magkaka girlfriend na di ko kilala? Ha.ha. Siguro nagkamali ka lang miss, baka kamuka ko lang yung bf mo. Pero I assure you, di ako yon. I'm already taken, but my girlfriend is not you. So, if you will excuse me? Sorry, aalis na ko." paalis nako ng magsalita siya, kaya napatigil ako.

"How.? So totoo nga..  " para maiiyak yung boses niya, at nung nilingon ko..sht! Umiiyak nga! Pati mga kaibigan ko nagulat eh. Nilapitan siya ni Dylan at hinawakan sa balikat..

"Miss-" pero tinanggal niya lang yung pagkakahawak sa kaniya. Lumingon ito sakin at ngumiti.

"Hey miss bat ka um-" naputol rin yung sasabihin sana ni Nico nang di siya pinansin nito. Lumapit lang siya ng lumapit hanggang sa hawakan niya yung mukha ko.

Nagulat ako kaya medyo napaatras ako.. Ngumiti naman siya, yung malungkot na ngiti. Nakangiti siya habang may umaagos ng luha sa pisngi niya.

"Hmm.. Sorry. Siguro nga nagkamali lang ako. Pasensya na talaga ha? Sobrang kamukhang kamukha mo lang kasi yung lalaking mahal na mahal ko eh. Sorry talaga ah? Sorry sa abala.. Sige alis na ako. " pinunasan nito yung pisngi niya at muling ngumiti. Tapos bumulong siya, " Someday, maaalala mo ulit ako." tumalikod na siya at naglakad palayo. Naguguluhan ako. Anong ibig niyang sabihin don? Pero bago pa ko tuluyang mahulog sa malalim na pag-iisip, narinig kong nagsalita uli siya at humarap samin.

"BTW, my name is Alexis Ranielle Flores. Hope we can be friends.." ngumiti ito at tuluyan ng umalis. Pagkaalis niya nagkatinginan kami ng mga barkada ko. Napapailing.

"Whoa. What was that?" amusement was written all over their face.

"Grabe, ibang klase. Pero, sht! Ang ganda!" napalingon kami kay Raf na ngiting ngiti. Haayy.

Kanya kanya silang opinyon tungkol sa nangyari kanina. Maging ako, napapaisip rin. Sino kaya siya? Alexis Ranielle huh? Hm..

==

A/N: done ng Chapter 2! Please support! Thank you! ^_^

Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon