+++
CHAPTER 5:
~ Never Fade ~"Forgive yourself, but don't forget."
- Alexandra Bracken
+++
Isang dalaga ang gulat na bigla nalamang napabangon mula sa kanyang kinahihigaang kama, habang walang tigil sa paghinga ng mabilis.
"A--Anak? Anak o--okay ka lang ba?"
Unang tanong sa kanya ng nag-aalalang ina, matapos nitong makita ang anak na bigla nalamang napabangon."N--Nay?"
Wika ni Althea, nang kaagad na makita ang mukha ng ina.
Dahil dito'y kaagad na napalibot ng kanyang mga tingin ang dalaga.At doon niya lamang napagtantong, wala na siya sa loob ng hospital room, kundi nasa mismong kwarto na ng kanilang bahay.
"A--Anong... n--nangyari?"
Tanong ng dalaga sa sarili...< ~ ++++ ~ >
BestRoleInLife
Presents[THE GAME OF LUCIFER]
Chapter 5:
Never FadeWritten by:
Romell Labita< ~ ++++ ~ >
"Nak, heto nga pala ang baon mo. Ako na mismo ang nagluto niyan para sa'yo," wika ng ina ni Althea, habang inilalahad sa kanya iyong lunchbox na nakalagay sa isang plastic bag.
Ngunit iyon ay hindi kaagad natanggap ng dalaga, dahil kanina pa ito parang lutang.She's already wearing her school uniform, upang sana'y pumasok na sa kanilang paaralan. Ito ang kanyang first day of school bilang kakalabas lamang sa Morano Hospital.
Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin maintindihan ni Althea ang mga nangyari.
Naaalala niya, halos nag-aagaw buhay na siya kagabi. She even thought that she might have already died because of the stab wounds and the blood loss! At ngayon magigising nalamang siya, naka-uwi na pala sila ng bahay?
But that's not the craziest part yet...
Sinabi niya sa kanyang ina kung ano ang mga nangyari sa kanya kagabi, na inatake siya ni Alina at kamuntikan na siyang malagutan ng hininga.
BINABASA MO ANG
The Game of Lucifer
Horror"The Game of Lucifer" revolves around a group of unsuspecting students who find themselves entangled in a dark web of dares orchestrated by an enigmatic user known as Lucifer. At first, it starts innocently enough as the students receive cryptic mes...