Chapter 9

38 1 0
                                    

Chapter 9



Nagising nalang ako ng sobrang sakit ng katawan ko. Ano bang nangyari? At bakit nandito na ako sa aking kwarto kung kanina't nasa simbahan lang naman kami?



Inisip ko ang mga pangyayari kanina at natandaan ko nalang ang lahat-lahat, pero hanggang doon lang 'yon sa pagdilim ng aking paningin. Sumanib ba sakin si Isabella?





Lumabas na ako at nakitang naghahanda na ng miryenda sina lola at Annie. Pinagmasdan ko lang sila at matagal na napatulala.




"Apo, halika na't kumain na tayo," pag-aaya sakin ni lola ng makitang nakatayo ako dito sa may hagdan. Sumunod naman ako sakanya at hindi nakaiwas sa aking paningin ang tingin sakin ni Annie na may halong pagkikilatis na tila may nagawa akong krimen at nililitis niya ang aking kaso.



Tumikhim si Lola sa kalagitnaan ng pagkain. Hinarap niya ako at sandali akong kinabahan. "Isabel, naririnig mo na ba ang boses ni Isabella?" Seryosong tanong niya.




Napalunok ako at napatungo. "O-opo.." utal kong sagot sakanya. Paano niya kaya nalaman 'yon? Pati si Kuya alam niya rin. May tinatago ba sila sakin?





"Lola," narinig ko ang boses ni kuya Iñigo kaya agad kong ibinaling ang aking paningin sakanya na sana hindi ko na ginawa. Nakatingin kasi siya sakin ng masama. Siguro nakaabot na sakanya ang pangyayari kanina. Ang balita nga naman may sariling pakpak. Kung saan-saang lupalop nakakapunta.





"Oyy. Kumain ka na." Yaya sakanya ni Annie. Naupo naman siya at nagsimula na kaming kumain ulit. Katahimikan ang bumalot saamin sa hapag-kainan. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming lahat.




"Lola, dito na muna ako mananatili." Paalam ni kuya at tumango naman si lola. "..Isabel," bahagya akong kinabahan ng tawagin ako ni Kuya sa pangalan Isabel dahil Mia lang naman ang tawag niya sakin. Idagdag mo pa ang sobrang pagkaseryoso ng kanyang boses. "..sasama kayo ni Annie samin mamaya sa gubat."





Napakunot ang noo 'ko. "Bakit?" Sabay naming tanong ni Annie. Bakit naman mag-aaya siyang sumama kami ni Annie sa gubat eh malapit nang magtakip-silim.





"Basta, 'wag puro tanong." Masungit niyang sabi. Si kuya naman may pa mysterious effect. Hindi naman bagay psh. Napanguso nalang ako at pinatuloy ang pagkain.





Matapos naming kumain ay nagpresinta na si Annie na maghuhugas ng plato. Pansin ko rin na iniiwasan niya ako. Ano ba kasing ginawa ni Isabella sa katawan ko? Huwag naman sanang saktan niya ang mga taong malalapit sakin.




Akmang aakyat na ako sa hagdan ng magsalita si kuya sa aking likuran. "Isabel, mag-usap tayo," malamig niyang sabi. Nagpaumuna na siyang maglakad sa labas at sinundan ko siya. Medyo kinakabahan ako sa bawat paghakbang ko.






Wala akong ideya kung ano ang aming pag-uusapan. Bahala na nga! Tatakasan ko nalang siya kung sakaling masyadong sensitibo ang aming pag-uusapan.




Her Revenge [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon