You & I Collide Chapter One

86 4 6
                                    

Hi guys, I enjoyed writing the first chapter of this story sana magandahan kayo and i-continue niyo yung pagbabasa ng story ko haha.

♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥

Copyright © GeninaLovesyou, 2014

Chapter One – Alexandra Severino

“Ma alis na po ako, bye love you” sabi ko habang tinatali ang buhok ko in a messy bun style para di magulo ng hangin kapag lumabas na ako ng bahay namin.

Sinilip ko muna ang labas ng bahay namin, hooo ang lamig naman at parang uulan pa

Anak ng tokwa naman oh baka ma-late na ako first day pa naman hahanapin ko pa kung anong section ako ano ba naman yan buhay parang life ang sakit sa bangs, wag naman sana umulan

“Nak teka lang, gusto mo ba magpahatid sa kuya mo? Oh kaya sa papa mo nalang?” tanong ni mama habang pinupunasan ang mga kamay niya ng bimpo

“Wag na ma, dalawang sakay lang naman papuntang school eh magco-commute nalang po ako, tsaka tulog pa si kuya at baka ma-late si daddy sa trabaho niyo”

“Sige nak pero hoy Alexandra ingat ka ha wag magpapabaya at wag shushunga shunga sa daan ha, wag maglalakwatsa at umuwi ng maaga baka kung anong mangyare sayo sa daan!”

Hindi naman talaga siya overprotective much like other mothers out there gusto niya lang talaga pa-alalanan kami kung anong pwedeng mangyare sa labas because she cares katulad ng mga ina na mahal ang mga anak nila and swerte ko kase meron akong ina na katulad niya

“Opo ma, check na check na yan! Bye” sabi ko at hinalikan si mama sa kanyang kanang pisngi at sabay takbo sa labas dahil baka ma-late na talaga ako.

Okay, kailangan ko na tumakbo sa sakayan pero teka lang wait nakakahiya naman ata yun ang gandang babae tapos tumatakbo na parang hinahabol ng something okay lang ba yun? Eh baka pagtinginan na naman ako ng mga tao niyan eh

Katulad ni Aling Glora at ni mang Jules ayun pa si Totoy pinagtitinginan nanaman ako pati yung aso nina Aling Nena na si bantay tinitignan ako balak ba akong kagatin nitong to? May dumi ba sa muka ko? Parang hindi na sila nasanay sa mala-anghel kong mukha ha

Nevermind, tatakbo nalang ako parehas lang naman eh tumakbo o hindi pinagtitinginan ako ng mga tao, ba’t kaya di ako masanay-sanay sa mga tingin nila?

Siguro dahil yun sa mga babala na rin sakin ni mama about sa mga iba’t-ibang klase ng tao dito sa Maynila pero di ko naman siguro kailangan mag-alala sakanila diba? Eh ang tagal ko ng mga kapit bahay tong mga to. 

May kaya kami, si mama ay nagpapatakbo ng isang medj sikat bake shop dito sa manila for almost 10 years na, I can proudly say na succesful din yung business ni mader and dad is a succesful professor in a famous international school here in manila

Pero kahit ganun kahit may kaya kami, me and my family still chose to be here it's just a simple place with common people ayaw na namin siguro umalis at magpagawa ng bagong bahay kase yun ang bahay na pinaghirapan ni mama at papa and maraming happy memories doon, hindi masyadong malaki at hindi masyadong maliit tama lang.

Tumatakbo pa ako at ramdam na ramdam ko talaga ang lamig ng hangin ngayong umaga tapos na talaga ang summer.

Teka lang, si Rex ba yun? Kasama niya si Tina, ang girlfriend niya. Ba’t sila andito? Haynako change direction na ang takbo ko baka makita pa ako ni Tina at isiping sinusundan ko sila ng boyfriend niya ganyan siya mag isip e, and masasabi ko rin na isa si Tina sa mga number one haters ko sa school kaya palagi niya akong tina-try inisin and malamang pag nakita niya ako t-try niya nanaman gawin yun pero wala talaga akong time para sa kanya, sa ngayon kailangan ko pa tumakbo papuntang sakayan kaya hindi muna siya makakatikim ng maldita powers ko.

You & I CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon